Flashback ''Daddy. Daddy," sigaw ni Curtney nang makitang dumating ang Daddy niya galing sa trabaho. Nasa pitong taon gulang pa lang si Curtney noon. "Hello, my little angel," sabay karga at halik dito sa pisngi niya. "Kamusta naman ang baby ko?" "Mabuti naman po Daddy. Daddy tingnan niyo po itong drawing ko," ipinakita niya rito ang ginawang niyang drawing. "Wow! Ang ganda naman?" "Ako po ito," sabay turo sa drawing. Si Mommy at ikaw. Daddy, sana po maging happy family po tayo. Sana po hindi na po kayo mag-away ni Mommy...Mahal na mahal ko po kayo. Ayokong nakikita kayong nag-aaway ni Mommy," sabay yakap sa daddy niya. "Mahal na mahal rin kita anak." Nagising ako na basa ng luha ang aking mga mata. Napanaginipan naman nito ang daddy niya. "I miss you so much Dad. I'm so sorry

