[Nirvana's Residence]
(Tuesday, 6:43 A.M)
Shace's POV
Nakaligo na ako at nakapagbihis na ng uniform. Nakatingin ako ngayon sa full length mirror ko rito sa kwarto at tinitingnan ang sarili ko.
Nakapusod ang buhok ko at nakasuot rin ako ng nerdy glasses na bigay ni harabeoji. Kitang kita nag full bangs ko dahil sa nakabusod kong buhok.
I look like a nerd but not literally dahil lumilitaw pa rin ang ganda ko. Fair skin, natural red lips,rosy cheeks, long eyelashes, fine eyebrow, dark black eyes and a dark raven black hair.
Kaya hindi ako masyadong nagmumukhang nerd. Bumagay pa ang suot kong uniform. I look cute. Hihihi.
Nang matapos na akong tingnan ang sarili ko sa salamin ay nagpasya na akong bumaba ng kwarto para mag agahan.
Pumunta akong dining area at naabutan sina Stacey at Claudine na patapos ng kumain. Napadako ang tingin nila sa akin at tila nagulat ng makita ako. Nakanganga panga sila at hindi natuloy ang pagkain kaya napatawa ako ng mahina.
"Quelle? " natatawa kong tanong sa kanilang dalawa.
Napatayo naman sila bigla na ikinagulat ko.
Okay? Anong nangyayari sa dalawang ito?
"Q-quelle? " ulit kong tanong sa kanilang dalawa ng nauutal.
"Chocs, vous êtes mignon!" biglang sabi ni Stacey na ikinatawa ko. Bwahahaha... Akala ko kung ano na.
*Translation : Shocks, you look cute! *
Kumuha ako ng sandwich sa mesa at tinanguan sila at sinabing aalis na ako dahil may pasok pa. Medyo late na nga ako dahil hindi nila ako pinaalis dahil gusto rin raw nilang mag aral sa school na papasukan ko pero sabi ko ay hindi pwede dahil hindi sila marunong magtagalog kaya wala silang nagawa at nakabusangot na hinayaan akong makaalis. Tss.
--
[Luna Academy]
(7:37 A. M)
Nakapark na ang kotse ko sa parking lot ng school. Kita ko sa loob ang mga estudyanteng naglalakad papasok ng school building at ang iba nasa isang malawak na field kung saan nakatapat ang kotse ko.
I thought na late na ako, pero siguro ay hindi pa naman kasi marami pa akong nakikitang students na pakalat kalat kaya napagdesisyonan ko ng lumabas ng kotse ko at maglakad papasok ng school building.
Habang naglalakad ako ay maraming napapatingin sa akin at pagkatapos ay magbubulungan na hindi na lamang pinapansin.
Naglakad lang ako ng naglakad habang papunta sa dean's office ng marinig kong biglang nag vibrate ang phone kaya agad kong kinuha ang
cellphone ko sa bulsa at tiningnan kung sino ang caller pero agad ko ring nabitawan ang phone ko at nahulog sa sahig ng bigla akong may makabangga na ikinaatras ko. Tsk.
Nanatili lang akong nakatingin sa cellphone kong nahulog sa sahig at may basag na sa screen. Nagblack out rin ang screen nito. Tsk.
'OMO! Nabangga nya sya!! '
'Tsk. How dare her to do that to him? '
'Kapal ng mukha! '
'Sino ba yang babaeng yan at binabangga ang prince ko? '
Mga bulungang naririnig ko mula sa mga babaeng nakakita ng nangyari na hindi ko pinagtuunan ng pansin.
"Watch where you're going. Tsk. " biglang inis na sabi ng nakabangga ko kaya unti unti akong napaangat ng tingin at nakita ang isang lalaking nakakunot ang noo na may blue na mga mata at may kulay abong buhok.
Pero hindi ko sya pinansin at tumingin ulit sa phone ko tsaka ko pinulot iyon tsaka naglakad ulit na parang walang nangyari. Pero hindi ko natuloy ang paglalakad ko ng biglang may humigit ng braso ko kaya napaharap ako sa taong iyon at yun ang nakabangga ko. Tsk.
Ano bang problema nitong taong to? Nabangga na nga ako, sinungitan na, nasira na celphone ko, tapos ngayon nanghihigit pa ng braso?! The hell with that?! Tsk.
"Hindi ka ba magso-sorry sa pagbangga mo sa akin? " masungit nitong sabi na ikinakunot ng noo ko.
"Huh? " kunot noong tanong ko na mas lalong ikinakunot ng noo nya at parang naiinis na.
"F*ck! Don't play dumb. " sabi nya ng naiinis na ikinasinghap ng lahat ng nanonood na sa amin.
'She's dead! '
'Good for her'
'Lagot na sya! '
'Kapal kasi ng mukha banggain sya! '
"What are you talking about? " nakakunot noong tanong ko na ikinayuko nya at napahawak sa tungki ng ilong nya na parang pinipigilan ang inis nya. Tsk.
Bakit naman ako mag so sorry sa kanya? Eh wala naman akong ginagawa sa kanya? Tsk. Bahala na nga sya.
Hindi ko na hinintay na sumagot sya dahil bigla na lamang akong naglakad paalis at dumiretso na sa Dean's office. Naririnig ko pa nga ang malulutong nyang mura ng makita na wala na ako sa harapan nya. Pshh.
"Morning Dean. " bati ko sa dean na nakangiting nakatingin sa akin habang nakasiklop ang mga kamay at nakapatong sa kanyang lamesa ang siko.
"Good morning Ms Shace Navera. " he said that made me smile.
Shace Navera a name that will hide my true identity from everyone. And can't never be reveal to anyone else.
----------------------------------------------------------------------
ace_han02