CHAPTER FOUR

985 Words
(Nirvana's Residence)  [Monday, 4:57 P.M] Shace's POV "Pumayag ka talaga sa gusto ni Papa,baby? " tanong ni Eomma sa akin na kakarating lang mula sa trabaho. Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng action movies habang may hawak hawak na bowl na may lamang popcorn. Wala rito sa bahay sila Stavey at Claudine. Sabi kasi nila sakin kanina bago sila umalis ay magpapaturo raw sila ng tagalog sa isang school rito na nagtuturo ng iba't ibang lenggwahe ng ilang buwan. Masyado raw silang nao-op sa mga sinasabi namin kahit ang totoo ay si Stacey lang naman talaga. Tsk. Pero hinayaan ko nalang sila dahil ang ingay ni Stacey pag nandito sya. "Neh, Eomma. " sagot ko kay eomma habang tutok pa rin sa panonood. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako kaya nabalisa ako at napatingin sa kanya ng may pagtataka. "Wae, Eomma? " nagtatakang tanong ko. Titig na titig kasi talaga sya. "Nothing. Hindi ko lang talaga akalaing papayag ka sa gusto ni Papa. Akala ko ba ayaw mong pumapasok sa skewalahan kasi masyadong boring? Eh ba't ngayon ay gusto mo na ?" Nagtatakang tanong no Eomma na nakapagpangiti sa akin. "Yeah, Eomma. I really hate going to school. But, may rason po kung bakit ako napapayag ni harabeoji. At gusto ko po yung gustong ipagawa sa akin ni harabeoji. " natutuwang sabi ko kay eomma na ikinatango na lamang nya. "Oh okay. Sige, kung yan ang gusto mo, hindi na kita papakielaman. Now, aakyat na muna ako sa kwarto at maglilinis ng sarili dahil inaantok na ako at kailangan ko ng pahinga dahil may business trip kami ng dad mo tomorrow. " sabi ni Eomma at tumayo na at naglakad papaakyat. "Ya! eomma! Hanggang kailan kayo sa business trip nyo at saan? " tanong ko kay Eomma. "Sa Japan. Three weeks kami roon. " maikling sabi nito na ikinatango ko na lamang at nanood na ulit ng movies pero gayon na lamang ang gulat ko ng tapos na pala iyon. Tsk. Nakakinis naman. Hindi ko tuloy napanood ang wakas. Si eomma kasi eh! Tsk. Nakanguso kong pinatay ang tv at tumayo. Dumiretso ako sa kwarto ko para maglinis ng sarili at gumawa ng trabaho ko. Syempre naman. Kahit na nandito ko sa Pilipinas ay dapat hindi ko pabayaan ang trabaho ko sa France. Lalo na't ang dami kong naiwan roon na trabaho bago ako umuwi rito. Mahigit tatlong oras kong ginawa ang trababo ko using my laptop bago ko mapagpasyahang magpahinga na. Itinabi ko na ang laptop ko at matutulog na sana ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan ito. Ng buksan ko ay bumungad sa akin si Nana na may hawak hawak na isang may kalakihang box at isang folder na may lamang mga files. "Ija, sorry kung naistorbo kita. Pero pinabibigay ng iyong lolo ang mga ito. " sabi ni Nana at ibinigay sa akin ang mga hawak nya na tinanggap ko naman. "It's okay, Nana. And thanks for this. " sabi ko ng nakangiti na ikinangiti rin nya sabay tango. "Ok, ija. Kung ganon ay maiwan na kita dahil lagpas ala syete na ng gabi. Kailangan ko ng matulog at maaga pa akong magtatrabaho bukas. Magandang gabi na lamang sa'yo ,ija." sabi niya ng nakangiti at lumisan na sa harap ko kaya isinarado ko na ang pinto ng kwarto ko pero bago yun ay nagpahabol muna ako ng salita sa kanya. "Goodnight rin po Nana" nakangiting sabi ko at tuluyan ng isinara ang pinto ng kwarto ko. Inilapag ko ang kahon at folder sa ibabaw ng kama ko at tinitigan ito. Kinuha ko ang isang note na nakadikit sa box at binasa ito. Gongjunim, Wear this uniform and also the glasses I've sent you for your new school. There's also the folder that will help you do my second favor. Oh yeah, before I forgot, you will start attending school tomorrow. I already prepared everything. Your schedule is inside the folder. Goodluck Gongjunim.... :) Love,  Your ever handsome harabeoji  Ano na naman kaya ito? Si harabeoji talaga oh. Kung ano anong kalokohan ang iniisip. Tsk. Ganyan talaga siguro pag tumatanda na. *sigh* Binulsan ko na ang box at nakita ang isang set ng uniform. Isa itong long sleeve na blouse na may coat na itim. May logo rin ito ng school. Tapos ay ang palda nya ay kulay itim rin na aabot hanggang taas ng tuhod. Siguro 2inches abovr the knee. May high socks na abot hanggang taas ng tuhod. At isang black shoes na may 1 inch heels. Tapos sa gilid ng black shoes ay naroroon ang isang nerdy glasses na sinasabi ni harabeoji. Kinuha ko yun at sinuot na ikinagulat ko. 'Woooaaahhh' Pagkasuot ko kasi ay may biglang nagkaroon ng mga letra akong nakikita sa harapan ko o sa salamin ko. Coool.... ^_^ Tapos may lumabas rin na isa pang letter na galing kay harabeoji dito sa glasses o sa harapan ko. Anggg gaallinng... Oh yeah, this glasses that you are wearing isn't normal. It's a high and advance technology that my friend invented. It will help you to know the profile of the people around you. And the things that you want to know about them. And don't worry, you're the only one who can see it. From,  Harabeoji Ang cool talaga nito. Talagang hindi ako mabo-bore sa school nito. Whahahaha Tinabi ko na muna ang uniform at kinuha ang folder na may lamang files at humiga na sa kama. Binuklat ko ang folder at nakita ang schedule ko at ang profile ko. At napangisi ako ng makita na iba ang apelyidong nakalagay roon. Pagkatapos ko basahin ang lahat ng laman ng folder ay napagpasyahan ko ng matulog. Itinabi ko na ang folder at humiga na. Habang hinihintay na daaan ng antok ay inisip ko kung anong mangyayari sa pagpasok ko bukas sa paaralan namin. Kung magiging ayos ba o hindi? At yung pangalawang pabor na gustong ipagawa ni harabeoji. Ano kayang mangyayari? Pero may pakiramdam akong magiging masaya ang pagpasok ko ulit sa paaralan bilang 4th year student. Kaya hindi ko maiwasang mangiti hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan. ' It'll be exciting! ' huling sabi ko sa isip ko at tuluyan ng nakatulog. ---------------------------------------------------------------------- ace_han02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD