[Nirvana's Residence]
(Monday, 7:45 am)
Shace's POV
Pagkagising ko kinabukasan ay agad akong bumangon sa higaan and then do some stretching so that my muscles wouldn't get stiff.
Then after that ay dumiretso na ako sa banyo then do my morning routines. Alam nyo na yun kaya hindi ko na sasabihin.
It took me 15 minutes to finish my morning routine. Kaya lumabas na ako ng banyo pagkatapos ko at pumasok sa walk in closet ko then nag suot ng isang black sando and pajama pants na kulay itim rin.
Pagkatapos ay bumaba na ako ng hindi pa nakakasuklay. Masyado ng tinamad eh. Tsaka gutom na rin ako.
Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ng isang maid ng may ngiti.
"Good morning, Ms Ianthe. " she said kaya ngumiti ako sa kanya at binati rin sya pabalik.
Then naglakad na ulit ako at dumiretso sa kusina para kumain. At doon ko naabutan sina Stacey at Claudine na kumakain na rin ng breakfast.
Agad akong lumapit sa kanila at umupo sa harapan nilang dalawa.
Agad akong pinag silbihan ni Manang Linda ng pagkain. Sya kasi ang palaging nagluluto sa bahay pag nandito ako kahit na may personal chef kami rito. Gusto ko kasi talaga ang luto nya kaya sabi ko sa kanya na kapag nandito ako sa bahay ay gusto kong sya lagi ang magluluto para sa akin.
Kaya ngayon ay sya ang nagluto ng breakfast namin ngayon.
"Bonjour. " bati ko kila Stacey at Claudine na kumakain parin hanggng ngayon.
*Translation: Good Morning. *
Nasarapan siguro sila sa luto ni Manang Linda kaya napangiti ako. Masarap kasi talaga syang magluto kaya tuwang tuwa ako kapag nakikita ko syang magluto para sa akin.
"Good morning Nana. " bati ko kay manang Linda. Nana kasi talaga ang tawag ko sa kanya. Kasi simula pagkabata ay sya na ang nag alaga sa akin.
"Magandang umaga, ija. Kumain ka na. Nagluto ako ng fried rice, omelet egg, bacon and hotdog. At mainit na gatas para sa inumin." sabi ni Manang Linda habang nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Thanks, Nana. " nakangiti kong sabi at nag umpisa ng kumain.
"Oo nga pala ija. May pinapasabi ang mommy mo kanina bago sya umalis. " sabi ni Nana kaya napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"Ano po yun, Nana? " nagtatakang tanong ko.
"Sabi nya, pumunta ka raw sa bahay ng lolo mo. May pag uusapan raw kayo. " sabi nya sa akin na lalong nagpakunot ng noo ko pero tumango na lang ako at tumuloy na sa pagkain.
"Que dites-vous les gars?" rinig kong tanong ni Stacey. Tiningnan ko sya at nginisian.
*Translation : What are you guys saying? *
"Devine ça. " nakangising sabi ko sa kanya na ikinanguso nya. Bwahahahaha....
*Translation : Guess it. *
Kasalanan ko bang hindi sya marunong umintindi ng tagalog? Hahaha. Bahala sya dyan, di ko na kasalanan kung hindi nya naintindihan yung pag uusap namin ni Nana.
Samantalang si Claudine ay tahimik lamang na kumakain. Nakakaintindi kasi ng tagalog kaso hindi marunong magsalita ng lengguwahe ng mga pilipino. Tsk.
"Ija, ano ba yang salitang sinasabi ninyo? Hindi ko maintindihan. Ganoon na ba ako katanda at may mga salita na akong hindi alam? " tanong ni Nana na ikinatawa ko.
"No,Nana. Hindi ka pa naman po sobrang tanda. Iba po kasing lengguwahe ang sinasabi namin. Hindi kasi sila marunong magtagalog. " sabi ko kay Nana na ikinatango nya.
"Ahh, ganoon ba? Oh sya, maiwan ko na muna kayo dyan at may gagawin pa akong gawaing bahay. At turuan mo rin sila ng salitang tagalog ija para naman makaintindi sila ng ating sinasabi." sabi ni Nana tsaka tuluyan ng umalis.
Pinagpatuloy ko naman ang aking pagkain at sa buong oras na akko'y kumakain ay parati akong kinukulit ni Stacey kung anong pinag uusapan namin kanina ni Nana na hondi ko naman sinasagot.
***
(Shace's Grandfather Manor)
[9:15 am]
Kakarating ko lang sa bahay ni harabeoji. Pinagbuksan ako ng guard ng gate dahilan upang tuluyan akong makapasok sa loob.
Nakita kong may nag aabang na isang butler sa labas ng double door ng bahay ni harabeoji. Pagkababa ko ng kotse ay agad itong nag-bow na tinanguan ko lamang.
"Good morning Ms Ianthe. Your grandfather is already in he's office. " sabi ng butler ni harabeoji.
Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa opisina nya. Nakita ko syang nakaupo sa swivel chair nya at tila hinihintay ang pagdating ko.
Nakita ko ang pagngiti nya ng makita ako kaya napangiti rin ako. Iminuwestra nya ang upuan sa harap ng mesa nya kaya doon ako umupo.
"Harabeoji. " bati ko at umupo ng tuluyan.
"Gongjunim, it's nice to see you again. " sabi ni harabeoji ng may ngiti.
"Me too, harabeoji. " ganting sabi ko.
"Oh yeah, Eomma said that you want to talk to me? Bakit nyo po ako gustong maka-usap? " tanong ko kay harabeoji na ikinangiti nya ng todo na ikinakunot ng noo ko dahil sa pagtataka.
"Yes, I want to talk to you Gongjunim. Gusto ko sana humingi ng pabor sa iyo. " nakangiting sabi nito na ikinataka ko lalo.
Ano kayang pabor iyon at parang excited sya? Tsk. Mukhang may kalokohan na naman ipapagawa sa akin tong lolo ko. *sigh* ganyan kasi ang itsura nya pag may ipapagawa sa aking kalokohan. Tsk.
Todo ang ngiti at parang sabik na sabik sa mangyayari. Hindi ko nga alam kung bakit sa akin pa ipapagawa ang mga kalokohan nya. Tsk. Andyan naman si oppa para gawin yang kalokohan nya. Tsk.
"What is it, harabeoji? " walang ganang tanong ko.
"That's my Gongjunim. Always up to take my favors. Haha... It's easy, I just want you to go to school...........again. " masayang sabi nya na ikinagulat ko.
'What?! Ako? Papasok ulit sa eskwelahan? Eh tapos na akong mag aral ahh?! Kahit 16 palang ako ngayon ay mabilos akong nakapagtapos ng pag aaral dahil nag-skip ako ng taon ng ilang beses sa pag-aaral. Tsk. '
"Harabeoji! Alam mo naman pong ayaw kong mag aral diba? Kaya nga ako nag skip ng ilang bese dahil sa ayaw ko talagang pumapasok sa school. Masyado po kasing boring kasi alam ko na ang mga tinuturo nila. " may pagkainis na sabi ko sa kanya.
"I know. Kaya nga gusto kong mag aral ka ulit eh. Gusto ko kasing maranasan mo ang buhay ng pagiging high school student. Your only 16 at alam kong hindi mo pa nararanasan ang maging high school student. At tsaka anong sinasabi mong nag skip ka ng taon sa pag aaral? Kumuha ka kaya ng acceleration exam noong grade schooler ka palang ng pang-college kaya nakagraduate ka kaagad. " sermon sa akin ni harabeoji.
Napanguso naman ako dahil doon. Tsk. Oo na. Nag take ako ng acceleration exam nung grade four ako. Masyado kasi akong nabored noon kasi alam ko na ang nilelesson ng teacher namin.
Kaya naka isip ako ng kalokohan noon. Ng marinig ko ang teacher namin na nag uusap tungkol sa mga anak nilang mga college student na mag t-take raw ng acceleration exam para makagraduate ay sinabihan ko ang teacher namin na gusto ko ring magtake ng acceleration exam.
Tinawanan pa nga ako ng teacher ko ng sinabi ko yun eh. Pero ng makita na seryoso ako ay wala syang nagawa kundi kausapin ang mga magulang ko at itanong kung papayag sila sa gusto kong mangyari na kumuha ng acceleration exam para sa mga college students.
Akala pa nga nila nanloloko lang ako nun eh pero dahil sa pagkabored ko nun ay pinakita kong seryoso ako kaya wala silang magawa pati ang mga magulang ko na pumayag sa gusto ko. Sinabi pa nga nila na sobrang hirap raw ng exam na iyon. More than 5000 question raw ang naroroon at nasa 0.0000001% lang raw ang chance ko na makapasa dahil sobrang bata ko palang raw at wala pang masyadong alam.
Hindi nga sila umaasa na makakapasa ako kaso para sa kanila ay sayang lang raw sa oras ang pagkuha ko ng acceleration exam. Tsk.
Pati nga rin ako ay nagdalawang isip ng sabihin nilang sobrang liit ng chance kong makapasa pero ok lang dahil trip ko lang naman yun dahil bored ako. Bwahahahaha.
Pero ng matapos akong magtake nun ay isang buwan akong naghintay bago lumabas ang result at laking gulat ng pamilya at mga teacher ko na pasado ako sa exam. Hi di ko yun ine-expect dahil hindi naman ako umaasang makakapasa ako at makakapag graduate agad. Bwahahaha... Tuloy sa edad kong sampung taong gulang ay gaduate na ako. Whahahaha....
Minsan nga ay pinagkaguluhan ako ng malaman ng nakakataas ang result. Gusto akong interviewhin dahil raw sa taas ng IQ ko. Tinagurian pa nga akong genius o prodigy dahil doon.
Anyway, nasa bahay na ako ngayon. Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa gustong mangyari ni harabeoji. May gusto pa kasi syang ipagawa bukod sa muling pagpasok ko sa eskwelahan na ikina excite ko.
Siguradong hindi ako mabo-bored nito pag nagkataon. Hahahahaha.
----------------------------------------------------------------------
ace_han02