CHAPTER 3

1005 Words
TRICIA POV Ngayong hapon, nagpunta kaming dalawa ni Drake sa tagaytay kung saan kami titira. Grabe, napakasarap lamang ng hangin dito sa tagaytay. Sobrang presko at masasabi kong bibigyan ako nito ng peace of mind since malayo layo ito sa bahay namin at malayo kay Troy. Ngayon, nandito kaming dalawa labas ng bahay niya at kumakain. Kahit na simple lamang nito ay napaka saya ko na dahil sa kasama ko na ang lalaking mahal na mahal ko. "So kamusta nga pala ang pagtatrabaho mo sa ibang bansa? Ayos naman ba ang pagtrato nila sayo?" tanong ko kay Drake, talagang titig na titig ako sa kanya habang kumakain kami. Puro kasi kami video call dalawa pero ngayon I get to see his face, mas lalo ngang kuminis ang kanyang mukha eh. Malamig din siguro talaga sa New York at puro snow kaya kuminis ang kanyang kutis. He smiled at me at nakita ko ang magandang braces niya, "Medyo mahirap lang maging isang manager ng restaurant pero masasabi ko naman na sobrang worth it na rin kasi mataas naman ang sahod ko. At masasabi ko na ang New York ang isa sa mga pinaka magagandang bansa na napuntahan ko. Second is Canada, so sana ay dumating yung time na madala kita doon. At syempre nandoon ang mga investments ko." Proud na proud lamang ako dito sa boyfriend kong si Drake sapagkat sobrang galing lamang niyang magpalago ng kanyang pera. Kaya naman ay halos naging milyonaryo na ito in less than a year. Pero napaka simple pa rin niyang lalaki at hindi ko siya nakikitaan ng yabang. Hinawakan ko ang kanyang kamay, "Teka lang? Di ba wala ka na namang balak na mag abroad ulit?" sabi ko pa. "Oo naman, wala na talaga akong planong mag abroad. It only means na magkakasama na tayong dalawa. I don't want to sound like I am an arrogant person but malaki laki na rin ang naipon ko, sapat na para mag settle down tayong dalawa." "Kaya nga sobrang saya ko rin kahit papaano eh. Imagine that, parang dati rati lang ay naghihikahos tayong dalawa pero ngayon halos wala na tayong ka proble problema pagdating sa pera. At sana ay matanggap ka na rin ng family ko." "Relax ka lang babe! Mayroon namang tamang panahon para sa bagay na ito. Sa ngayon, mag enjoy lang tayo together. Sobrang tagal ko lang din nawala at sobra kitang na miss. While madalas naman tayong magkita sa video call, I mus say na iba pa rin talaga yung personal. At kumpara sa nakaraang pagkikita nating dalawa, masasabi ko na mas lalo kang gumanda ngayong araw. Not because this was supposed to be the highlight of your life pero iba lang talaga yung tingin ko sayo ngayon. Siguro labis din ang kaba mo kanina kasi malapit ka nang ikasal kay Troy?" "Oo, pero I was going say no anyway. Sadyang sa last minute, pumunta ka doon na parang knight in shining armor ko. And I am very happy na tayong dalawa na ngayon." "Anyway, let us move on from what just happened. Ang mahalaga naman dito ay wala na tayong poproblemahin pa." "Siya nga pala, yung sasakyan mo, dito mo ba nabili sa Pilipinas?" Napangiti siya ulit, "Oh I am very sorry, I forgot to tell you about this. Oo, worth 15 million ang bili ko sa sasakyan kong ito. Medyo expensive but I must say na sobrang worth it naman. Lalo na't ikaw yung unang naka sakay rito." "Grabe, ang swerte swerte naman natin sa buhay. Ang swerte ko lang din sayo lalo na't ikaw ang napangasawa ko." "Thank you so much. At maraming salamat din sayo kasi ikaw naman ang naging inspirasyon ko kaya ko ito nagawa. Ang sarap lang din sa pakiramdam na ang dami kong pinagdaanan sa buhay pero tinanggap mo pa rin ako. Noon ay isa lamang akong dakilang tambay at nangarap ako dahil sa mahal kita. Nag abroad ako at nagbaka sakali na yumaman kahit na highschool graduate lamang ako. Still, I was able to make myself rich." Nakakatuwa lang din na sinasama niya talaga ako bilang dahilan ng kanyang success. "Kasal na lang din pala ang kulang sa ating dalawa no?" "And it will happen once na nakuha na natin ang basbas galing sa parents mo. Just let them wait and see!" While I think na tama naman ang kanyang sinabi, mayroon pa ring part of me na talagang may doubt. Matigas pa naman ang tatay ko at sure ako na mahihirapan kaming kumbinsihin siya. "Bakit parang nababagabag ka na naman babe?" tanong niya. Natuon ulit sa kanya ang atensyon ko. "Ah eh... wala naman..." "Look, I know you are worried na hindi pa rin ako tatanggapin ng parents mo pero wala namang hindi kayang bilhin ang pera di ba?" Tinabihan niya pa ako at niyakap para lang mawala itong nararamdaman kong kaba. "Wag ka nang mag alala jan babe! Pramis, magiging maayos din ang lahat. All we need is to wait until the time comes na makikita natin sila ulit." Pinagkatiwalaan ko na ang sinabi ng aking long time boyfriend. Siguro ay masyado na rin akong nag o overthink sa isang bagay na malabo namang mangyari. Sabagay, nasisilaw din ang parents ko sa pera, kaya nga nila akong gustong ipakasal kay Troy dahil sa salapi. Ang anim na letrang kayang magbago sa isang tao. Pero para sa akin, ang pag ibig ni Drake ang mas mahalaga kaysa sa salapi na ibibigay sa akin ni Troy. Ngayon, ang kailangan ko na lamang gawin ay i enjoy ang bawat sandali na kasama ko si Drake! "Sorry na, pero tama ka nga sa sinabi mo sa akin. Siguro mali rin na nag o overthink ako. Pero maiba lang din sana ako ng usapan, gusto ko sanang gumala tayong dalawa ngayon? Perhaps, pwede tayong maglakad lakad sa labas?" "Ah, pwede naman. Kaya lang, before we go out I want to show you something!" wika niya sabay labas ng panyo. Pumunta siya sa aking likuran at tsaka niya piniriningan ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD