TRICIA POV
Hindi na ako makapaghintay sa kung ano man ang sopresa para sa akin nitong si Drake. Pagkatapos niya akong piringan, ginabayan naman niya ako gamit ang kanyang kamay. Pumunta kami hanggang sa taas hanggang sa tanggalin na niya ang aking piring sa mata. Dito ay bumungad sa akin ang aming kwarto.
Pero nakita ko na ito kanina, ang hindi ko lang inaasahan ay ang makita ko ang napakadaming pera sa dalawang maletang dala niya. At ang mas nakakalula pa, hindi ito peso kung di dollars. Grabe, nag i spark ang mga mata ko sa aking nakikita. Puro tag o one hudred dollars itong lahat.
"Wow! Para ka nang nanalo nito sa lotto babe! Sobrang dami naman nito!"
"All thanks to you, ikaw naman ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagkaroon ng ganyang kadaming pera. Kaya lang, for safety na rin natin, kailangan natin ilagay sa bangko ang pera natin. Wouldn't you agree?"
"I agree wala naman problema sa akin," sabi ko, "pero sobrang dami mo na siguro talagang mga investments mo kaya ganito na lang din karami ang pera natin."
"Of course! Basta mayroon ka nang future sa akin, natitiyak ko sayo na magiging maganda ang pagsasama natin dalawa. Eh halos lahat naman ng mga magkasintahan ngayon pera ang madalas na pinag aawayan. Subalit tayong dalawa, mayroon na tayong financial freedom!"
Sobrang dami ko nang naiisip sa ngayon. Ang dami kong gustong bilihin at puntahang lugar gamit ang pera ni Drake. And I cannot wait to start my journey with him kasi sobrang nakaka proud lang bilang girlfriend niya. Samantala, bigla namang nag ring ang kanyang cellphone ng maghahalikan pa lang kaming dalawa.
***************************
***************************
DRAKE POV
Fuck! Sobrang nakaka inis naman ang timing nitong tumatawag sa akin. Nauurat ako pero kailangan ko lang na sagutin ito ng malayo sa long time girlfriend ko. Sure ako na si Rachel ang tumatawag sa akin, ang kulit talaga ng babaeng ito!
"Babe sagutin mo na ang tawag, mukhang importante kasi," sabi pa ni Tricia.
I took a deep sigh, "Sorry babe, sobrang importante lang talaga ang tawag na ito. Would you mind if I answer this call sa baba?"
"Oo naman!" nakangiting sabi niya pa sa akin.
Bumaba na ako at sa labas ko sinagot ang tawag ni Rachel, I make sure na wala ring tao sa paligid.
"Ano napatawag ka?" sabi ko sa kabilang linya.
"Ano boss tulig ka lang ha? Dumating na dito sa Pinas ang hinihintay ninyo. At ang client natin, tumawag at inaasahan niyang darating ang mga ilegal dr*gs sa napag kasunduan ninyong location. 60 million deal ito boss, kaya hindi tayo pwedeng pumalya!"
Napangiti akong parang isang demonyo, ang 50 million dito ay kakailanganin ko para sa negosyo ng pamilya ni Tricia upang pumayag na sila na maikasal kaming dalawa. Ito naman ang dahilan kung bakit din ako labis na nagsumikap sa aking buhay- ito ay upang matanggap ako ng pamilya niya sapagkat sobrang mahal na mahal ko siya kaya kahit mali ang pinasok ko, tinanggap ko na ito ng buo, makapiling ko lang ang Tricia ko.
And aside from that, hindi naman niya malalaman ang tungkol rito dahil sa galing ko na ring magtago. At titigil rin naman ako sa trabahong ito kapag dumating yung time na maging isang bilyonaryo na ako. Dito ko na dudurugin si Troy, ang akala niya siguro ay nakakalimutan ko lahat ng atraso niya sa akin? Sa mga panahon na inagaw niya at pinaiyak si Tricia! Lintik lang ang walang ganti.
"Good to know! Don't worry, according sa client, dadalhin naman nila ang perang napagkasunduan. Natitiyak ko sayo na magiging matagumpay ito at hinding hindi tayo papalpak. At para lang din sa kaalaman mo, marami pa tayong ibang mga clients na naghihintay upang makapag transact."
"Well, I am just so impressed by your skills, boss Drake! Ikaw naman talaga ang pinaka idol ko pagdating sa diskarte. I cannot imagine kung yung dating boss pa rin ang namamahala sa atin. Mabuti na lang at pinalitan mo na siya!"
"Are you talking about that stupid John? Of course I already got rid of him- sobra siyang incompetent para sa ating organisasyon at malaki ang naitulong mo para mapatalsik siya sa pwesto. Ngayon tingnan mo, sobrang ganda na ng takbo ng ating organisasyon, sobrang ganda na ng dahil sa pamamalakad ko!"
"The pleasure is mine, boss! And now, sana naman ay mapansin mo na ako. Do me a favor and be my boyfriend!" she said, hindi pa rin nawawala ang pagiging obsessed niya sa akin. Kaya lang, ang babaeng mahal ko ay walang iba kung di Trica at wala nang iba pa. Pero sa ngayon, kailangan mo munang paikutin itong si Rachel sapagkat malaki pa ang pakinabang niya sa akin.
"Basta ako ang bahala sayo Rachel. Sa ngayon, tutukan lang natin ang ating trabaho. Ipagkatiwala mo na ang ito sa akin," I said with a firm voice upang maniwala siya sa akin.
"Sige ha? Sabi mo iyan sa akin? Sabay tayong aalis dito sa Pilpinas pagkatapo natin parehas na maging billionaires. Sobrang dami ko nang mga pangarap na gustong matupad."
I am not guilty of giving her false hope. At halata naman na paniwalang paniwala rin siya sa lahat ng mga sinasabi ko.
"Oo, ako ang bahala sayo Rachel. Tutuparin natin ang lahat ng mga pangarap mo, pinapangako ko iyan. Hinding hindi kita paasahin."
"Okay, so I shall see you tomorrow then?"
Halatang kinikilig siya sa sinasabi ko sa kanya. Ang dali talaga niyang utuin at mas lalong madaling laruin ang kanyang feelings.
"Okay. But just a favor, wag mo muna sana akong tawagan for a while. I mean, medyo busy lang din ako sa aking personal life."
"Ganun?" bahagyang nalungkot ang kanyang boses. "Sige, anyway magkikita pa naman tayong dalawa bukas eh. Bye!"
Pagkatapos niyang magsalita ay pinatay ko kaagad ang tawag. Sakto namang bumaba si Tricia at sinalubong niya ako ng isang maaliwalas na ngiti.
"Sorry kung bumaba ako, medyo nainip lang. Isang minuto ko lang hindi makita ang mukha mo, nami miss na kita kaagad."