TROY POV Naiinis talaga akowith how my dad is treating me. Frankly speaking, sobrang conservative niyang tayo at perfectionist. Akala mo naman ay wala siyang ginawang kalokohan noong kabataan niya. Sa pagkaka alam ko naman ay nabuntis niya ng maaga si Mom at nagtanan pa silang dalawa. Na noong high school siya, puro lang din naman siya bulakbok at cutting classes sabi ng nanay ko. At madalas nga raw siyang nasa tropa kaysa sa bahay. Ang layo ng ugali ko sa kanya sa totoo lang, madalas akong nasa school at wala akong palya sa pag aaral ko. Imbes na alak, gatas ang iniinom ko at nagsusunog ako ng kilay para lamang ma meet ko ang mga grades na gusto niyang makuha ko. And now that I am finally an adult at naka graduate with honors, akala ko talaga he is going to set me free but it was act

