CHAPTER 6

1005 Words
TROY POV Nandito pa rin ako sa bar kasama ang pinsan kong si Ahron. Ngayon halos lunurin ko na ang sarili ko sa alak at lasing na rin ako. Ngunit akala ko ay matutulungan ako ng alak na ito upang makalimot sa aking mga problema. Kaya lang, kahit anong lagok ko sa alak ay hindi ko pa rin malimutan ang sakit ng ginawa ni Tricia sa akin. Ngayon ako mas lalong nasasaktan sa nangyari sa aming dalawa. "Bro, mukhang napaparami na yata ang inom mo ha? Dahan dahan ka lang sana kasi baka kung mapaano ka niyan. Yari ka sa daddy mo for sure." "Hayaan mo na ako Ahron. Minsan mo lang naman akong makitang ganito di ba? Ganito talaga siguro kapag broken ang isang tao. Hindi ko lang akalain na ganito ako mapapahiya. At yung tao pa na nagpahiya sa akin ay yung babae na sobrang mahal na mahal ko." Nakatulala lamang ako habang nagsasalita. Ang bigat ng nararamdaman ko sa mga sandaling ito. At tila ay wala nang katapusan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Isang tapik naman ang binigay sa akin nj Ahron. "Sorry to hear about this bro. Awang awa lang talaga ako sa kalagayan mo ngayon. Pero sa maniwala ka man o hindi, nangyayari ang lahat ng ito ng mayroong dahilan." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nito, "Dahilan? Sige nga ikaw ang magsabi sa akin kung bakit hinayaan ng tadhana na mawala ang relasyon naming dalawa ni Tricia? Because if I am going to ask my damn self the same question, hindi ko rin naman ito kayang sagutin. So what makes you think tha this happen for a reason?" Hindi nakasagot sa akin si Ahron at natahimik. Tapos nagulat na lamang din ako ng bigla siyang tumawa ng malakas at pumalakpak. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa ginawa niyang ito. "Teka lang? Bakit bigla ka naman natawa jan? Is there anything funny about what. I said?" I asked curiously. Tumigil na siya sa kanyang paghalakhak. "Bro, sobrang cringe mo naman pala talaga lalo na kapag nalalasing ka. May pa tadhana tadhana ka pang nalalaman jan heheh." "Ganito siguro talaga kapag nalalasing Ahron. Besides, hindi mo naman naranasan yung pagkakaroon ng syota at mas lalong hindi mo na experience yung pagiging broken." "Grabe ka naman sa akin pare. Alam mo mahirap pa naman yung ganitong klase ng sitwasyon. Eh marami naman akong mga niligawang babae kaya lang ni isa sa kanila ay ayaw din naman sa akin. Trust me, pinilit ko rin naman talaga kaya lang hindi naman ako gustuhin kagaya mo." "Alam mo, dapat kasi ayusin mo na iysng porma mo para hindi ka naman mahirapan. Ang sabi nga nila, you should not chase but attract. Ayusin mo lang iyang katawan mo, magpataba ka. Tapos bumili ka ng mga polo mo para naman maging maayos kang tingnan. Matagal ko na rin kasing sinasabi ito sayo kaya lang ay hindi ka naman nakikinig sa akin. Masarap din naman magkaroon ng syota lalo na kasi mayroon ka ng inspirasyon," sabi ko pa sabay lagok ulit ng alak. "Grabe ka naman bro. Ang haba naman ng sinabi mo sa akin." "Kasi concern lang din naman ako sayo. Sana nga kapag ikinasal ako ulit kay Tricia, mayroon ka nang girlfriend para naman mayroon isasama." "Talaga? Sige pinapangako ko naman sayo na gagawin ko talaga yan. Lalo na once na naging kayong dalawa ulit ni Tricia." "Hindi malabong mangyari ang sinasabi mo. Basta itataga ko sa bato na magiging kamj ulit dalawa ni Tricia. Aagwin ko siya kay Drake at ipapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal." "Pero bro, mukhang mayaman din ang karibal mo sa kanya. Nakita mo naman kung gaano kaganda yung kotse niya di ba? Siguro naman mas alam ko kung gaano kamahal ang presyuhan ng ganung klase ng sasakyan since Ferrari user ka rin." "Yun nga rin ang pinagtataka ko eh. Bakit siya yumaman ng ganun ganun na lang. Hindi naman ako sa bitter pero million ang halaga ng sasakyan niya. Kahit na gaano kataas ang sahod niya sa ibang bansa, parang ang hirap lang din paniwalaan." "Grabeha ka naman? Hindi ka ba talaga bitter pero bakit ka naman ganyan magsalita bro? Alam mo ganito lang namam yan eh, may mga tao talagang madiskarte sa buhay. Siguro isa na si Drake doon. Kaya sa tingin ko ay kayang kaya niya ng makipag sabayan sa lifestyle mo." "Pero ang tanong, hanggang saan niya kayang makipag sabayan sa akin. Baka lang din nakakalimutan mo na anak ako ng mga bilyonaryo. Mayroon talaga akong bad blood sa taong ito at ako mismo ang maghahanap ng butas upang ibunyag ang totoo niyang pagkatao." Right after kong magsalita, bigla namang nag ring ang aking cellphone. I fished out my phone and look who is calling me? My dad who is so concern to me but still treated me like a kid. "Sige na bro, sagutin mo na yung tawag sa labas. Sure ako na kanina pa nag aalala si Uncle sayo." Lumabas ako ng bar at dito ko na sinagot ang tawag ni dad. For sure, sesermonan na naman niya ako kasi gabi na ngunit hindi pa rin ako umuuwi sa bahay. "What is going on with you, Troy? Bakit hindi ka pa umuuwi hanggang ngayon ha?" galit niya pang sabi sa akin. I am already expecting that he is gonna do it. But I have to remind him that I am not a kid anymore. "Dad, I am here at the bar and trying to release my stress. But can you please stop calling me and let me enjoy the rest of the night? Ayaw kong ilugmok ang sarili ko sa labis na kalungkutan. Kaya hayaan mo naman ako na mag walwal. I am tired of being a good guy." "Sa bar? Talagang jan mo pa naisip mag punta? Alam mo kahit malayo ka sa akin, naamoy ko pa rin ang alak na kumakapit sa katawan mo. How can you go home if you are too drunk?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD