Chapter 1
" Casiphia! Gumising ka na alas siete na!!! "
Napatalikwas ako sa higaan nang madinig ko ang sigaw ni mama. Alas siyete na daw ng umaga nakuuuu late na ako. Dali dali kong hinila ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan, halos magkanda dulas pa ako dahil hindi ko napansin ang mga gamit ko na naka kalat pa sa sahig.
" shemay! di pa pala ako tapos magligpit ng mga pamasok ko, haaay .. pag nasimulan na kasi magcellphone di na mapigilan eh, di bale bibilisan ko nalang maligo para makapag ligpit pa "
Pagpasok ko sa banyo sa loob ng aking kwarto, tumitig muna ako sa salamin na kitang kita ang buo kong katawan, 16 years old palang ako pero halos hubog na hubog na ang katawan ko. bilugang hita at malulusog na dibdib at puwetan. Sabay hagod ko sa buhok kong halos umabot na sa bewang ang haba na mejo wavy. Hindi rin ako kaputian dahil mahilig akong gumala kahit sobrang init sa labas.
Habang ako ay naliligo, nadinig ko na naman ang tawag ni mama
" Matagal ka pa ba??? Sobrang late ka na! "
Hay nako, ang mama talaga mas excited pa sa akin. Minadali ko na din maligo at magbihis, inayos ko na din ang mga gamit ko at bumaba na para makapag almusal.
" Nak, 4th year ka na, sipagan mo sa pag aaral para makapasok ka sa mga state university at maging scholar, malaking tulong un para sa amin ng papa mo "
"Opo ma, paghuhusayan ko po. gusto ko na din po magstay si papa dito sa atin, mahirap po ang malayo sa pamilya"
Nasa middle east si papa, sapat naman ang kita niya kaya hindi na din niya pinagtrabaho si mama, pero para makatulong ay nagtayo si mama ng maliit na tindhan para kahit papaano ay may pumapasok na pera maliban sa mga padala ni papa. Minsan sumasideline din ako mag tutor sa mga anak ng kapitbahay namin , hindi namin inaasa lahat kay papa dahil alam namin ang hirap na nararamdaman niya doon.
" Pasok na po ako Ma! "
" Magiingat ka Yang! Umuwi pagtapos ng klase ha! unang araw walang palusot na may project agad"
Haaaay ang mama ko talaga.
Sumakay na ako ng tricycle papunta sa eskwelahan, sa totoo lang kinakabahan ako hindi dahil mas mahirap na ang mga pag aaralan, kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyare lalo nat huling baitang ko na eto sa highschool at magkokolehiyo na ako, halong kaba at excitement!
Pagdating ko sa gate ng eskwelahan namin agad kong nakita si Luis - ang bestfriend kong hindi man lang mapansin na gusto ko siya, pero ayos lang. Okay na ako sa ganto atleast nakakasama ko siya at walang malisya un dahil magkababata kami .
" Yang!!! " sambit ni Luis sabay akbay sa balikat ko. Matangkad si Luis halos hanggang dibdib niya lang ako. Kaya wala din nagbabalak na umaway sa akin dati dahil pag nakikita nilang kasama ko si Luis literal na nanliliit sila.
" Nakakunot naman agad noo mo yang, unang araw ng klase nagtataray ka "
" Pwede ba Luis tawagin mo ko sa pangalan ko, para saan pa at yun ang pinangalan sakin? Hirap na hirap nga ako isulat yun nung nagsisimula palang ako matutong magsulat tapos nag itatawag mo lang sakin e apat na letra??? Hello, kung nakakalimutan mo , Ako si Casiphia Summer V. Baron, Okay? " sabay nguso at nagmadaling maglakad papunta sa aming room. Hinabol pa din ako ni Luis at inakbayan para sabay kaming makarating sa aming silid aralan.
Jusko ka Luis .. masyado mo akong pinahihirapan mas lalo pa ako maiinlove sayo niyan