CHAPTER 3

878 Words
Naglalakad kami ngaun papunta sa Canteen , di pa naman ako gutom gusto ko lang din magikot ikot. Sa di kalayuan natanaw ko na si Sir Abe. sobrang tikas talaga ng tindig nya , nakatingin din siya saakin kaya nakaisip ako ng kaharutan. Nakipagttigan din ako sa kanya habang naglalakad ako papalapit sa pwesto niya, nang makarating na ako sa katabing table ay iniusli ko ng kaunti ang aking pwet bago umupo at sinigurado kong makikita niya ang hulma ng pwet ko na bumabakat sa palda naming hapit. May slit din ito sa gilid kaya nagde kwatro ako at bahagyang umangat ang slit sapat na para makita ng mga hita kong mapuputi. Napansin ko namang napatitig din sya saakin. Sobrang gwapo talaga ni Sir Abe, may asawat anak na kaya siya? Magaling kaya siya sa kama? huuy! eto ka na naman self kung ano ano iniisip. " Hi Sir! " bati ko sakanya, tinanguan lang ako bilang tugon Jusko, kung di lang gwapo eh! napaka maldito. Dumating na din si Luis nang may dala dalang pasta at sandwich, isa pa tong bestfriend ko, kung di ko lang to bff minanyak ko na to eh. Di na ako magtataka bakit ang daming nagkakagusto sa kanya, matangkad , mabango , di kaputian pero hindi rin maitim , macho din infairness dahil siguro lagi syang naglalaan ng isang oras para makapg buhat buhat. May dimple at ang ganda ngumiti , talaga nga namang malakas ang dating . " Yang, di ko alam kakainin mo eh eto nalang binili ko. 100 yan ah sakto. Bayaran mo nalang ako mamaya " " HOY DI NAMAN AKO NAGPAPABILI AH? " sagot ko sakanya . Tinawanan lang ako at sinabing libre na lang daw. hindi naman sa nagkukuripot pero hindi talaga ako gumagastos pag hindi pa talaga ako gutom. Tsaka may pinag iipunan ako, ayaw kong iasa kay papa yung mga bagay na gusto kong bilhin. Ang bilis nang oras , mag uuwian na . Nakatingin lang ako sa labas ng classroom habang nag aantay ng uwian. Ganito lagi pag 1st day, walang ginagawa. Yung mga kaklase ko may kanya kanya ding inaatupag pero karamihan eh nakasubsob na lang ang mukha sa desk at nag aantay nalang din ng uwian. Mejo madilim na pala sa labas , ang dami na ding estudyante ang nadaan sa tapat ng silid namin mga pinauwi na siguro ng adviser nila. Kami eto tamang antay kay Sir kung babalikan pa ba kami. " Class , pack your things you may go home na after 3mins. make sure walang maiiwan na gamit niyo dito sa room, under renovation pa tong building natin so kung may makalimutan kayo baka pag pasok niyo kinabukasan eh hindi niyo na mahanap dahil pag gabi ay may mga nagtatrabaho dito. Mag iingat kayong lahat sa pag uwi. Goodbye Class" " Goodbye Sir Abe! " Yes uwian na. Napagod din ako kahit ganun lang ang ginawa namin sa isang buong araw. Madilim na at delikado na sa kalsada, nag aantay na ng knaya kanyang sundo ang mga estudyante kahit sabihin nating mga dalagat binata na e hindi mo pa din masasabi ang pagakataon. " Tara na Yang, hatid na kita madilim na eh " Sobrang pasasalamat ko na lang din at hindi ako iniiwan netong bff ko. Umangkas ako sa motor niya, Maingat naman syang nagmaneho papunta sa bahay, di kalayuan ang bahay niya sa bahay namin . hindi lang talaga kami sabay pumasok kasi minsan dumadaan pa sya sa bahay ng tatay nya. Hiwalay ang mama at papa ni Luis. Sa mama niya sya nakatira which is ang ninang Sheng ko. Ang papa naman niya ay sa kabilang subdivision. Naghiwalay ang mga magulang niya nang malaman ng mama niya na habang nag tatrabaho siya sa Singapore e may ibang babae ang papa niya dito sa Pilipinas. Engr ang papa ni Luis , may kaya sila at talaga namang hindi rin niya pinabayaan si Luis financially. Ang ninang naman ay pinursue ang pangarap na maging doctor sa Singapore. Natupad naman niya iyon kaso nung nabuntis ni ninong ay hindi na sya nakabalik ng singapore ulit. Mas pinili na lang nya alagaan si Luis dito . Nag iisang anak si Luis kaya ingat na ingat si ninang sakanya kahit pa lalake ito. Lumaking genteman at may takot sa Diyos kaya sobrang blessed ko at naging bff ko siya. " Andito na po tayo Maam , Pakirate nalang po ako sa app nang 5 star " " Sige po kuya , Salamat po sa paghatid next time po pakilinis ng helmet amoy pawis po kasi eh HAHAHAHA! " biro ko sakanya Di maipagkakailang masarap kasama si Luis, kwela, kalog at sympre kung seryoso ang usapan nakikinig din sya at nagpapayo. " Oh Luis pasok ka dito ka na kumain " Si mama na parang anak na din nag turing sa bestfriend ko, Kaya walang kaba si mama pag nagpapaalam ako at dawit ang pangalan ni Luis hahahahahaha. " Magandang gabi po tita! Salamat po pero nagmamadali na din po ako at pabagsak na po ang ulan, mukhang malakas po eh. Dito na po ako tita, Bye Yang! see you bukas! " Inihatid ko nalang ng tingin si Luis habang papalayo sa bahay . " Ingat ka, Magpapakasal pa tayo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD