Brylle Dyllan Napangiwi ako nang patuloy kong maramdaman ang sakit at hapdi mula sa kaliwang pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na nasampal ako ng babae ng ganoon na lamang.. Sa pagkabigla ko sa ginawa niya sa akin ay hindi ko na nagawang magsalita pa kanina. Natigilan ako at pinagmasdan ko na lamang siyang makaalis nang tuluyan. Naramdaman ko ang init ng likidong bumaba sa sikmura ko nang tunggain ko ang tequila na iniinom ko. Hindi ko maunawaan kung bakit niya ako sinampal. May mali ba akong nasabi sa kanya? Totoo naman ang lahat ng iyon. At isa pa ay siya ang nag-insist ng lahat ng iyon. Kaya bakit siya magagalit sa akin? Gayong pinagbigyan ko lang naman siya sa matinding pagnanasa niya nang gabing iyon. "Hey, Brylle," bulong sa akin ni Gina kasabay ng mapang-akit na paghaplos niya s

