Kacelyn Samiano Napabuga ako ng malalim na paghinga dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na after all these years, ito lang ang magagawa niyang sabihin sa akin. "I came back to you, but you are no longer there, baby," usal niya. "And guess what? I'm glad to see you again," dagdag niya pa. Mariin akong napapikit at sa pagmulat ko ay mabilis ko na lamang na hinablot ang wristwatch ko sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis at palayo sa kanya, habang nananatili siyang nakadikit sa likuran ko. Nang bigla naman niyang hawakan ang braso ko. Dahil doon ay tila ba may kung anong kuryente akong naramdaman mula sa kanya. "Aalis ka na agad? Wala ka man lang bang sasabihin... pagkatapos kitang... paligayahin?" Nahimigan ko sa boses ng pananalita niya ang saglit na pagkamangha. Ngunit hindi

