Kacelyn Samiano Maaga akong pumasok ng office kahit na halos buong magdamag akong gising dahil sa pag-iisip ko. Pag-iisip ng kung paano ako haharap ngayon sa lalaking never kong pinangarap na makita pa. Pag-iisip kung paano ko maisasagawa ng pormal at propesyonal ang trabaho ko sa harap niya. "Kacelyn!" impit na tawag sa akin ni Jema nang makita niya akong naglalakad sa hallway. Habang may dala-dalang tumbler. "Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya nang makalapit siya sa akin. "Jema, hindi ako galit sa iyo—" "Sorry talaga kung nawala ako saglit sa tabi niyo," putol niya kaagad sa sinasabi ko. "Medyo nakainom din kasi talaga ako no'n kaya napasama ako kay Rodolfo sa dance floor—" "Jema, it's okay," agap ko sa kanya. "Hindi ako nawala nang gabing iyon dahil nagalit ako sa pagsama mo

