Chapter 15: Blue Roses - The Past

1898 Words

Kacelyn Samiano "Sino 'yang admirer mong iyan?" tanong ni Jema sabay dungaw sa card na hawak ko. Mabilis ko namang naitago iyon sa kanya. "Hindi ko ito admirer," saad ko. "Asus! Bakit ayaw mong ipakita sa amin kung kanino iyan galing?" tanong pa ni Jema sa akin. "Alam niyo, marami pa akong tatapusin. Sige na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap," taboy ko kina Mikay at Jema, saka ko sila iginiya palabas. "Grabe, ayaw talagang ipaalam sa atin kung sino ang admirer niya." "Malalaman din natin iyan pagdating ng araw." Narinig ko pang pag-uusap nila bago sila tuluyang makalayo sa opisina ko. Bumalin ako kay Rea at nagtanong. "Sino ang nagdala ng mga ito?' "Ang sabi po ni manong guard sa baba ay ibinilin lang daw po sa kanya na ipabigay sa inyo. Hindi po sinabi ang pangalan," tugon niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD