Kacelyn Samiano Agad akong nagtipa ng mensaheng ire-reply ko kay Brylle. To: Brylle Bakit ka naaasar? "Kace! Doon na lang tayo sa favorite korean restaurant natin," masayang balin sa akin ni Briana. "Oh, sure. Libre naman ni Manuel lahat ng kakainin natin eh," tugon ko at kapwa kaming tumawa ni Briana. "Sige lang. Kahit saan niyo gusto. Sagot ko kayo ngayon," ani Manuel sabay kindat sa amin mula sa rear-view mirror. "Bakit ang galante mo yata ngayon?" tanong ni Briana kay Manuel. "Wala lang. Gusto ko lang talaga kumain sa labas ngayon," ani Manuel. Muli kong sinulyapan ang cellphone ko pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula kay Brylle. Nakaramdam naman ako bigla na parang hindi ako mapakali. Binuksan ko ang messages namin at tatlong minuto na ang nakalipas mula nang mag-

