Kacelyn
"It's okay. I can call taxi na lang—" He immediately cut my words.
"Don't worry, gusto lang naman kitang tulungan," saad ng lalaking hindi ko kilala sa harapan ko.
"But, I am not asking for a help," mariin na tugon ko rito.
"Pero alam ko namang kailangan mo ng tulong—" This time, ako naman ang pumutol sa sinasabi niya.
"Can you please mind your own business?" pagsusungit ko sa kanya at tinalikuran ko na nga ito.
Pero bago pa man din akong makahakbang palayo sa kanya ay agad niyang hinawakan ang braso ko na siyang ikinagulat ko.
"Don't touch me!" sigaw ko sa kanya sabay mabilis na pagbawi ko sa braso ko.
"Oops, sorry—"
"Manyak ka ba?" galit na tanong ko sa kanya na siyang ikinagulat naman niya.
"W-what?"
"Isa pang pangungulit mo sa akin, tatawag na ako ng pulis," pagbabanta ko rito.
Itinaas naman niya ang dalawang kamay niya na tila ba nagpapakita ng kanyang pagsuko.
"You're unbelievable. Gusto ko lang namang tumulong, Miss—"
"Sinabi ko nang hindi ko kailangan ang tulong mo. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?" pagsusungit ko sa kanya.
"Fine, hindi na kita kukulitin," natatawang sabi niya pa sa akin.
May sayad yata ang lalaking ito at hindi ko maunawaan kung ano ang trip niya sa buhay. Pasalamat siya at mabait pa ako, kung hindi ay talagang irereklamo ko siya ng pangha-harass.
Muli ko siyang tinalikuran at pumara ako ng taxi. Nakamasid lang naman siya sa akin hanggang sa tuluyan akong makasakay at makaalis. Napailing na lamang ako. Nakakainis ang mga tulad niyang lalaki. Akala niya siguro ay kakagat ako sa paing niya. Pwes, doon siya nagkakamali. Hindi ko kailangan ng kahit sinong lalaki sa buhay ko. At ang lakas ng loob niyang sabihin na savior ko siya! Nakakakulo talaga ng dugo!
Tumawag na lang ako sa car auto repair shop para ipakuha at ipaayos ang sasakyan ko. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa Blue Prime Hotel. Dito ako nagtatrabaho. I am an executive secretary ng chairman ng Blue Prime Hotel—si Chairman Emman Vego.
Pagkababa at pagkabayad ko sa taxi driver ay mabilis na akong pumasok at umakyat sa office.
"Good morning, Ma'am," bati sa akin ng ilang mga empleyado na nakakasalubong ko.
"Good morning," bati ko rin naman sa kanila pabalik.
Sinipat ko ang oras mula sa wristwatch ko at dali-dali akong nagtungo sa conference room.
"I'm sorry I'm late, sir," paghingi ko ng paumanhin kay chairman Emman.
"It's okay, mabuti at wala pa rin naman si Mr. Dyllan," tugon niya sa akin na siyang ikinagulat ko naman.
"P-po? D-Dyllan?" Para ba akong nabingi nang marinig ko ang apelyidong iyon.
Hindi pa man din ako nakakabawi sa aking sarili ay muli na naman akong natigilan nang makita ko ang isang lalaki na pumasok mula sa pintuan. Nakangisi ito sa akin saka prenteng naupo sa tabi ni chairman.
"Pasensya na kung medyo late ako," wika nito habang sa akin pa rin nakatuon ang kanyang mga tingin. "Mayroon kasi akong nakitang babae na nasiraan ng sasakyan. Tutulungan ko sana siya pero—tinanggihan niya lamang ako," dagdag pa nito na siyang nagpaawang sa mga labi ko.
"Hindi ko alam na may babae pa palang tatanggi sa iyo, Mr. Dyllan," komento ni chairman dito.
"Exactly, kakaiba ang babae na iyon," tugon naman ni Mr. Dyllan habang napapailing-iling pa ngunit sa akin pa rin nakatingin.
With that, nakaramdam ng paninigas ang mga tuhod ko.
"By the way, Mr. Dyllan. This is Kacelyn Samiano, my secretary and she will do the presentation for today," pagpapakilala sa akin ni chairman kay Mr. Dyllan.
Sunod-sunod naman akong napalunok. Hindi ko talaga alam kung anong mayroon sa araw na ito at bakit ganito kamalas ang umaga ko. Nasiraan na nga ako ng sasakyan, nagkataon pa na ang lalaking binastos at sinungitan ko kanina ay ang lalaking pagpapakitaan ko ng presentation na inihanda ko.
Parang gusto ko na lang na bumuka ang lupa ngayon at kainin ako dahil sa kahihiyan!
"Ms. Samiano, this is Mr. Anthony Dyllan. The director and acting CEO of the Real Estate Land," muling sabi ni chairman Emman.
"Nice to meet you, Ms. Samiano," saad ni Mr. Dyllan sa akin.
Napatikhim naman ako bago tumugon sa kanya. "N-nice to meet you too... s-sir Anthony Dyllan."
"Okay, let's start the business," sabi niya sabay ngiti sa akin.
Dahil sa ngiti niyang iyon ay nakaramdam ng bahagyang pagkampante ang dibdib ko. Mamaya na lang ako lalapit sa kanya upang humingi ng tawad sa inasta ko sa kanya kanina.
Sinimulan ko ang presentation na inihanda ko at mabuti naman silang nakinig sa akin. Mr. Anthony Dyllan is a very professional man. Napansing kong marunong siyang ihiwalay ang personal na bagay sa trabaho, dahil sa buong presentation at pagsasalita ko ay napaka-pormal at professional lamang ng pakikitungo niya sa akin.
Lumipas ang mahigit isang oras at natapos na nga ako sa pagpe-present sa kanila. Plano kasi ni chairman Emman na mag-open ng pang-limang branch ng Blue Prime Hotel sa Batangas. Kumpara sa ibang branch namin ay naisip namin na dapat ay mas affordable at friendly ang gagawing hotel doon. At ang Real Estate Land naman ang may hawak ng ibang property roon.
"Thank you for the wonderful presentation, Ms. Samiano. Hindi mo ako binigo," nakangiting puri sa akin ni Chairman Emman.
"Thank you, sir," magalang na tugon ko naman.
"I agree to Mr. Chairman and I think pwede na nating simulan ang project na ito," nakangiting sabi naman ni Mr. Anthony.
"Good," tatango-tango naman si chairman dito. "So, pwede ba akong mag-request ng kung sino ang gusto kong humawak para sa project na ito?" tanong pa ni chairman kay Mr. Anthony.
"Of course, chairman. Malakas kayo sa akin eh."
"I want your brother," sabi naman ni chairman. "Narinig ko kasing pinagkakaguluhan siya ngayon at marami ang nag-aalok ng proyekto sa kanya."
"My brother? Well... sure! There's no problem with that. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya," tugon naman ni Mr. Anthony.
"Mabuti kung ganoon," masayang sabi ni chairman at pagkuwan ay bumalin ito sa akin. "Ms. Samiano."
"Yes, sir?"
"I want you to still handle and monitor this project with Mr. Anthony's brother. Bilang ikaw ang mas nakakaunawa sa gusto nating maging kalabasan nito," sabi sa akin ni chairman Emman na agad ko namang sinang-ayunan.
"Noted, sir."
May iniabot sa akin si chairman na isang asul na portfolio. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang tingnan ko ang laman no'n.
"He is... Architect Brylle Dyllan."
Hell! No way!