bc

FALLING FOR A VIRGIN WIDOW: [ ELOISA SANTILLAN AND DAMONE SINCLAIR]

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
forbidden
HE
fated
heir/heiress
drama
sweet
bxg
office/work place
small town
musclebear
love at the first sight
affair
like
intro-logo
Blurb

Isang kasunduan lamang ang kasal nina Eloisa at Gideon.Isang lihim na silang dalawa lang ang nakaaalam. Walang pag-ibig. Walang pagsasama ng damdamin. At higit sa lahat, walang naganap sa pagitan nila.Ngunit isang aksidente ang tuluyang kumitil sa buhay ni Gideon, iniwan si Eloisa na isang balo sa papel… at isang dalaga pa rin sa katotohanan.Upang takasan ang mga taong maaaring manakit sa kanya, bumalik si Eloisa sa Pilipinas bitbit ang pagluluksa, takot, at mga lihim na hindi niya maaaring ipagtapat kaninuman.Doon niya nakilala si Damone, ang lalaking hindi niya dapat mahalin ang pinsan ng kanyang yumaong asawa.Sa unang pagkikita pa lamang, tumibok na ang kanyang puso. Isang damdaming hindi niya inaasahan… at hindi niya maaaring aminin. Ngunit paano niya itatago ang nararamdaman kung ang binata ay unti-unting lumalapit, unti-unting pumapasok sa kanyang mundo?At paano kung tanggapin ni Damone ang lahat ng kanyang pagkatao kahit pa isa na siyang balo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Promise
Walang emosyon ang mababakas sa magandang mukha ni Eloisa habang nakatitig sa puntod ng kanyang asawa na si Gideon. Dalawang buwan simula ng mangyare ang aksidente rito dahilan bakit ito maagang nawala, ay hindi pa rin maintindihan ni Eloisa kung bakit ni katiting na sakit ay wala siyang makapa sa kanyang dibdib para sa yumaong asawa. Marahil, dahil hindi naman talaga niya mahal si Gideon. Hindi niya nakita ang katawan nito noong isugod ito sa hospital. Nag away sila ni Gideon noon, umalis siya at nagtungo ng bar para makipagkita sa mga kaibigan nya. Pero iyon na pala ang huling beses niya makikita ang asawa niya na buhay. sobrang pagsisisi niya nong nalaman niya ang nangyari dito. Kaagad siya nagpunta sa ospital kung saan ito dinala. pero sa morgue na niya ito naabutan. Isa nang malamig na bangkay. Nakahiga ito sa malamig na metal na mesa. wala ng buhay. She was crying that time. asking for his forgiveness. pero huli na wala na ito para marinig ang kanyang panaghoy. Halos di niya makilala ang mukha nito. Durog iyon at mukhang isang matinding sakit ang tinamo nito bago ito mawalan ng buhay. Ayon sa imbestigasyon ay mukhang pagnanakaw ang naging motibo, Nakita sa sasakyan nito ang ilang gamit ng pagpatay. Aksidente ang pinalabas ng mga pulis ayon na rin sa utos niya. Kilalang tao si Gideon sa Italy. ayaw niya na magkaroon ng rason ang mga media na kalkalin pa ang dahilan ng pagkamatay nito. pero lihim siyang nag papa imbistiga. At isa sa pinaghihinalaan niya ay ang kasosyo ng asawa sa negosyo. Si Markie, siraulo ito at lantaran kong magpakita ng interes sa kanya. Kaya napilitan silang magpakasal noon dahil ayaw siyang mapunta ni Gideon sa lalaki. at mukhang iyon ang labis nitong ikinagalit. Pero wala siyang matibay na ebidensya para ituro ito. Ang alam ng mga ito na tunay na nagmamahalan sila ni Gideon. pero hindi iyon ang totoo. Isang kasunduan ang naganap sa pagitan nila at hanggang sa hukay, dala dala nito ang sekreto niya. Ang nakaraan niya. Iyon ang isang bagay na ipagpapasalamat niya sa asawa. Pinrotektahan siya nito noon. Pero ngayon na wala na ito, Ano nang mangyayari sa kaniya ngayon? Sinindihan niya ang dalang kandila at inilagay sa puntod ni Gideon. Pinagmasdan nya ang mukha ng asawa na nasa lapida. Nakangiti iyon at halatang masaya nong kunan ng araw na 'yon. Siya ang kumuha ng larawan na 'yan. Matatahimik na rin ito sa wakas. Pero siya ay alam niyang delikado na ang buhay niya lalo kapag nalaman ng taong pumatay kay Gideon na buhay pa siya. Hindi na siya magiging ligtas dahil wala na ang taong pumoprotekta sa kanya dati. Kaya bago pa siya makuha ng mga ito , uunahan na niyang magtago. Naisip niya na sa probinsya na lamang manirahan, doon ay payapa at alam nyang hindi siya makikita nang mga humahabol sa kanya. Pagkauwi niya sa bahay ay mabilis na rin siyang nag impake. Dinala niya lang ang mga importante at iniwan na ang iba pa. Dala niya ang passport, wallet at ilang cash at card niya. Mga mahalagang papeles sa negosyo nila ni Gideon. Kailangan na niyang makaalis ngayon din dahil wala na siyang oras at baka kapag nahuli siya, hindi na rin siya makaalis pa! 'Ma'am, Eloisa, Mag iingat po kayo a, ako na po bahala rito sa mansyon, " Isinara niya ang pinto ng kotse bago lingunin si nanay Rosa. Kasamabahay nila ito at isang Pinay. May edad na ang babae at nasa ikatlong taon palang mula ng mamasukan ito sa kanila kasama ang anak nitong si Jennie. Ngumiti siya rito. " Wag ho kayo mag alala Nay, babalik pa rin naman ako rito. Kailangan ko lang po talaga umuwi ng Pinas para na rin po ito sa kaligtasan niyo, Iiwan ko po si Jerome dito para may magbantay pa rin sa inyo, Siya na po ang bahala sa inyo. Mag iingat din kayo tatawagan niyo naman ako lagi, " Aniko sa kaniya. Tumango naman siya at saka niyakap ako. Hinagod ko naman ang likod niya dahil umiiyak ito habang yakap ako. " Tahan na, Nanay, para namang mawawala ako e. Magbabakasyon lang po ako," Pag aalo ko naman sa kanya. " O siya, sige na umalis kana at baka abutan ka pa dito ng mag amang Florante!" Bumitaw na rin siya at pinagtulakan na ako sa loob ng kotse. Tinignan ko si Jerome, ang katiwala at kanang kamay ni Gideon. Alam na niya ang gagawin sa oras na makaalis ako ng bansa. Siya ang pinagkakatiwalaan ko bukod kina Nanay Rosa at Jennie. " Jerome, bantayan mo sila dito. Ang ang bilin ko, " Yumukod at saka tumango ito sa akin bago nito isara ang pinto ng kotse. Nasa backseat ako habang si kuya Bert ang nagmamaneho. Mga tapat silang tauhan ng asawa ko. Na kahit wala na ito ay sa akin naman ngayon nagsisilbi. At alam kong mapagkakatiwalaan sila. " Mag iingat po kayo sa biyahe ma'am Eloisa. " Aniya. Tumango lang ako. " Tayo na po, kuya Bert, " Aniko sa driver. Kaagad naman itong sumakay sa unahan at pinaandar na ang sasakyan palabas ng malawak na bakuran ng mansyon. Isang sulyap muna ang ginaw ako sa bahay ni Gideon bago kami tuluyang makaalis. Babalikan kita, Gideon. Pangako niya habang unti-unting nawawala sa paningin niya ang kanilang bahay. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook