ELOISA: _________ . Tatlong araw na ang lumipas mula nang umalis si Damone sa harap ng gate namin. Tatlong araw na walang tawag, walang text, walang anino ng itim niyang sasakyan sa kalsada. At nakakainis dahil… hinahanap ko iyon. I tried to keep myself busy. Inayos ko ang ilang papeles ni Gideon. Mga titulo ng lupa. Bank documents. Property lists. Ilang beses ko ring binuksan ang maleta ko na puno ng branded bags at alahas na dinala ko mula Sicily. Rolex. Cartier. Diamond earrings. Mga bagay na dati ay nagbibigay sa akin ng seguridad. Ngayon? Parang walang halaga. Habang nakaupo ako sa veranda isang hapon, tahimik ang paligid. Tanging tunog ng electric fan at radyo ni Tita ang maririnig. “Eloisa,” tawag ni Tita mula sa tindahan. “May delivery ka.” Napakunot ang noo ko. Delivery

