KABANATA 13 Hindi ko pa masyado nabubuksan ang pinto, nakita ko ang likod ni Gene na malapit lang dito. Kasalukuyan niyang kausap si Mimi. Pansin kong wala sa paligid ang mga kambal. Okay lang kaya sila? Lalabas na sana ako pero ginapangan na naman ako ng takot. Takot na baka mapahamak ko na naman sila. I'm not allowed to get out of here after all. Akma na sana akong babalik sa loob nang mahagip ko ang pinag-uusapan nila. "I failed her again, Mi," muli akong napalingon sa malungkot na likod ni Gene. "I wanted to protect her but everytime I do, mas lalo lang siyang napapahamak. I'm a failure as a father," hinagod ni Mimi ang likod ng kanyang asawa para i-comfort ito. Napaatras ako sa narinig. No, you're wrong, Gene. You're not the failure, I am! Hindi sana ganito ang takbo ng buhay mo

