bc

Paper Stars

book_age16+
76
FOLLOW
1K
READ
alpha
dark
kickass heroine
self-improved
drama
tragedy
bxg
small town
coming of age
feminism
like
intro-logo
Blurb

For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the name, one which held a great promise of power and unimaginable wealth, locked her in the pits of darkness filled with pains and struggles. Pero ganoon pa man, umaasa pa rin siyang isang araw ay matatanggap siya ng pamilyang tahasan siyang kinasusuklaman at itinuturing na isang sumpa.

Katulad ng ibang mga bata, hangad niya lang ang maging bahagi ng isang pamilyang tatanggapin at mamahalin siya ng buo. Kaya kahit na mahirap, kahit na parang napakaimposibleng mangyari, pipilitin niyang itago sa likod ng isang ngiti ang pusong nalulunod pa rin sa dilim ng nakaraan at papatatagin ang sarili upang makamit ang buhay na matagal niyang hinihiling.

This is the story of Arianne Michelle Cross, an outcast in her own clan, and a prisoner to her dark past. Follow her journey as she grows up in this unforgiving world and how she battles her way and made her place in her family, the society and into the heart of a boy.

Cross Empire Series #1

Date Started: June 1, 2016

Date Ended: February 1, 2018

chap-preview
Free preview
Simula
Pilipinas. March 22, 20xx. Nakasandal ako ngayon sa salamin ng bintana ng sinasakyan naming van. Makulimlim ang langit at tila nagbabadya ang isang malakas na ulan. Nakatuon ang paningin ko sa mga dumadaang mga sasakyan. Marahil ang ilan ay papauwi na sa kani-kanilang probinsya o hindi kaya naman ay nagbabakasyon na. Hindi katulad sa America, simula na kasi ng summer dito sa Pilipinas sa buwan pa lang ng Marso. Patungo kami ngayon sa isa sa mga probinsya ng aming angkan dito sa bansa. Aabutin lang ng isa't kalahating oras galing siyudad kung dadaan ka ng Transcentral Highway. For my safety, sa coastal road kami dumaan at mga dalawang oras ang itatagal bago kami makarating sa pupuntahan namin. Sa pagkakaalam ko may kalakihan ang land area nito at karamihan sa mga nakatira roon ay nagtatrabaho sa mga pabrikang pagmamay-ari, kung hindi man ng aming angkan, ay ng aming mga kaalyado. Ilan sa mga trabaho doon ay pagsasaka, pangigisda, at pagbabantay sa mga rancho, pero dumarami na rin daw ngayon ang industriyang pangangalakal kung saan ini-export pa sa ibang bansa ang mga produkto. "Pardon my intrusion, Lady Aya, pero kailangan ko pong sabihin sa inyo ang mga ibinilin ng mga Masters.” Hindi lingid sa aking kaalaman ang pagkamuhi sa akin ng karamihan ng aming kamag-anak. Alam kong ang mga habilin nila ay mga patnubay na kailangan kong sundin bago ako tumapak sa loob ng family estate. It's not a surprise though. I kind of expected this. Tumikhim muna ito bago kinuha ang IPad sa tabi niya at sinimulan ang isang mahabang pagsasalaysay. "Gusto ko lang po sanang ipaalala sa inyo na bukas makalawa na po ang dating ng headmaster galing sa main house sa Japan. Pinapasabi rin po ng mga matatanda na magbihis po kayo ayon sa patakaran ng pamilya," anito bilang pagtatapos. Para akong nabuhusan nang pagkalamig-lamig na tubig at mabilis na nawala ang mga ngiti sa labi ko nang marinig ang huling binanggit. Headmaster. Iyan ang titulong ibinibigay sa first-born galing sa main line ng aming pamilya. When I say main line of the family, it's the line that came from the first-born of the first-born of the first-born of the entire family. And for this era, we have Kurozawa Daichi.  Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Mang Nestor bago ko muling ibinaling ang paningin sa mga nangyayari sa labas. Kanina pa kami umusad at ngayon ay nasa kalagitnaan na ng mga malalapad na bukirin. Umuulan pa rin sa labas at pansin ko ang mga magsasakang sumisilong sa mga kubong nasa iba't ibang bahagi ng bukid. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita. I never had sceneries like these in America. Yes, I had lived in a house on top of a hill sa North Carolina but there wasn’t anything like this there. Nakakatuwang pagmasdan ang kanilang payak na pamumuhay. Simple pero sama-sama. Simple pero masaya. Ganito rin kaya ang pupuntahan namin? Asteria, the place where we were heading, means the starry one in Greek. Kuwento ni Mang Nestor, malawak daw ang land area nito which makes it the largest town in the whole Philippines. Kahit maraming mga factories na ang naroroon, karamihan sa nakatira doon ay payak pa rin ang pamumuhay. Kaya naman, kahit gustuhin ng local government na i-endorso ang lungsod para gawin itong siyudad ay hindi pa rin pupuwede. Aniya'y kulang pa raw ang populasyon doon na isa sa mga requirements para tuluyan na itong maging urban. Nabanggit niya rin na may dalawang pagpipiliang paaralan doon: public or private. Iyong pampublikong paaralan ay hanggang Senior High lang ang ino-offer. Samantalang iyong pribado naman ay escalated hanggang kolehiyo. Iyong private school na iyon ay pag-aari ng aming pamilya. I'm not surprised though. Naikwento na sa akin ni Louise dati na may itinayong paaralan si Daichi dito sa Pilipinas na ipinangalan nito sa kanya – Louise Johnson University. Gusto ko sanang subukang pumasok doon, pero sa pagkakaalam ko, magpapatuloy pa rin ang homeschooling ko rito. Kung ang pagbabatayan ay ang educational system ng bansang ito, dapat ngayong pasukan ay nasa Junior High ako. Pero dahil ayaw namang ipaalam ng pamilyang ito ang tungkol sa aking pagkatao, mananatili pa rin akong sa bahay mag-aaral. Buong buhay ko ata, kung hindi mga libro at alikabok ang nakakausap ko, iyong mga matatandang professors kong nasa kabilang bahagi ng monitor ng Mac ko ang mga ka-bonding ko. Bawal kasi silang pumunta sa bahay namin kaya online halos lahat ang mga courses ko. Ang pumupunta lang doon ay tanging mga trainers ko lamang sa martial arts at sports. Kahit nga iyong ikebana at music lessons ay online pa rin.  Nasa kalagitnaan ng pagku-kuwento si Mang Nestor nang mamataan ko ang tabing-dagat. Namilog ang mga mata ko sa nakita. I've never been near an ocean before! Sa burol ako nakatira kaya puro puno at d**o lang ang aking nakikita. "Kuya, puwede po bang huminto tayo sandali?" Hindi ko napigilang mapatayo. Na-eexcite akong maramdaman ang tubig dagat sa aking mga paa! "Lady Aya, we need to be on schedule. Kapag huminto po tayo ngayon, gagabihin na po tayo and you'll miss your dinner. Ipagpaumanhin niyo pero hindi po pupuwede," Mang Nestor said with tired eyes. "Sige na po, Mang Nestor. Gusto ko lang pong makita iyong dagat. Please? Sandali lang naman po. Promise!" Pagmamakaawa ko pa while holding my hands together for a cute effect. Cute said this works all the time.  Pero wala pa ring bakas ng emosyon akong nakikita sa mga mata ng kaharap kong butler. I guess Cute lied.  "Sige na po, please? Hindi pa kasi ako nakakapunta sa dalampasigan. I just really have to experience it. Please?" Dinagdagan ko pa ng konting pout para effective.  Dedma pa rin ang matanda. I was losing hope when the vehicle suddenly slowed down before stopping completely on the side of the road. Mabilis namang sinipat ni Mang Nestor ang driver naming naka-peace sign sa kanya. "Hayaan mo na, 'Tay. Mabuti na rin ito at nang makapag-unat-unat si Lady Aya. Mahaba-haba rin ang ibinyahe natin," sabi ng driver naman na ngayon ay nalaman kong anak pa ni Mang Nestor.  Isang matalim na tingin lang ang ipinukol ng matanda sa anak. "Yes!" Sigaw ko sabay ng mabilisang pagbukas ng pinto ng van bago pa ako mapigilan ng matandang butler. "Thank you so much, Kuya!" Masiglang sabi ko bago mabilis na tinungo ang dalampasigan. Parang narinig ko yatang pinagalitan ni Mang Nestor ang anak nito ngunit nawala rin iyon sa aking isipan nang maamoy ang maalat na simoy ng hangin. With so much excitement, tinakbo ko ang distansiya ng tubig ngunit tumigil din nang maalalang I was wearing sneakers.  Ipinagkasya ko na lang ang sarili sa tanawing ngayon ko lang napagmasdan. Nakakatuwa pala talagang tingnan ang mga alon ng tubig patungo sa mga buhangin ng dalampasigan. Kakatila lang ng ulan at medyo mahirap na ang maglakad sa buhangin pero maging ang ideyang iyon ay aking ikinatuwa. "This is so much fun!" Nangingiti kong sabi sabay tanaw sa malawak na karagatan. I took a very deep breath bago ko tinanaw ang makulimlim pa ring kalangitan. Nakikita mo rin ba ito, Rekka? Tama ka na naman. Ang ganda pala talaga ng dagat. Nanatili ako sa ganung posisyon bago ko naisipang lumapit kung saan nagtatagpo ang tubig at buhangin. Agad kong tinanggal ang suot kong sneakers para lamang maramdaman ang malamig at nakakakiliting buhangin sa aking talampakan. Nakakagiliw ang maramdaman ang mga pinong buhangin habang binabaybay ko ang tabing-dagat. May nakita pa akong maliliit na alimango. Mayroon ding mga maliliit na shells at kung anu-ano pang mga bagay na galing sa dagat. Mayroon din akong nakitang mga bangkang inaalalayan ng mga tao papunta sa mga buhangin. Nakatingin lang ako sa apat na taong hila-hila at nakaalalay sa bangka patungo sa may malalaking bato. Dalawa ang medyo may edad na, iyong dalawa naman ay hindi nalalayo sa edad ko. Iyong isa na pinakamatangkad doon ay biglang napatingin sa gawi ko. He's topless at kahit dito sa kinatatayuan ko kita agad ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. But that wasn't what took my attention. Sa paglingon niya, pansin ko agad ang kakaibang kulay ng kanyang mga mata. Pero bago ko pa malaman kung anong shade iyon ay agad niya na itong binawi at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Nang nalagpasan na nila ang kinatatayuan ko ay muli naman akong naglakad. Kulay orange na ang langit ngayon at mas lalo pang gumanda ang tanawin dahil dito. "I should have brought my camera with me," bulong ko sa sarili habang nakatanaw sa malayo. Ilang sandali ko ring pinagmasdan ang papalubog na araw nang maalala kong may mga naghihintay nga pala sa akin. I turned around to look for the van pero hindi ko na ito maaninag. "Patay! Napalayo pa yata ako," I said as I hurried and retraced my steps back to where I came from. Ilang lakad-takbo pa ang aking ginawa bago ko natanaw sa malayo ang kulay silver naming van. Huminto muna ako saglit para dali-daling isuot ang mga sapatos ko. Napangiti ako when I saw Mang Nestor's angry silhouette from over there. He's furious, I bet. Sabi ko kasi sandali lang pero napasarap ang pamamasyal ko. Paalis na sana ako nang biglang may humarang sa harapan ko. "Sandali lang, boy. Nagmamadali ka yata." Medyo madilim na pero kita ko pa rin ang hitsura ng humarang sa akin. Payat ito, malalalim ang mga mata na tila puyat, may malaking nunal sa tungki ng kanyang ilong at medyo may kahabaan na ang magulo nitong buhok. Pansin ko rin ang tatlo pang nakangising aso nitong mga kasama na unti-unting lumalapit at pinapaligiran ako. Hindi sila gaanong matatangkad. Tantya ko, hindi lalayo sa 16 o 17 ang mga edad ng mga lalaking ito. They smelled like beer, cigarette and something else. "Bago ka lang ba rito?" "Dayo?" "Hindi mo ba alam ang patakaran namin dito?" Halos magkakasabay nilang tanong habang itinutulak ako patungo sa isa at itutulak na naman sa isa pa. This is downright bullying! "Iyang lupang tinatayuan mo, amin yan!" Sigaw noong isa sa aking kaliwa. "Iyang langit at dagat na pinagmamasdan ay sa amin din!" Bulyaw pa noong isang lalaking nasa kanan ko naman. "Bawal kang umapak at tumingin-tingin dito kapag hindi ka nakapagbayad!" Sabi pa ng humarang sa akin sabay tulak uli papunta sa kanyang mga kasama na agad namang hinawakan ang magkabila kong braso. "Kung ayaw mong masaktan, magbayad ka na." His voice was dripping with promising danger. Hindi ako umimik kahit na naramdaman kong mas lalo pang humihigpit ang pagkakahawak nila sa mga braso ko. I'm not scared of them. Sa mga sitwasyong tulad nito nabubuhayan ako ng dugo.  I've always loved fighting. Sa araw-araw na training ko, I've always prayed for the day na magagamit ko na ang mga natutunan ko and measure my skills through this. I want to be stronger so I could prove to my grandfather that I am not weak.  " Amin na ang pitaka mo, bata!" Sigaw pa nito sa akin pero hindi pa rin ako natinag.  Ipinilig ko sa isang gilid ang aking ulo at mataman siyang tinignan. Sinusukat ko kung hanggang saan ang pananakot niya. "Bingi ka ba?! Pitaka mo!" Sigaw pa noong isang nasa likod ko sabay sapak sa aking ulo. Ininda ko ang sakit at patuloy na tinitigan ang tumatayong lider ng grupong ito. "Gusto mo yata ng sakit ng katawan!" Aamba itong susuntok sa akin pero nang malapit nang dumapo ang kanyang kamao sa aking mukha ay hindi niya naman itinuloy. Ni hindi ako kumurap sa kanyang ginawa at pinagpatuloy pa rin ang panghahamon sa kanya. "Bakit ganyan ka tumingin? Lalaban ka?! Lalaban ka ba?! Hindi mo ba kami kilala?! Ha?!" Asik pa nito habang tumatalsik na sa mukha ko ang mabaho nitong laway. "Mga miyembro kami ng Dragons, 'tang’na mo! Kung ayaw mong mabugbog, magbayad ka na?!" Dagdag pa nito.  Mahina. This type, who yells and shouts and spouts nothing but trash talks, will be the one who'll scream the loudest and run away the fastest when a fight breaks out. So, Dragons, huh? Hindi ko akalaing uso rin pala ang mga gang dito. Malakas kaya ang leader nila? Hmmmm... interesting. "If you so much say that you're strong, why not stop the bluffs and try punching me for real?" Paghahamon ko sa kanya. Pinanlisikan niya lang ako ng mata bago tumingin-tingin sa mga kasamahan. "Naghahamon ka pa talaga!" Sigaw noong nasa likuran ko matapos akong sapakin sa ikalawang pagkakataon.  Muli kong ininda ang sakit at kinalma ang sarili. Patience. "Sabihin mo nga, ikaw ba ang leader ng sinasabi mong Dragons?" I asked the one in front of me habang inaayos ang aking sarili. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ng dalawang kasama nito sa akin. "Ha?!" Sagot nito sabay higit sa harapan ng t-shirt ko at inilapit ang mukha ko sa mabantot niyang pagmumukha. "Sa oras na makita mo kahit anino ng aming lider, ibinabaon ka na noon sa lupa," Napapalikit ako sa bawat buga ng kanyang hininga sa aking mukha. Parang napabayaang mabulok ang kanyang mga lamang-loob at ganoon na lamang kabaho ang hanging lumalabas dito. "So, you're saying," I tried to breathe in normally, hoping he won't breathe out, "Hindi mo pa nakikita kahit anino ng leader niyo?" Tanong ko at agad namang kumunot ang noo nito. "Of course, nakita ko na! Gago ka ba?! Lider nga namin! Araw-araw namin siyang nakakasama, nakikita, nakakausap! Anong klaseng pag-iisip ba meron ka, bata, at ang liit-liit naman ata ng utak mo?!" Sigaw pa nito sabay tawa nila nang malakas. Medyo lumuwang na nang konti ang pagkakahawak ng dalawa nitong kasama sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa pagkakataon. Such simpletons. Sinabayan ko pa raw sila sa pagtawa. "Eh kung ganun, ba't hindi pa kayo nakabaon sa lupa?" Tumawa pa ako pero hindi na tumatawa ang mga lalaking nakapaligid sa akin. Pansin ko agad ang pagkuyom ng panga noong nakaharang sa aking harapan. "Tang’na ‘to, ginagago mo ba ako?!" Sigaw nito sabay tapon ng isang suntok patungo sa akin. Bago pa man iyon dumapo sa aking mukha ay nahila ko na ang kamay ng isa sa may hawak sa akin at inilapit ang mukha noon sa paparating nitong kamao. "Tang’na!" Napahiyaw nito sa sakit. "Tarantado ka ah!" Sigaw pa noong isang may hawak sa akin at akma sana akong sisikmurain pero mabilis ko rin iyong naagapan. Hinila ko ang nakahawak niyang kamay sa akin at walang kahirap-hirap itong itinapon sa buhangin. Sumugod na rin iyong sumapak sa akin ng dalawang beses at walang pagdadalawang isip na binigyan ng roundhouse kick na agad namang nagpatumba at nagpatulog sa kanya. Muli namang sumugod iyong dalawang may hawak sa akin kanina at mabilis kong inilagan ang mga pag-atake nila. Sinipa ko ang binti noong isa sabay dapo ng kamao ko sa kanyang pisngi at agad naman itong nawalan ng malay.  Hinablot naman ng isa ang braso ko pero imbes na higitin ako palapit sa kanya ay isinalubong ko sa kanyang sikmura ang matigas kong tuhod. Napaluhod at napahiyaw naman ito sa sakit. Ang tanging nakatayo na lamang ngayon ay 'yong lalaking may mabahong hininga na kahit sa dilim ay kita ko pa rin ang kanyang pamumutla.  Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Hindi ko pa rin inaalis ang matatalim kong titig sa kanyang mukha. Iniisip ko pa lang kung papaano ko siya pagbabayarin sa pagpapaamoy niya sa akin ng kanyang toxic breath, ay kaagad itong naglabas ng sandata. Isang maliit na folding knife. Wow. Matatakot na ba ako? "Huwag kang lalapit kung hindi gi-gripuhan kita?! Peste! Huwag kang lalapit?!" Sabi pa nito na may bahid pang pananakot pero mas nangingibaw pa yata ang takot niya sa akin.  Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy sa paglapit sa kanya. "Tang’na! Sinabi ng huwag kang lalapit?! Sino ka bang gago ka, ha?!" Nanggagalaiti nitong sigaw habang umaatras. "Who am I?" I answered, sneering. Nakita ko ang pinaghalong inis at galit sa mapaklang mukha ng kaharap ko. Hindi naman nila ako makikita pa siguro. It won't hurt if I bluff a little, right? And besides kung mapapalaban man ako sa isang ito, hindi naman ako mahihirapan. That, and I needed some good exercise, too. Masyadong matagal na akong nakaupo sa byahe mula Amerika papuntang Asteria. Matalim ko pa rin siyang tinitigan as I slowly and clearly told him these words, "Ako ang magbabaon ng Dragons niyo sa impyerno at sisiguraduhin kong hindi na ito makakaahon pa." "O? Talaga?" Agad akong natigilan at napatindig nang maayos sa biglang nagsalita. Kita ko ang pag-aliwalas ng mukha nitong kaharap ko habang nakatingin sa kung sinumang nasa aking likuran. "King!" Magiliw na sambit nito bago tumakbo patungo sa nagmamay-ari ng boses na iyon. "Siya ba ang may gawa nito?" Parang may kung anong malamig na hangin ang dumaloy sa buo kong katawan as I heard his voice. "Hinarang namin kasi pumasok dito ng walang pahintulot. Nagmatigas pagkatapos ay ito ang nangyari." Narinig kong sumbong pa noong mabantot dito. "Ganun ba?" I heard their 'King' say. Hindi pa rin ako lumilingon. May kung ano sa presensiya niya na hindi ko maiwasan ang kabahan. Boses pa lang alam kong hindi siya ordinaryong gang leader. Boses pa lang niya, I can sense that he's a good fighter... a very good one. Nanginig ang buong sistema ko sa naisip. Bigla akong binalot ng excitement at anticipation.  I want to fight him! I want to know how strong he is! I want to know which one of us is stronger! What arts is he practicing? I want to know! I need to know! "Hoy, bata!" Napapitlag ako sa pagsigaw niya, "Kinakausap kita. Humarap ka," Boses pa lang, punung-puno na ng awtoridad. Huminga ako nang malalim bago ko siya unti-unting nilingon. When I finally turned around, a pair of emerald eyes were looking back at me. "Ililibing mo pala ang Dragons sa impyerno, hmm? Sisiguraduhing hindi na ito makakabalik pa?" He said with every word dripping with promised danger. This time, a real danger. Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko lang ang kanyang kakaibang mga mata. Iniwas niya ang mga ito at bahagyang tumingala sa langit. He licked his lower lip while irritation was obviously building up all over his body. Muli niyang ibinalik ang paningin sa akin and I panicked a bit when I saw danger blazing in his eyes. Weird. "Bilib din ako sa apog mo, ah! Tingnan nga natin kung sino ang unang malilibing sa impyerno," he said as his cronies were sneering on the background. I barely noticed they were still there because all my attention had shifted towards this dangerous, beautiful stranger. "Who are you?" Wala sa sarili kong naitanong. I saw how a devious smirk crept on his lips as he eyed me with disbelief. "Ako ang lider ng Dragons na sabi mo'y ililibing mo, bata," he said as his steps quickly ate the distance between us. Napatingala ako sa tangkad niya. He lowered his face so that it may level mine. Wow! I thought as I held my breath again for an entirely different reason. "The name is Reign," sabi niya sa matigas na ingles, "And I'm the Dragon King." His fist connected with my gut and then everything went black.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.9K
bc

He's Cold Hearted

read
161.3K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
384.1K
bc

Unexpected Romance

read
39.0K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
890.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook