KABANATA 1
"Gising na, my beautiful princess!" Bulong ng isang malamyos na tinig na pamilyar sa akin.
"Hmmm... Rekka?" Pilit kong hinagilap ang pinanggagalingan ng boses.
"Napag-iiwanan ka na ng mga magagandang kaganapan niyan. Gising na, baby," lambing pa nito pero tinatamad pa rin akong magmulat ng mata.
"Hmmm... Ayoko pa. Gusto ko pang matulog," sagot ko rito sabay hila ko sa aking comforter at ibinalot ito sa buo kong katawan.
"Sige na, Princess, bangon na. Hindi ka pa kumakain niyan, oh!" Pagpupumilit pa noong tinig.
"Mamaya na, Rekka. Ang kulet mo talaga! Eh, antok pa nga ako! Ang sakit pa ng sikmura ko," nang sinabi ko iyon, awtomatiko namang napahawak ako sa aking tiyan at inaalala kung bakit sumasakit iyon.
"Tignan mo, gutom ka na. Kaya bangon na, Princess," may pag-aalala pa nitong tugon.
Hindi naman ako gutom. Masakit lang talaga... Biglang sumagi sa isipan ko iyong mga kabigha-bighaning berdeng mata.
Sunset. Beach. Sands. Those mystifying emeralds!
Agad akong nagmulat at una-unang pumasok sa linya ng aking paningin ang nag-aalalang bulto ni Gene. Kaharap niya ngayon si Mang Nestor at tila nasa kalagitnaan sila nang isang masinsinang pag-uusap. Hindi ako bumangon at iginala na lamang muna ang paningin sa kabuuan ng silid.
Unang-una kong napansin ang kamang kinahihigaan ko. Apparently, I'm lying in the middle of an antic four-poster bed, complete with white satin sheets, comforter and pillows. Pansin ko ring high-ceilinged ang room. The lights were in the right places pero nakapatay naman ang mga ito ngayon. Tanging iyong ilaw lang na nagmumula sa mga lampshades on each side of my bed ang nakabukas. The cabinets holding the lampshades were obviously made to match this bed. Wala masyadong furnitures at napaka-minimalistic ang pagkakaayos ng silid.
I saw that there were white satin curtains covering the balcony doors. Walang bintana. Just those doors. Kahit medyo dim-lighted ngayon ang kwarto, kitang-kita ko na kulay puti ang nangingibabaw sa kabuuan nito. Even the walls were painted white with silver etching of flying dragons! It doesn't take a cow to understand where I am right now.
"I don't care how you do it, I want you to find who did this to her!!"
Napapitlag ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Gene. Kaagad akong napalingon sa kanilang direksyon at sakto namang nalipat ang kanyang paningin sa akin. Kita ko ang agarang pamimilog ng mata nito, worry and anxiety in them.
"Oh, Aya!" Mabibilis na mga hakbang ang ginawa nito. He immediately went to his knees and quickly put me in a tight embrace, "My Aya! My beautiful daughter!" Usal pa nito with overly-concerned tone.
Kaagad niya akong binitawanan pero ikinulong niya naman ang mukha ko sa kanyang mga palad. His, again, overly-concerned eyes were roaming around my face like he was looking for something in it. Agad naman akong ngumuso sabay kunot ng noo as I eyed him with irritation.
"Thank God at hindi naman nagalusan ang maganda mong mukha! You're still so beautiful, my beautiful daughter!" Sabi nito bago ako hinilang muli for another bone-crashing embrace.
"Ano ba, Gene, let go of me! Can't... breathe..." Hirap kong usal sabay palo sa kanyang braso.
"Oh, sorry..." Kaagad naman siyang bumitiw. Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya habang hinihimas ang naipit kong leeg.
"Ikaw yata ang papatay sa akin, eh," sabi ko sa kanya na kaagad namang ngumuso at nagsimulang mag-puppy eyes.
"Pasensiya ka na, my beautiful daughter. Can I help it kung ganito kaganda ang anak ko?" At pinisil pa nito ang magkabila kong pisngi. Agad ko naman iyong pinaalis nang di binibitawan ang matalim kong pagtitig.
Muli na naman siyang ngumuso sa aking ginawa.
"Tsaka, na-miss ka ni Daddy, eh. Ako ba hindi mo na-miss?" With matching puppy eyes pa ang ginawa niya.
Minsan talaga nakakasuka itong si Gene.
Nakita ko ang marahang pagyuko ng bulto ni Mang Nestor bago nito dahan-dahang isinara ang double-doors na pintong mayroon pa ring intricate dragon curvings. Muli ko namang ibinalik ang aking paningin sa ngayon ay naiiyak nang mukha ni Gene.
"Hindi mo na-miss si Daddy Gene?" At mas lalo pa itong nag-pout habang nangingilid na ang mga luha.
Napahiyaw na lang ito nang walang sabi-sabi ko itong pinitik sa noo.
"OA mo, Gene. Kakakita lang natin noong isang araw when you went to the Louise Mansion just so you could tell me yourself na dito na ako sa Pilipinas mamalagi, hindi ba?" Nakanguso pa rin siya habang hinihimas ang ngayong namumulang noo buhat sa aking pagpitik.
"Tapos, before and after I took my flight to this country, ilang beses na ba tayong nag-video chat dahil hindi ka mapakali na hindi kita pinagbigyang huwag akong sumakay ng commercial flight at gamitin na lang ang private jet ng pamilya? Hindi mo lang ako nasundo, kung maka-miss ka parang hindi ko alam na may pinagawa kang silid na ang sole purpose ay ang i-trace ako," malakas naman itong napasinghap habang nanlalaki ang mga mata na tila ba'y gulat na gulat na may alam ko tungkol dito.
Pagkatapos noon ay agad siyang tumagilid sabay takip nito sa kanyang nakaawang na bibig.
"You weren't supposed to know that," bulong pa kunwari nito sa sarili pero dinig ko naman.
"sss friends na kasi kami ni Mimi at naikwento niya na 'yon minsan sa akin," ininda ko ang sakit ng aking katawan nang tumayo ako. Kahit sa gilid lang ng mata ko kita ko ang panibagong gulat sa kanyang mukha.
Mabilis naman siyang tumayo at lumipat sa harap ko. Bakas ang pagtatampo sa mukha nito.
"You accepted her request? Eh, ba't ako hindi mo pa ina-accept?! Mas nauna ako kaysa sa kanyang nagpadala ng friend request sa iyo, ah? Tsaka relationship request na rin!" Parang batang nagtatampo naman ito ngayon. Hindi ako umimik at hinayaan ko lang siya sa kanyang pagta-tantrums.
"Kailangang malaman ng buong mundo that you're my beautiful daughter!" Usal pa nito bago pumasok sa kanyang dream boat.
I dumbfoundedly stared at his stupid looks. Inaatake na naman ng kanyang masyadong makulit na imahinasyon. Sa hitsura nito ngayong ngiting-ngiti, parang nakikinita ko na kung anong tumatakbo sa kanyang isipan.
"Hindi ko naman kasi kailangan ng stalker," walang awang sabi ko na agad nagpawala sa ngisi nito. Malungkot na naman niya akong tinitigan at kita ko ang mabilis na pangingilid ng mga luha sa kanyang mata. Nakapout ang ngayon ay nanginginig ng mga labi.
"Y-you h-hate..." lumunok pa ito nang malakas na tila may nakabarang malaking itlog sa lalamunan bago nagpatuloy, "...D-d-d-d-dad-d-d-dy?" halos nauutal nitong tanong dahil sa labis na panginginig.
Kumunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan ang naiiyak nitong mukha. Napapikit ako habang nagbubuntong hininga bago ko siya pagod na sinagot.
"Of course not. I..."
"Yes!!!" hindi pa ako tapos magsalita ay yinapos na naman niya ako sa isang nakamamatay na yakap, "I knew you love Daddy! I knew it all along!" Tumatawa pang sabi nito habang pinaiikot-ikot kami.
Napasimangot na lang ako nang lalo ko pang naramdaman ang kirot ng aking katawan sa kanyang ginagawa.
"Will you please cut it out? I'm dying here," asik ko habang iniinda ang sakit at pagkahilo.
"Opps!" Kaagad rin niya naman akong binitawan.
Napayuko na muna ako to steady myself dahil umiikot pa rin ang mundo ko.
"Daddy's just so happy you love him too, Aya," narinig kong usal nito.
Tinangala ko siya at pinukulan nang matalim na tingin pero binalewala niya lang iyon. Nakangising aso pa rin siya.
"Now, my sweet, beautiful daughter," bigla akong nakaramdam ng panlalamig nang muli siyang magsalita.
Nakangiti pa rin siya pero bakas na sa tinig nito ang isang nakakatakot na pangako. Alam na alam ko na ang kasunod nito. Ngayon pa lang kinakabahan na ako.
Marahan niyang ibinaba ang kanyang ulo para magpantay ang aming mga mata. He was still smiling but the glint in his eyes spelled murder. Napalunok ako nang wala sa oras.
"Who buried you under the sands? Hmmm?" Nandoon pa rin ang ngiti but his every word was cold as ice.
"Err..." Wait. I was buried under the sands? Like seriously?
Bigla kong naalala iyong sinabi noong lalaking may berdeng mga mata.
"Tingnan natin kung sinong maililibing sa atin."
Great! So he did bury me under the ground? Literally?! Kaya pala ang sakit ng katawan ko.
"Hmmm??" Pag-uulit ni Gene na nagpapukaw sa lumilipad kong utak.
Pilit ang ngisi sa kanyang mukha like it's taking everything in him so he could keep his cool.
Agad ko siyang pinakitaan ng ngiti.
"Silly, that was nothing! I found some kids by the beach," And by kids I mean five teenagers playing badass.
"And we played for a bit," and by playing I mean exchanging hits using our fists.
"And then later on I decided I wanna try being buried underneath the sands since I've never tried that before. You know, being brought up in the mountains and all. Ha. Ha. Ha." Hilaw ko pang tawa as I eyed his doubtful looks, smile's all gone. Mataman niya lang akong tinitigan.
Para na akong malulusaw under his scrutinizing stare nang bigla naman itong mabilis na ngumisi.
"Hmm... ganoon ba?" Usal pa nito at magiliw ko naman siyang tinanguan.
"Oo, ganoon nga. That's why baseless ang pag-aalala mo, as usual," nakangiti kong sabi rito na tumatango-tango lang habang nakikinig, "You know I could handle myself, di ba? I can fight and defend myself kung saka-sakaling may danger, di ba?" Dagdag ko sabay pakita ng aking fighting stance.
Pumalakpak naman ito sa aking ginawa, abot tainga ang ngiti.
"Hmmm... Tuwang-tuwa ka siguro sa laro niyo, ano?" Tanong nito na kaagad ko namang tinanguan.
"And..."
"Kaya ba pinalibing mo nang buo ang sarili mo?" Natigilan ako sa kanyang sinabi.