KABANATA 2
Pinalibing ng buo?
"Kasi hindi mo alam na hanggang leeg lang dapat ang inililibing sa buhangin dahil sa burol ka rati nakatira? Ganoon ba iyon?" Wala na ang lahat ng tuwa sa mukha nito. Kasabay nito ang pagkawala ng kulay sa mukha ko.
Seriously, though?
"And by the looks of it, napalaban ka pa ngang talaga. Otherwise, you wouldn't be explaining how superior your fighting skills are in times of danger," hindi ako nakaimik.
Actually, wala sa mga sinabi niya ang isipan ko.
They actually buried me alive?? Were they trying to kill me? Mamamatay tao pala ang isang iyon?? And then I remembered that moment where I saw danger blazing in his eyes. Nakaramdam ako ng panlalamig sa naalala.
"Now, my sweet, precious, beautiful daughter," marahan niyang hinawakan ang aking mga braso at matamang tinitigan sa mga mata. His eyes were unforgiving at tila isang sabi ko lang, ipapa-shoot to kill na niya ang mga iyon.
"Who did this to you?" Malumanay lang ang pagkakasabi nito but every word was laced with promised pain to those who have assaulted me. Hindi pa rin ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa kanyang mga nag-aalalang mata.
"Sige na, sabihin mo na kay Daddy, mahal kong anak at ako ng bahalang magparusa sa kanila. Sige na," bigla kong naalala iyong isang taong lagi akong kinukulit na gawin ang gusto niya.
Rekka.
"She'll never be the Cross that I want! She's weak! Useless! She'll never, ever be a Dragon! Will never be a Cross! She will never be enough!"
Napapikit ako sa alaalang dumaan sa aking isipan. Kahit na matagal ng panahon ang lumipas noong una ko iyong marinig, mahapdi pa rin pala sa puso.
"Aya? May masakit ba sa katawan mo, anak? Sige na, huwag kang matakot. Daddy will make sure whoever those bastards that did this to you will regret they ever see the light of day," napamulat ako agad sa pagbabantang narinig.
"No!" Mabilis kong sabi.
Halong pagkabigla at pagkadismaya ang bumabakas sa mukha ni Gene.
"What do you mean no?" Nakakunot nitong sabi sabay halukipkip.
"I mean... " Tinaasan lang ako nito ng kilay as I carefully thought of the right words to say.
Kasi kahit ganoon ang ginawa nila sa akin, hindi ko ipapaubaya ang paglutas ng gulo ko sa ibang tao. I won't allow anyone to assume that I'm weak. No. Papaano ko malulutas ang problema ko sa pamilya kung simpleng ganito lang ay hindi ko kaya? I need to show them that I can handle things like these without anyone's help.
Isa pa. Sa akin sila may utang at hindi kay Gene or kung kanino man kaya natural lang na sa akin sila mananagot. Ako ang maniningil. Hindi si Gene. Hindi ang sinuman. Ako.
Humanda ang Dragons na iyan. Lintek lang talaga ang walang latay!
Nagpakita ako nang isang ngiti. Pilit pero ngiti pa rin. I need to convince him to drop the issue.
"It's really not big a deal. Hindi naman ako namatay. See? Buhay pa rin ako at humihinga!" Bulalas ko hoping he would just move on from this nang makapagplano na ako sa gagawin kong paghihiganti.
"Kung hindi ka pa nahanap nina Nestor at Milo malamang hindi ka na humihinga ngayon! Aya naman! Please don't take this lightly! Halos atakihin ako sa puso nang makita kitang walang malay at punung-puno ng buhangin ang katawan!" Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ang mga iyon.
Bakas sa pagtaas ng kanyang tono ang pinaghalong pag-aalala at frustrations. Nagsimula na rin siyang maglakad ng pabalik-balik sa harapan ko, his hands on his hips.
"I'm still just twenty-five!" Sabi pa nito habang sinusundan ko naman ng tingin pabalik-balik niyang lakad. "And my God, Aya, ayoko pang mamatay. I still want to see your grandchildren marry!" Agad namang kumunot ang noo ko sa kanyang dinugtong.
"Baliw pa rin talaga ang isang ito," I silently muttered as I continued watching him.
He was still muttering incoherent words as he continued pacing back and forth like he was doing warm-up for some walkathon event later. Looking at his frustrated look, alam kong kahit anong sabihin ko ay hindi tatalab sa kanya. He would insist that I give him names, descriptions of those who buried me on the ground and without a doubt he would hunt them down. And those eyes weren't common here kaya sigurado akong hindi pa lilipas ang isang oras, midnight snacks na ang matipunong katawan noon ng mga isda sa dagat.
Wala yata akong ibang choice ngayon. Para mapatigil lang siya sa kanyang paghuhurumintado, I guess I have to use my secret weapon.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako walang sabi-sabing yumakap sa kanya. Ramdam ko ang pagkabigla ng kanyang buong katawan sa aking ginawa.
"Aya?" Usal nito sa di makapaniwalang tono.
Ugh, and I really hoped I'd never get to use this!
Gusto ng magrebelde ng buong sistema ko sa aking ginagawa but I need to push this through kung gusto kong matigil na siya sa kanyang pag-aalburuto.
"I'm so sorry I made you worry...." I swallowed that stubbornness blocking my throat, "...D-dad!" Halos pabulong kong dagdag.
Ugh. Parang gusto ko yatang sumuka.
Narinig ko ang marahas na pagsinghap nito nang sabihin ko ang katagang iyon. Well, it made sense since that word has always been his weakness. Kahit anong inis, anong tampo niya sa akin, marinig niya lang banggitin ko ang salitang iyon, burado na lahat ng kasalanan ko sa kanya. Kahit ano pa 'yan! Kahit gaano kalaki! Marinig niya lang na tinawag ko siyang papa, good na ang buong taon niya!
"D-d-d-d-d-d-dad? Y-you called me d-d-d-d-d-d-dad??" I couldn't help but roll my eyes at his statement.
Lumayo ako sa kanya only to find his stupid face became more stupid with that glittering eyes and chimpanzee smile painted all over.
"A-and y-you gave m-me a h-hug. On your own!" Sabi pa nito na para bang kakatuto ko pa lang maglakad at manghang-mangha siya sa nadiskubre.
Ugh! Well, at least that kept his mind off the topic.
Ngising aso pa rin siya so I took the initiative to change topics.
"So, ugh, where are we again?" I started as I looked around the place.
"We're inside your room, silly," tawa pa nito sabay kurot sa pisngi ko, "Silly but still so beautiful, my beautiful daughter. Call me Daddy again?" Dagdag pa nito while anticipating for me to say that term again.
As if I would! At least hindi na muna ngayon. Kotang-kota na ako sa pagiging daughter-complex ng isang ito.
"Seriously, Gene..." I tried to say but...
"Dad," There he goes.
"Gene..."
"Dad," Pag-uulit niya.
"GENE! Seriously, why are we here? This is the main house!" Naiwang nakabitin sa ere ang kanyang hintuturo at nakaawang ang bibig nang hindi ko siya pinagbigyang makasingit.
He then quickly closed his mouth and brought his hands to his side. He also averted his eyes at iniiwasang magtama ang aming paningin. Sinubukan kong hulihin ito pero mabilis siyang nakakailag.
"GENE!" Napapitlag siya sa tono ko, "Bakit nga tayo nandirito? Akala ko ba, once I transfer here, titira na tayo sa iisang bubong at magiging buong pamilya? Ikaw, si Mimi, the twins, ako... anong nangyari't nandirito tayo ngayon? Courtesy call?" I couldn't help the bitterness of my tone.
I hate living in the main house. Oo nga't lagi nila akong nilalaanan ng silid sa tuwing bumibisita ako. But I know for a fact that it was only out of courtesy. They secretly hope that I decide to stay somewhere else. For no one, as in, no one in the main house wants to actually have anything to do with me!
Hindi pa rin siya makatingin nang diretso sa akin. Nanatili lang ang matalim kong titig sa kanya.
"Uh... a-ano... Kuan... a-ah..." He's stalling.
After a while, he drew a sigh of defeat bago ako malungkot na tiningnan.
"It's been decided that you will be staying here as long as the headmaster is here," pag-aamin nito.
Literal na napaawang ang bibig ko sa narinig.
"W-what? Why?" Hindi ko maiwasang itanong, "Like ilang taon nila akong hinayaang mamuhay mag-isa doon sa America tapos ngayon, all of a sudden, dito na ako? They don't even want me here!"
Hindi sumagot si Gene at nanatili lang na humihingi ng paumanhin ang titig nito.
Alam ko.
Once it's been decided, kahit anong dahilan pa iyan, it must be implemented. Everyone must follow. No questions asked. Kaya naiintindihan ko kung bakit walang maisagot si Gene. Maging siya ay walang magagawa kapag napagdesisyunan na ng mga matatanda.
If you're bearing the name, you have to follow the rules. If you can't, leave the name behind. Iyan ang patakarang dapat hindi kinakalimutan habang nasa loob ka ng pamamahay ng mga Cross. Patakarang gustong-gusto kong baliin kung hindi lang dahil kina Gene at sa mga taong nagmamahal pa rin sa akin sa angkan na ito.
"So... paano na ito ngayon? Ikukulong nila ako rito?" Mapakla kong usal.
"Aya..." Malambing nitong sambit sa akin, "You can still visit us on weekends. Mimi is actually excited to finally have a mother-daughter bonding with you. You'll get to meet the twins, too!" Sabi pa nito trying to lighten my sour mood pero hindi pa rin ako nangingiti.
"I just don't understand..." Mahinang usal ko habang tinitingnan ang kawalan.
They'll let me stay pero araw-araw naman silang magkukunwaring I don't exist? Nasaan ang hustisya doon?
Napalingon akong muli sa kinatatayuan ni Gene when I heard him sigh loudly. He straightened his back at ipinilig ang ulo sa isang banda. Matapos noon ay naghalukipkip siya habang nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa akin.
Napataas ako ng kilay when I saw something glint in his eyes. Something different... Like he was hiding an ace under his sleeves or something.
"So you're saying no to this? Gusto mo na bang sumuko? Sige, tara! Sumama ka sa akin ngayon and I'll hide you somewhere na hindi ka makikita ng buong angkan," napakunot ang noo ko sa kanyang imbitasyon.