KABANATA 3
No, that wasn't even an invitation. That was a challenge.
"Are you implying that I can't do it?" Nakataas kong kilay na tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat lamang ito. His eyes were playful and he was trying so hard to keep the corners of his mouth turn upwards.
"Well... " He began, his tone was playful, "It seemed to me that you are bothered by the idea of living here. Eh, akala ko ba sabi mo hindi ka susuko hanggang sa makuha mo ang loob ng lolo mo?"
Napanguso at napakunot ako ng noo. He really is taunting me. Alam na alam niyang ayaw na ayaw kong sumusuko.
"O, ba't ngayon parang ayaw mo na yata. Parang... " Usal pa nito. Iyong isang kamay niya ay nasa baba and he's eyeing me na para bang may nakakatawa sa aking mukha.
"...takot ka na ata." I couldn't help that twitching on my left brow when he said that.
Damn it! He really is testing my patience.
"I'm not scared! At hindi ko rin sinabing sumusuko ako. I just want to know the reason behind their decision. See? There's a difference," taas-noo kong sabi sabay halukipkip.
Kinalas niya ang pagkakahalukipkip niya at magiliw na ginulo-gulo ang aking buhok. Napakalas na rin ako sa aking halukipkip sabay pinalis ang makulit nitong kamay. Nakanguso ko siyang tinapunan ng matalim na tingin. But he's smiling like a dog again.
"That's my girl!" Usal nito. Panay pa rin siya sa paggulo ng aking buhok.
When I took a glimpse on his face, pansin ko ang malungkot na ngiti rito. Marahil ito lang ang nakikita niyang paraan para maibsan kahit papaano ang aking pag-aalala sa pagtira rito.
Alam ko naman, kung gugustuhin lang talaga ni Gene, he'd take me to our home - our real home kung nasaan naghihintay sina Mimi at ang mga kambal. Kung saan naghihintay ang mga taong tanggap at pinapahalagahan ang existence ko.
Napalingon kami sa direksyon ng mga pintuan nang biglang may marahang kumatok dito. Nakadungaw sa may bunganga ng pintuan ang isa pa ring matandang lalaking nakasuot ng butler's uniform.
"Pardon my intrusion, Master Gene, but Master Daisuke is here." Namilog ang mga mata ko hearing that Dice is here. Usually, kapag alam nitong nasa area lang ako ay agad itong umaalis.
Mabilis naman akong tinapunan ng isang nag-aalalang tingin ni Gene bago ibinaling muli ang atensyon doon sa matanda.
"Okay. Tell my father that I will join him shortly." Ang isinagot ni Gene dito at pagkatapos ay muli akong hinarap, "I'll just meet him real quick, alright?" Paalam nito sa akin ngunit wala sa kanya ang atensyon ko kung hindi doon sa matandang hanggang ngayon ay nanatili lang nakatayo sa may pintuan and was eyeing me suspiciously.
Napakunot ang noo ko at tila napansin naman ito ni Gene dahil kaagad niyang sinundan ang line of vision ko. Tumuwid siya sa pagkakatayo nang makitang naroroon pa rin iyong matanda.
"Is there anything else?" Seryoso nitong tanong doon sa matandang butler na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin sa akin.
Napansin naman ito kaagad ni Gene at pagkuwan ay lumipat siya sa aking harapan, blocking me from that butler's line of sight.
"Your master is asking you a question, Manuel," sabi ni Gene sa matigas na ingles.
"Pardon, Master Gene, it's just that I have heard the news about your daughter..." Punung-puno ng pagdududa ang tono noong matanda, "...who will be living in this estate starting today. I didn't believe them at first but..."
Saglit akong sumilip to find that old man's curious eyes back on me. Nakipagtagisan naman ako ng titig sa kanya. Sinong puta ang nagbigay sa kanya ng karapatan para tignan ako nang ganito?
Tinaasan ko pa siya ng kilay. Nag-iwas naman siya ng tingin nang makita iyon at inilipat ito kay Gene na nakaigting na ang panga.
"And that's your concern because?" Gene's voice was calm but there's something about the way he delivered the line that made it dangerous.
"Nothing, Master. Of course, it's none of my business. Please accept my apologies," mabilis na sagot nito bago yumuko nang malalim.
Matapos noon ay tumikhim ang matanda at inayos ang sarili. I guess hindi pa siya tapos magsalita.
"Master Daisuke also said that he wishes to have you and Lady Ayana..." Panandalian niya akong nilingon at binigyan ng karampatang respeto. Tinanguhan ko rin siya bilang pagkilala, "...to join him in his study as soon as you're both ready."
Hindi ko maitago ang aking pagkagulat. Dice will never ask for me unless....
I worriedly looked at Gene. He's eyeing me with concern too. Mabilis niya namang inayos ang kanyang ekspresyon bago muling nilingon ang matanda.
"I understand. Please tell him we'll be there in ten."
"I'll inform him right away," ang huling sinabi ni Manuel bago ito marahang yumuko as he excused himself out of the room.
Matapos noon ay kaagad namang hinawakan ni Gene ang magkabila kong braso at iniharap ako sa kanya. Nakabaluktot ang kanyang katawan para magpantay ang aming mukha.
"Listen, my beautiful daughter," and I wanted to roll my eyes right there pero pinigilan ko na lang, "We're going to go and meet your grandfather Daisuke, because I'm your Daddy," parang gusto ko na lang ituloy ang pag-irap sa taglay daughter-complex nito pero pinigilan ko pa rin, "And I know na isa siya sa mga naiinggit that of all the people in this family I get to be your fa... aray!"
Pinitik ko na! Baliw-baliwan na naman kasi.
"I know what you want to say and I'm thankful. But you don't have to worry. I'm a big girl. I'll be fine!" I assured him pero sa totoo lang nangangapa pa ako ng sasabihin kapag nagkaharap na kami ni Dice.
Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Gene. Ilang sandali ay humugot na lamang siya ng hininga at inayos ang kanyang postura.
"Alright! We're facing him. Kahit anong mangyari, Aya, I want you to know na kanya lang ang lahat ng mga salitang sasabihin niya and they don't represent the opinion of the family as a whole, alright?" Nag-aalinlangan akong sumang-ayon pero tumango pa rin ako.
"Kasama mo ako roon. Ipagtatanggol kita sa abot ng aking makakaya, okay?" I smiled at his words. Minsan matino rin siyang kausap.
"Kasi Daddy mo ako and Daddy Gene loves you so much!!!" Pahabol nitong sabi sabay yakap sa akin nang mahigpit.
Ugh... I guess iyong minsan na iyon applies only when he's asleep.