KABANATA 4
Habang nilalakad namin ang kahabaan ng corridors papunta sa study room ni Dice, pansin ko ang pagtigil ng mga staffs, who are all men by the way. Panay ang titig nila sa akin at pagbubulung-bulungan ng mga ito.
No surprise there though. Walang babaeng pinapapasok sa loob ng main house dahil lahat ng babae sa pamilyang ito ay pawang mga pinakasalan lamang.
There are two ways for a woman to earn a name, you either marry the man or be born into it. Oh, of course, in my case, I was sort of adopted into it.
Nasa harapan na kami ng isang Japanese style sliding doors nang maramdaman ko ang paghawak ni Gene sa aking kamay. Tiningala ko siya dahil doon and I saw his restless looks as he eyed the door worriedly.
Pinisil ko nang marahan ang kanyang kamay na nagpalingon sa kanya sa aking direksyon.
"I'll be fine." I reassured him.
Tinanguhan niya ako bago binitawan ang aking kamay para mabuksan ang pintuang nasa pagitan namin at ng kanyang ama.
The doors opened smoothly. Ang malamig na singaw ng air condition na may kasamang amoy ng peppermint ang sumalubong sa amin. The room was large for a study. Unang-unang kukuha ng iyong pansin sa loob nito ay ang mga collection na armory ng may-ari. Pansin rin ang dalawang kulay na namamayagpag sa bawat sulok nito - Blue and Silver - mga kulay na nagrerepresenta sa branch line ng pamilya.
The study was dimly lighted at nakapokus ang mga ilaw sa harapan kung saan naroroon ang isang malapad ngunit mababang mesa. Kaharap nito ay may dalawang cushions kung saan kami uupo ni Gene. Sa likod ng lamesang iyon nakaupo ang bulto ni Dice.
At 42, he has already made a name sa hospitability business. He owned several 5-star hotels, resorts and restaurants all over the world under the "☓" Cross banner. Kagaya noong family crest nila na nakalatag sa pader na nasa likod niya ngayon. All branch families use this banner whereas the main line uses the original "†" Cross.
I unconsciously held the thick cross pendant on my neck as I lingered on the woven blue and silver design.
Napapitlag na lang ako when I noticed Dice's cold stare on me. Nakaupo na pala si Gene sa isa sa mga cushions and I was too preoccupied about the room to see this. Agad kong tinungo ang katabing cushion at pormal na umupo roon, my hands on my knees at nakadungo ang ulo. Careful not to have an eye contact lalo na kapag hindi ka kinakausap.
Dinig ko ang malakas na pagtikhim ni Dice mula sa aking kinauupuan. Alam kong nakatingin pa rin siya dahil ramdam ko ito sa ulo ko.
"Chichiue, we have come here to answer your call for an audience. To what do we owe this honor?" Panimula ni Gene sa isang pormal na pananalita.
I took a side glace at him and saw his serious expression while facing his father. Muli ko na lang ibinalik ang paningin ko sa aking mga kamay.
"Nothing of significance, really, kung ang pagbabasehan ko ay kung sino ang dahilan kung bakit kailangan kong mag-alala ng ganito." Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Dice nang sabihin niya iyon, alam kong ako ang pinatatamaan niya.
"Oh, then, para saan pa ang pagpapatawag sa amin if you find your objective insignificant?" Sagot ni Gene sa kanyang ama.
Mabilis ko siyang nilingon pagkasabi niya noon pero nanatili lang na stoic ang expression niya.
"Bakit? Bawal ba ang ipatawag ang anak ko whenever I need to see his stupid face?" Napakuyom ng kanyang kamao ang katabi ko sa sinabi ng ama.
Dice continued when Gene didn't say anything.
"So let's acknowledge the elephant in the room, shall we? Bakit pa ba tayo magpapaliguy-liguy pa when we all know kung bakit tayo nandirito ngayon?"
I held on to my knees tighter. Alam ko na kung anong kasunod nito.
"Kurozawa Ayana." Tawag nito sa aking Japanese name.
"Hai." I answered.
"In two days time, the headmaster will begin living here. I don't know if this stupid of a son has already told you that the elders have decided to let you stay in this house until the headmaster decides to move back to the main family estate in Japan."
Napalunok ako sa narinig. I want to ask why pero alam kong hindi ko pa oras magsalita. At marahil wala rin akong karapatang tanungin ang mga desisyon ng mga matatanda.
"The residents of this house have already accepted the fact that we have to share the same space and air with the cursed one..."
"Chichiue!" Kaagad na protesta ng katabi ko. Napakuyom na lang ako ng palad to stop myself from reacting negatively.
"What? Am I not merely stating a fact? Kung hindi mo pa nababasa ang charts ng kompanya, it's already taking a dip! And it's all because of her!" Hindi ko na siya kailangang tignan upang malamang nakaturo ang hintuturo niya sa akin.
I bit the sides of my mouth, pretended I was somewhere else and thought of happy things.
"What are you saying? Matagal ng nag-di-dip ang kompanya natin and it's because of the world economy, not her!" Halos tumaas na ang boses nito.
"Have you seen the charts, Yuujin? Our company started to take the dip exactly twelve years ago. And we both know exactly what happened on that same year!" Tumaas na rin ang tono ni Dice.
"You can't blame Aya for that just because she was born on that year. Anong kasalanan ng bata doon? Tinawagan niya ang world bank and told them to seal all their vaults para magipit ang market? See how preposterous that sounds? Come on!" Muli akong sumilip sa aking katabi at nakitang namumula na ito sa galit. May kung anong kumurot muli sa puso ko seeing how he defended me.
"Preposterous!? Her coming to this world as a 'she' is what preposterous is! Kaya tayo minamalas kasi nabuhay ang dapat sana ay patay! So long as SHE'S living, we're doomed! CURSED!" Nakita ko sa gilid ng aking mata ang agarang pag-angat ng isang paa ni Gene sa cushion.
Happy place. I'm in my happy place.
"Don't talk about my daughter like that!" Galit nitong sigaw.
Napaangat ako ng tingin sa katabi ko sa sinabi nito. Kita ko rin sa gilid ng mata ko ang cool na cool pa ring Dice na nakatanaw na ngayon sa akin.
"Oh, for goodness' sake, Yuujin! She isn't your daughter! No reason to defend her! She's nothing but the daughter of a witch!"
To hear him call my mother a 'witch', hindi ko napigilang mapatayo at mapaharap sa kaniya nang wala sa oras. Pansin ko naman sa gilid ng aking paningin ang pagkakabigla ni Gene sa aking reaksyon.