KABANATA 9
Pabalik na ako sa cottage nang namataan ko ang nakapamaywang na bulto ni Gene. Pabalik-balik ang lakad nito at bakas ang pag-aalala sa mukha. Si Mimi, na nakatayo lang sa kanyang tabi, ang unang nakapansin sa aking pagdating. Kaagad naman nitong tinapik ang balikat ng asawa para ipaalam iyon. Mabilis itong napalingon sa aking direksyon at panandaliang namilog ang mga mata bago ako sinalubong sa isang mahigpit na yakap.
"Oh, my beautiful daughter! I thought someone stole you away from me! I was so worried!" He exclaimed bago ako bahagyang inilayo at hinagod ako ng nababahalang tingin.
Nakita kong nasa likuran na niya si Mimi na may bahid din ng pag-aalala ang mukha. Iyong mga bata ay marahil nasa loob na ng sasakyan dahil wala na ang mga iyon sa paligid. Nasa labas naman ng aming van si Milo at hinihintay ang pag-alis ng kanyang mga amo.
"Saan ka ba nanggaling? We were looking all over for you. Hindi ka namin mahagilap. Lampas isang oras ka ng nawawala. Another minute and your father might have gathered a search and rescue team," sabi ni Mimi sabay halukipkip sa tabi ng kanyang asawa.
"Naglakad-lakad lang ako and then I found a young mango tree on top of a hill not far from here. The view was so relaxing, nakatulog ako. I'm sorry," sabi ko sabay kamot sa batok.
Hindi ko naman akalaing makakatulog ako sa itaas ng puno. Kung hindi pa ako nahulog, sa pangalawang pagkakataon, hindi ko mamamalayan ang oras. Nakita ko ang marahang pagtango nito habang si Gene naman ay mas lalong nanlaki ang mga mata sa aking sinagot.
"You fell asleep? Were there someone else around that area? Paano kung may masamang nangyari sa iyo habang natutulog ka? Paano kung na-r**e ka, anak?" Nagtagis ang mga ngipin nito sa naisip, "Makakapatay na talaga ako ng tao kapag nagkataon. At hindi lang talaga basta patay, titiyakin kong wala ng matitira pa sa kanya para makilala!" Napa-aray naman ito bigla matapos masapak ni Mimi.
"Ang OA mo! May makarinig pa sa iyo niyan, aakalaing pumapatay ka talaga. Tsaka, nakatulog lang naman si Aya sa pagod. Buong araw niyo kaya nilibot ang Asteria! Sino ba naman ang hindi mapapagod doon?" Napakamot na lang sa kanyang ulo si Gene sa sinabi ng asawa. Matapos noon ay ako naman ang binalingan nito.
"At ikaw, ibaba mo na iyang kamay mo't tsaka mo na lang pitikin itong isip-bata mong ama," napangisi ako sa kanyang puna at agad namang itinago ang aking mga kamay sa aking likuran.
I really think Gene married the right person. Someone to put some sense into him when he gets a bit out of control.
Tumayo na si Gene habang nagkakamot pa rin ng kanyang batok at tila nahihiyang tumingin sa akin.
"Um... about what happened a while ago..." He tried to say bago siya nagkaroon ng lakas na tignan ako. His eyes were guilty about something.
"Mimi and I were only discussing healthy things, Aya. We weren't fighting or anything. Baka kasi namisunderstood mo iyong sitwasyon kanina. Even so, I apologize that we acted that way in front of you. Hindi dapat kami nagtaasan ng boses lalo na't tungkol iyon sa iyo at sa harapan mo pa," malumanay nitong paliwanag.
Tumango ako bilang pag-intindi.
"I understand. Ayoko lang sanang hindi kayo magkaunawaan ng dahil lang sa edukasyon ko. I'm fine with whatever's given to me. Ang importante, I'm still receiving the education that I need. School is important. But family is more important to me. Kaya sana huwag na kayong magtalo tungkol dito. I'm really fine studying at home. Really!" Ngumiti pa ako matapos kong sabihin iyon kahit nakakaramdam ako na parang may kumukurot sa puso ko.
"I just want to be normal," bulong ng puso ko that I instantly shut.
This is normal, Aya. Having a family like them is normal. You should be happy. Smile!
Nakita kong nagpalitan ng nag-aalalang mga titig sina Gene at Mimi. Pero bago pa man nila mabasa ang aking tunay na saloobin ay inunahan ko na sila.
"Are we proceeding to the ranch already? Let's go! I wanna ride the horses!" Nakangiting sambit ko bago ko sila nilagpasan at tinungo ang aming sasakyan.
They can not know, Aya! They MUST not know!
Gabi na nang marating namin ang bahay nila Gene. It wasn't what I was expecting to see for a Cross' house. Especially, given that Gene's the Beta Dragon of the Clan.
Beta Dragon is a title given to the first born of the first born of the branch line. At sa mga apo ni Daiki, si Gene iyon. Samantalang, Alpha Dragon naman ang ibinibigay sa first born ng first born ng main line. Sa ngayon, hawak iyon ng aming headmaster.
Gene's house was so ordinary. Isang two-storey house na may terrace, may picket fence, a one-car garage and a small lawn. It's a typical middle-class home na makikita mo rito sa Asteria. Walang bakas ng angkan o marka ng pamilya ang makikita mo dito saan mang sulok ng bahay.
Nauna nang umuwi ang mga yaya ng mga bata. Stay-out daw kasi ang mga ito at hands-on sina Gene sa pag-aalaga sa kambal tuwing gabi. Karga-karga ngayon tig-iisa nina Mimi sina Rei at Gun habang papalabas ng sasakyan. Lumabas na rin ako upang mas lalo pang masilayan ang kanilang tahanan ng malapitan.
"Uunahin ko munang ipasok itong si Gun, Mi. Babalikan ko na lang si Rei pagkatapos," paalam ni Gene na tinanguhan agad ni Mimi.
Kaagad naman itong pumasok sa loob at matapos kumaliwa ay nawala na ito sa aking paningin.
"Baka gusto mo munang pumasok, Aya? Doon mo na lang hintayin sa sala iyong Papa mo?" Pag-iimbita ni Mimi.
Nginitian ko siya sa paunlak niya ngunit umiling din.
"Hindi na, Mimi. Baka kapag pumasok ako roon, mapasarap ang usapan natin, matagalan pa tuloy si Gene sa pag-uwi mamaya. Tsaka, kailangan ko na ring magmadaling umuwi. I'm preparing something for the headmaster. Hindi ko pa kasi napeperpekto, baka mapahiya ako bukas," sabi ko na lang.
Pero ang totoo? Kung papasok ako ngayon doon, baka makiusap ako sa kanilang doon na lang matulog. And I don't want to cause trouble for them lalo na't kapag nalaman ng pamilya.
"Ganun ba? Aba... exciting iyan ah! Galingan mo kasi manonood kami ng papa mo. Naku... siguradong magsisisigaw iyon doon!" Pareho kaming natawa sa kanyang sinabi.
Naging maingay yata kami kasi nagising bigla ang karga niyang si Rei.
"Why so loud, Haha?" Tanong nitong kinukusot ang mata.
"Sorry baby, Haha and Neechan were just talking something funny about Chichi. Go back to sleep na," sagot naman ng mama nito sabay hagod sa likod ng bata.
"Neechan?" Tanong nito sabay lingon sa aking kinatatayuan. He reached his tiny hand to me at wala akong nagawa kundi abutin iyon. It feels so small and so soft in my hand!
"Al you goin' to sleep beside Lei or beside Gun?" Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Mimi sa tanong nito. Hindi ako agad nakasagot at tila nawalan ako ng sasabihin.
"Please sleep beside Lei? I pwamis I'll be good. I don't pee in my bed. Gun pees in his bed. Please, Neechan?" I felt his little hand squeezed mine and I couldn't help feeling the same thing in my heart.
Napatingin ako kay Mimi in the hopes na matulungan ako kung anong isasagot sa kanyang anak.
"Oh, someone's awake..." Ensakto naman ang paglabas ni Gene mula sa loob.
"Chichi!" Tawag nito sabay bitaw niya sa aking kamay para lang magpakarga sa kanyang papa.
"Why are still awake, big boy? You should be sleeping by this time," usal ni Gene habang kinikiliti ang tawang-tawang bata.
"Chichi, Neechan will sleep with Lei! Neechan loves Lei dakala!" Biglang sambit ng bata matapos ang kilitian session ng mag-ama.
Bahagyang napatigil si Gene at napatingin sa aming dalawa ni Mimi. He lingered in my direction and gave me a sad smile.
I know.
I gave him a small smile bago dahan-dahang umiling. Alam kong hindi pwede. Kahit na gaano ko pa ka-gusto ang lumipat dito, alam kong ang pagsunod sa kagustuhan ng mga matatanda ang nakakabuti para sa lahat. I'd just have to bite my own tongue and move on.
Umalis na kami ni Gene matapos ang ilang minutong pagpapaintindi sa bata kung bakit hindi ko pa siya pwedeng tabihan ngayon. Nabalot ng katahimikan ang buong biyahe pauwi sa main house. Maging si Milo ay panay lang ang sulyap sa aming dalawa ng amo niya. Tila naninibago sa inaasta namin.
Nakasandal lang ako sa salamin ng aming sasakyan at nag-isip na lang ng ibang bagay to keep my mind off from what just happened. I started humming in my seat with the melody that I've been practicing last night for the headmaster.
Mula sa gilid ng aking mga mata, pansin ko ang paglingon ni Gene sa akin. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig. Bahagya ko siyang tiningnan at kaagad rin naman iyong nawala. Napalitan iyon ng isang malungkot na titig. Iniwas ko na lang ang aking paningin at muling isinandal ang ulo sa salamin.
Is he sorry that he can't do anything for me? I'm his daughter now pero wala pa rin siyang magawa to keep me away from our family's prison. Wala na ba talagang ibang paraan?
I just want to be normal.