Chapter 2

1891 Words
"There you are! Sa wakas at hindi ka nang-indian!" eksaheradong sumalubong sa kaniya ng beso-beso si Helaena nang makita siyang papalapit na sa kanilang puwesto. Kasama na nito si Patsy na noo'y malawak din ang pagkakangiti nang sumunod itong yumakap at humalik din sa kaniya. "Hi girls!" Gwen winked. She gently poked Helaena's . "Maka-announce ka naman ng salitang indiyan. Parang ilang beses lang naman-" "Hah! Ilang beses? Mga lima siguro, mars. Kung hindi pa ako nag-emote, nunca na nandito ka ngayon." "Oo na. Kung hindi ka lang naglilihi, e." natatawang ani ni Gwen kay Helaena. Sino'ng mag-aakala na ang dating ex-fling ng asawa ay magiging close friend niya? Sure, the woman has a bitchy attitude pero nang malaman niya ang buong katotohanan sa nakaraan nito, parang biglang naglaho na lang ang negatibong pakiramdam niya dito. "I'm starving, babes. Oorder na'ko. Nandito na si banker." Taas ang kilay na nagsimula na ngang umorder si Helaena. "Ikaw ang toka ngayon, bayad mo sa ilang beses na pag-absent. Both Gwen and Patsy chuckled. Nagkibit-balikat si Gwen. "Go ahead, hot momma. Ang kuripot mo talaga, ano? Ikaw itong super-model at malaki ang kita sa atin e. Kung hindi ka lang talaga buntis." Truth to be told, may ugali itong kuripot sa tuwing lumalabas silang magkakaibigan. Pero pagdating sa mga pasalubong nito sa kanila galing sa ibang bansa tuwing uuwi ito, fabulous naman at wala silang masabi. "I'm sorry, kanina pa din sana ako pero may nadaanan kasi akong aksidente sa tapat ng Boni. I was stucked for almost forty-five minutes. Si Rhea, hindi pupunta?" Na kay Patsy ang tingin ni Gwen. Busy ang isa sa pagtuturo ng mga pagkain. Ipinatong ni Patsy ang kaliwang braso sa arm rest ng malambot na couch bago hinarap si Gwen. "She's here na daw kanina sabi ni Laeni," sabay nguso kay Helaena. "Mukhang iyon siguro ang nirespondehan ni Rhea, mars. Iyong nadaanan mo. Hindi ko nga naabutan pero sabi nitong si Helaena, magkasunod lang daw silang dumating dito kanina. Then Rhea received a call about an accident somewhere not far." "Nauna siya sa akin, actually." Helaena said before she called the food attendant. Pinagtuturo nito ang kanilang order. Dahil isa iyon sa paborito nilang hang-out, alam na rin nito ang kani-kanilang paboritong kainin. "Baka iyon nga'ng nadaanan mo kasi narinig ko ang Boni na binanggit niya." Saglit na napaisip si Gwen. Sa pagkakaalam niya, hindi tatawagan ng presinto ang dating subordinate at kaibigan kung walang involved na krimen. She fished out her phone and was about to text Rhea when suddenly, the latter's name flashed in the screen. "Guys, si Rhea. Sagutin ko lang." Kasabay ng pagdikit ng cell phone sa kaniyang tenga ay nagkaroon naman ng sariling mundo ang dalawa niyang kasama. "Rhei?" "Kap, nasa tagpuan ka na ba?" Seryoso ang boses ni Rhea at alam ni Gwen ang malamang na dahilan kapag ganoon ang timbre ng boses nito. She still used to call her Kap or Captain dahil anito, hindi naman daw iyon basta-bastang mawawala. Ilang beses na niya itong pinagsasabihan but in the end, madalas pa rin iyong mangyari. "Where are you? May nangyari ba? Are you okay, Rhea?" Sabay na napatingin sa kaniya sina Helaena at Patsy nang marinig ang kaniyang mga sinabi. Nagtatanong ang mga mata ng dalawa pero walang nagsalita. "I'm okay, Kap. Pero mukhang kailangan nating mag-usap bukas. Baka may oras ka lang, ako na lang ang pupunta sa'yo." She answered yes to Rhea. Hindi na siya nagtanong pa ng ibang detalye pero may kutob siyang konektado iyon sa aksidenteng pinuntahan nito. After awhile ay natapos na rin ang kanilang pag-uusap. "Is she okay?" mabilis na nagtanong si Patsy nang maibaba niya ang hawak na cell phone. "Yeah, she's okay. Pero hindi na makakahabol sa atin iyon. Mukhang kailangan niyang bumalik ng presinto mamaya." Nang dumating ang mga ini-order nilang pagkain, halos mapanganga na lang sila sa nakikita kay Helaena. Ang lakas kasing kumain ng buntis. "Hey, akala ko ba, naglilihi ka? Seriously, hindi ka maselan sa pagkain?" puna ni Gwen sa super model. Helaena is engaged to her Armenian boyfriend. Mas madalas nga itong nasa Armenia at kung hindi pa nabuntis dahil kailangan ng pahinga sa pagmo-modelo, hindi naman ito mangungulit sa kanilang tatlo. Nagkibit-balikat ito bago ipinagpatuloy pa ang pagkain. Lihim silang nagkatinginan ni Patsy. Naninibago sila sa katakawan ng kasama. "O, eto pa. Kumain ka ng mabuti at baka malipasan ka ng gutom ha." Tawa ng tawa si Patsy sa sinabi ni Gwen. Umirap naman ang isa. "Halos lahat nga parang gusto kong kainin e. I felt like I was deprived for a very long time. Palagi akong gutom." "Hindi ka natatakot na masira ang figure mo?" Lumabi ito sa tanong ni Gwen. "Kind of. Pero gusto ko talaga silang lahat kainin." then her face almoat cry. Nataranra naman sina Gwen at Patsy. "Hoy, kuman ka ng maayos. Huwag mo na lang pansinin iyong sinabi namin ni Gwen. Ang mahalaga, hindi kayo malilipasan ng gutom ni baby." "Pero natatakot talaga ako sa figure ko, girls." Gwen, with an amused smile responded. "Mabuti nga iyang sa iyo, wala kang partikular na pagkaing hinahanap. Ang hirap kayang magbuntis ng may mga cravings at kung anu-ano'ng pagkain ang hinahanap. Worst, mga out of this world pa. Saka talagang lalaki ka niyan dahil kailangan mong kumain ng maayos para sa baby mo. Just think of the both of you. Kumain ka ng mabuti pero 'yung naaayon sa advise ng OB mo." "Tama. Nakita mo namang magbuntis 'tong si Gwen, di ba? Pero bilib din ako dito kasi tingnan mo ang katawan, parang hindi ngbuntis." Patsy pointed a finger to Gwen. Gwen smirked. Hinayaan niya lang magpalitan ng opinyon ang dalawang kaibigan habang pasimpleng nagtext kay Rhea. May kutob akong may kinalaman sa akin ang aksidenteng nirespondehan mo kanina, Rhei. I'll wait for your text bukas? "Ķaya nga naiinis ako kasi kapag nagpatuloy ito, hindi ako makakaganti sa babaeng 'yan." sabay turo ni Helaena sa kaniya. Sabay silang natawa ni Patsy. "Naku, kapag naaalala ko si Zack kung papa'no niya ako utusang dalhan siya ng cake na gawa sa lanzones, durian at bagoong, gusto ko talagang manapak. Gisingin ba naman ako ng madaling araw at utusang mag-bake ng cake dahil sa gusto ng asawa?Ewww, napaka-weird ng lasa. I am a frustrated pastry chef pero hindi ko talaga ma-gets ang trip nito." Ang lakas ng tawanan nilang tatlo pagkatapos. Lalo pa't mukhang sabay pa yatang rumehistro sa knilang imahinasyon ang mukha ni Zack na nasusuka habang si Gwen ay sarap na sarap noon sa gnawa nitong "cake". We'll talk it over, kap. Don't worry too much. Text back ni Rhea. "Utang na loob, huwag ko sanang danasin ang ganiyang ka-weirduhan. Vox is not here at mas maarte pa naman iyon sa akin." Asawa nito ang sikat na Armenian model din na si Vox Callagher at mukhang dalawang linggo pa bago ito bumalik ng Pilipinas. Kasalukuyang nasa France ang modelo. "Sakali naman pong manghingi ka, madam, aba'y what are our friends for? Asahan mong nandito kami para sa iyong pregnancy journey. Basta huwag mo lang paglihian ang asawa ko, we're good." Tumaas ang kilay ni Helaena, "As if I will. Kung kelan nag-asawa, mas lalo pa ngang naging suplado 'yun. Ni titigan nga ayaw, amuyin ko pa kaya? Kamuntikan na'kong mabalibag nun, no. Malay ko ba namang naglilihi na'ko. Sa'yo lang talaga takot 'yun. " "Sinabi mo pa, mars." "That's not true. Suplado din sa'kin kapag may topak. Kay Celestine 'yun hindi makareklamo." "Hindi rin, Gwen. Saksi kami ni Helaena kung gaano katakot ang asawa mo kapag nasa labas ka ng bahay. It's either he is afraid of men admiring you or takot na may makita ka na namang senaryo na magpapagising sa dugo mo." Tipid na nangiti si Gwen. Biglang pumasok na naman sa isipan niya ang isang pangyayaring kamuntikan na nilang pinag-awayan ng matindi ng asawa. It's the first time they had a heated argument at kung hindi pa nagpunta sa kaniyang opisina noon ang dalawa, Helaena and Patsy, hindi pa mapuputol ang pagtatalo nila ni Zack. And the two reasons are actually the truth. Possessive si Zack. Kung mag-sinuplado man ang isang Zack Ferguson, that is because he is a jealous man at nasanay na itong nasa mister ang kaniyang atensyon simula nang sila'y maikasal. Of course, when it comes to their children, walang reklamo ang lalaki. Pero demanding pa rin talaga sa kaniyang atensyon kapag wala ang mga bata. "Kaya I wonder kung ngayong lumalabas ka dahil sa business mo, okay ba kay Zack? Nabanggit niya kasi kay Vox na talagang ang gusto niya lang sana ay sa bahay ka na lang ninyo mag-opisina." "Did he?" wala siyang idea actually na umabot sa ganoong level ang sharing of thoughts ng kaniyang asawa at ng fiance ni Helaena. "Yes, he did. Vox even ask me kung talagang tumigil ka na nga sa pagiging part-time law enforcer. Hindi rin makapaniwala ang isang iyon na isa kang ex-cop. He said nauunawaan niya si Zack kung talagang nagalit sa ginawa mo kasi nga, hello! Nanay ka na at may asawa. May pamilya ka nang kailangang isipin na iiyak at masasaktan sakaling may mangyaring masama sa iyo sa minsang pangingialam mo sa mga krimen na nangyayari sa ating lipunan." "You better make your self away from it, mars. Alam namin kung gaano kahalaga sa iyo ang pagiging pulis pero-" "Hey," Gwen stopped Patsy. She gently smiled to them. "Of course, okay kami ni Zack. Besides, hindi ko pwedeng pabayaan si Adri ngayon dahil sa sitwasyon niya. And about that thing, minsan lang naman nangyari na nakialam ako. Talagang para kay Adriana itong pag-sub mo muna sa kaniya. She needs my help at hindi ko siya pwedeng pabayaan." Adriana, her sister-in-law, is also very pregnant. Kambal din kasi ang ipinagbubuntis nito. Gustuhin man niyang maglagi sa bahay dahil may opisina naman doon ang asawa, hindi niya rin matiis na hindi umalalay dito. Besides, gusto niya ring personal na makita ang paggawa sa kanilang mga produkto. Halos magkasabay na napahugot ng malalim na paghinga sina Helaena at Patsy. Gwen on the other hand smiled to them, but she knew in herself, she needs to do something about it. Totoo ang mga sinabi ng dalawa at kailangan niya talagamg gumawa ng paraan para mapigilan ang impulses niya. "Just don't do any stupid actions, Gwen. Alam naming magaling kang puli. Ex-cop, rather. Pero ilang taon ka nang wala sa serbisyo and for our inaanaks sake, magpigil ka naman, okay?" it was Patsy's serious tone. Nagkatinginan sila ni Helaena bago nag-iwas ng tingin ang huli. "Patsy's right, Gwen. Iba na kasi ngayon, may mga anak ka na. We understand hindi mo naman sinasadya pero kung kailangang dagdagan mo pa ng todong-todo ang pagpipigil sa impulses mo, do it." It is almost nine in the evening nang magkaniya-kaniya silang uwian. When Gwen arrived home, wala pa ang kotseng gamit ng asawa. Napakunot ang noo niya nang makitang wala itong text o tawag. Saka niya natampal ang noo. Nalimutan niyang tawagan ang asawa kaninang dumating siya sa venue nilang magkaibigan. Hay naku, bakit ba nawala sa isip ko. She tried to call him pero walang sumasagot. Ring lang ng ring ang cell phone nito. Inihinto na niya pagtawag at inisip na lamang niyang naipit pa ito sa traffic. Pauwi na rin ito sigurado.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD