bc

CAPTAIN MADRIGAL: REIGNITED

book_age18+
108
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
revenge
drama
twisted
serious
straight
expert
captain
realistic earth
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

"How do we end up like this?"

"Hindi ko rin alam. I thought what we have is eternal."

Mapait itong natawa, "Do we? Bakit pakiramdam ko, ako lang ang lumalaban? Bumitaw ka at hinayaan mo akong mahulog ng malalim."

Lumamlam ang kaniyang mga mata. Lumapit siya sa kaniya at masuyong sinapo ang mukha nito. Buong pagmamahal niyang sinabi.

"Hindi 'yan ang totoo. Kahit kailan, hindi ako bumitaw. Habang-buhay kang magmamay-ari ng puso ko. Hanggang sa mamatay ako."saka siya pinatakan ng masuyong halik sa noo bago siniil ng mapagmahal na halik sa labi.

"I will always love you. With all my heart and my soul, I love you." nanginginig ang boses, saka siya tumalikod. Napakuyom ang mga kamay ng kausap.

"Then come back to me. Come back to us!"

With a cold and bloodshot eyes, she answered. "I'm sorry."

"Gwen, don't do this. Please..." pero hindi lumingon ang babae. Deretso pa rin ang lakad habang tahimik na nagsisidaluyan ang kaniyang mga luha.

"I'm sorry, Zack. I'd rather die if this would mean saving you and our child. I will not hesitate to do it, rather than loosing you all forever. "

*****

Married life for Zack and Gwen brought happiness and fulfillment but it will not always be the case. Sure, merong tampuhan at hindi pagkakaunawaan dahil iyon naman talaga ay normal sa buhay mag-asawa and for the both of them, they always make sure they will kiss and make-up kaagad.

Pero paano kaya kung isang araw narealize na lamang ni Gwen na hindi na iyon ang nangyayari? Would she let Zack's love for her be questioned? Ayaw niya sanang umabot pa doon pero bakit kung kailan mukhang may kailangan silang pag-usapan, saka naman nagsulputan ang mga multo sa kanilang nakaraan.

When she left the title Captain Madrigal, she was sure of what she would become as Mrs. Ferguson. She wouldn't be called the "black widow" and the once fierced police woman kung hahayaan niya lang masira ng tuluyan ang pamilyang binuo at iniingatan.

This is the Book 2 of Captain Madrigal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napangiwi si Gwen nang may halos kalahating oras na siyang nakatigil dahil sa traffic. Kasalukuyan siyang nasa kahabaan ng Edsa pasado alas dos ng hapon. From Makati, she is bound to Ortigas after her very hectic schedule for the day. Nakailang meeting siya with some clients ng araw na iyon, a total of four to be exact. Trabaho dapat iyon ni Adriana pero dahil sa buntis ito sa pangalawang baby, inako niya muna pansamantala ang parteng iyon. She is more on designing and people management sa kanilang mga staff. And for the event organizing sa tuwing meron silang bagong design na inila-launch, dalawa silang magkatulong ng sister in law. Kung hindi lang talaga sa nagi-guilty na rin siya dahil sa ilang beses na niyang pang-iindiyan sa mga kaibigan, she could have been made a U-turn for her car already, at nang makasama na niya ang kaniyang mga bulilit. "Baka may aksidente?" naitanong niya sa sarili. Kumunot ang kaniyang noo kasabay nang pagdukwang sa labas ng bintana ng sasakyan. Nilingon niya ang likurang bahagi at napailing. Mahaba na rin pala ang pila kaya halos nagko-concert na ang mga sasakyan sa kaniya-kaniyang busina ng mga driver. Tsk. Mabuti nalang talaga at taglay niya pa rin ang natutuhang maximum tolerance sa pagiging isang dating alagad ng batas. Malaking bagay talaga iyon lalo pa ngayong isa na rin siyang ina ng kambal at panganay na si Celestine. "Ano kaya ang meron at ang aga namang traffic nito." she then hummed a song to divert her attention. Hindi naman Friday kaya nagtataka siya kung bakit hindi umuusad ang mga sasakyan na nasa kaniyang unahan. Unless meron aksidente na huwag naman sanang ganoon dahil wala namang ginagawa sa parteng iyon ng highway sa kaniyang pagkakaalam. Napabuga siya sa hangin. Ipinasya na lamang niyang tawagan si Manang Fely, ang mayordoma nila ni Zack. Matagal na itong naninilbihan sa mga Ferguson at nang maikasal nga sila ng sikat na basketbolista, agad itong ipinaubaya sa kanila ng kaniyang mga in-laws kahit pa nga noong una ay hesitant siyang tanggapin. Meron na rin kasing dalawang katulong sa bahay na ipinagawa ng asawa at ayaw naman niyang magpaka-senyorita. First time niyang magkaroon ng mga kasambahay. Hindi siya sanay ng nag-uutos. But in the end, ang mother-in- law pa rin niya ang nasunod. Sa lambing ba naman nito sa kaniya'y hirap siyang biguin ito. Sobrang close nila ni Madame Carmela kaya naman madalas, napapakamot na lamang siya sa kaniyang pisngi sa mga hinihiling nito. Besides, na-appreciate niya ang ginawa nitong pamimilit dahil hindi nga naman biro ang maging ina ng isang bata, ano pa kaya kung may kambal pa? "Hello po, Manang Fely," agad bati niya nang pindutin ng nasa kabilang linya ang answer button. Nakatuon sa harapan ang kanyang mga mata. "Hello, Gwen. Pauwi ka na ba?" "Hindi pa po, manang. Magkikita po kasi kami ng mga makukulit na ninang ni Celestine pero na-stuck pa ako dito sa traffic." Natawa ang matandang dalaga sa narinig. Alam rin kasi nito ang ibig niyang sabihin. "Naku, hindi ka talaga tinantanan. O, siya at kakausapin mo ba ang panganay?" Hindi pa man siya nakakasagot sa kausap ay narinig na niya ang matinis na boses ng isang batang babae. Gwen smiled with a sound. Base sa boses ng bata'y tumatakbo ito dahil nakasunod din ang boses ng yaya nitong nagsasalita. "Lesty, ay! Please don't run. Hinay-hinay lang, uy. Baka madapa ka." tunog bisaya ang accent ng yaya ng panganay pero walang problema iyon sa kaniya. Nanny Erma has been with them since Celestine was born. Kung siya nama'y okay lang na tagalog ang pagsasalita kaso ang bata kasi'y english speaking simula noong maliit pa ito. Idagdag pang Zack used to speak in english then kaya ayun at mukhang dudugo na ang ilong ng mga tao sa bahay nila. Kahit naman siya, nosebleed noong una. Maano ba'ng hindi naman siya ganoon kasi kagaling mag-ingles. "Manang, nagpunta po ba ng tree house niya kanina?" Medyo nagtatampo ang anak niya nang umalis siya kanina dahil hindi napagbigyan sa kapritso. The kid wants to go with her pero hindi naman pwede kasi kagagaling lang nito sa trangkaso. Nagkatinginan sila ni Zack. Nakaambang magsipag-hulugan ang mga luha sa matambok na pisngi ni Celestine. "I want to go with Mommy." Huminga ng malalim si Gwen. Sa ganitong mga pagkakataon, maselan si Zack at sobrang ingat nito sa mga anak lalo pa't wala pang isang linggo itong gumagaling. Umiling ang ama, "I'm sorry, sweetie. You can go with mommy after a month. You need to be fully-recovered." Napairap sa Gwen. OA talaga. Pero hindi na siya nakipagtalo dahil sa huli'y nauunawaan naman niya ang asawa. Besides, supladong mukha na ni Zack ang naka-balandra at kapag ganoon, alam na this ang susunod na kabanata. At hindi nga siya nagkamali. Hindi na inimik ng panganay ang ama kahit hanggang sa humalik ito sa kanila bago naunang umalis sa kaniya ng bahay ang asawa. "Hindi naman. Nasa kuwarto lang ng kambal at mukhang nawili sa pakikipaglaro. Kakagising lang din at humingi kaagad ng gatas at cookies kay Emma. Gwen sighed with a sound. May katabaan ang bata at nasa dietary plan sila sa payo na rin ng pedia nito. "Huwag kang mag-alala at kaunti lang ang pinabigay ko kay Emma, Gwen." "Salamat po, Manang Fely." Sa edad nitong limang taon, konti na lang at masasabihan na ang anak niyang napabayaan sa kusina. As early as possible, she wants to control her eating habits dahil ayaw niyang pagdaanan nito ang naging dilemma niya noong kabataan. Maging siya'y may pagka-obese din kasi noong elementary grades niya. "Mommmyyyy....." napaka-hyper ng kanilang prinsesa. Dinig niya ang masuyong pagsuway ni Manang Fely sa bata pati na rin ang pagpapaalala nito sa yaya na huwag lilingatan ng tingin ang bata. "Are you on your way home now, mommy?" humihingal pa ito at dinig niya pang inaayos ng nanny ang buhok nito. "Hi, sweetie. Mommy's gonna meet muna with Ninang Helaena, Ninang Patsy, and Ninang Rhea. But I will be home at no time, okay? How's your day and the twins?" "They are sleeping. I played with them earlier and they keep on laughing and laughing!" the kid then giggled. Natawa ulit ng may tunog si Gwen. How she wish she could hug her and the twins right at that moment. Celestine is so adorable so are the twins. Kaya naman halos every week ay walang palya ang mga in-laws niya sa pagbisita sa kanilang tahanan para makita ang tatlong bata. Minsan pa nga ay nagagawa pang iuwi sa mansyon ng mga matandang Ferguson si Celestine. Kinukuha at dinadala din kasi ng mga matanda ang panganay na anak ni Luke para makapaglaro ang magpinsan. While the twins would always stay with them. Ang isa kasi sa mga kambal, si Alexander, ay si Zack ang laging hinahanap bago matulog. Hindi naman makatulog si Xavier kapag wala ang kakambal kaya the rest follows. Si Celestine lang ang laging natatangay ng lolo at lola. "Manang Fely told me you asked for the cookies, anak. Nag-usap na tayo diyan, di ba?" Celestine nonetheless is an intelligent child though. Hangga't maaari ay ipinapaliwanag nila ng asawa ang mga bagay na kayang unawain ng murang isip ng bata. On this case, Gwen was able to explain what could possibly happen kapag hindi ito naghinay-hinay sa pagkain. "Yes, mommy. I'm sorry. Ninang Helaena's cookies are the best. She must be blamed for this." Umangat ang kilay ni Gwen saka natawa. Halos nakikini-kinita niyang ngumunguso ang anak, naghahanap ng exit point. "Okay, we will blame her." Sa isip ay ikukuwento niya sa ninang ng bata ang sinabi nito. She then saw the vehicles in front of her starting to move. "Sweetie, mommy needs to end this call for now. Hintayin niyo na lang kami ng daddy mamaya. Please look after the twins for me, okay?" "I will, mom. I love you." "I love you, anak. Bye." Nagsimula na ngang umusad ang mga sasakyan. About five minutes after ay may nadaanan nga siyang dalawang police mobile. Mukhang may nangyari nangang banggaan dahil sa dalawang kotseng head-on collision. Clearly, nag-counter flow ang black SUV. On the other hand, the white Innova is a total wreck. Sa isip ni Gwen, sana'y okay lang ang sakay ng huli dahil sa nakita niya, mukhang 50-50 ang chance. Bumangga pa kasi ito sa isang poste. Napapalatak si Gwen. Hindi talaga maiiwasan ang aksidente pero kung laging nasa isip ng bwat motorista ang dobleng pag-iingat, magagawa namang iwasan. She checked her wrist watch. Fifteen minutes before their meeting time. Bahagya niyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan nang maka-tsansa dahil kung hindi'y male-late talaga siya. Kaya nga siya umalis ng boutique wala pang alas-kuwatro ng hapon ay dahil sa ayaw niyang maabutan ng traffic. Sa ganitong mga pagkakataon niya naa-appreciate talaga ang maximum tolerance na nakasanayan na niya mula pa noong pinili niyang maging pulis. Marami kasi ang pwede mangyari tuwing matagal ang traffic at mainit ang ulo nga mga driver. Ilang beses na ba siyang nakasaksi ng ganoon? Mag-aaway ang mga motorista hanggang minsan kapag may dala pang baril o kutsilyo ay magkakasakitan pa. Habang nagmamaneho'y tumunog ang kaniyang cell phone. Nangiti si Gwen. Isa lang ang nagmamay-ari ng ring tone na naririnig kaya mabilis niyang pinindot ang answer button. Hindi niya tinatanggal ang wireless bluetooth earpiece dahil sa routine ng asawang umaga tanghali at hapon na pagtawag. "Hi, hon." "Hey, nasaan ka ngayon, hon?" malalim ang boses ng lalaki. Bagama't pagod, he never missed to have a check on her always. Kagat-labi siyang napangiti. Zack's voice never fails to make her tiring day complete. Alam niyang pagod din ang asawa sa buong araw na pagtatrabaho nito sa FGC bilang presidente pero hindi talaga ito nakakalimot na tumawag sa kaniya tatlo o dalawang beses sa isang araw para hanapin siya't kumustahin. Tumikhim muna si Gwen bago sumagot. "I'm on my way to Ortigas, hon. Girlfriends bonding. I texted you earlier, hindi mo pa siguro nababasa. Si Helaena kasi, ang kulit talagang babae. Nagagalit na." Gwen heard Zack talking to her secretary about some file bago siya sinagot. "Yeah, I'm sorry for that, hon. May pinahanap kasi akong files. I received it. Just now. I'm sorry, hindi ako kaagad nakatawag. Sunod-sunod kasi ang meetings," ani nito. Nakikini-kinita na niyang sumisimangot na naman ang mukha ni Zack. Lately kasi ay parang naiinis itong laging may mga meetings. Anito'y hindi ito sanay ng hindi siya natatawagan kaagad pero wala namang magawa dahil ito na ang presidente ng FGC. patuloy kasi sa pag-expand internationally ang resort at hotel chains ng FGC. She then heard Zack sighed. "Right. Hon, let's end the call first. I know you're driving. Call me right away when you arrive in the venue, okay." "I will. Sige na, tapusin mo na muna diyan at nang makauwi ka ng maaga. Sana'y maabutan mo pa ang kambal na gising. I love you." I love you more, Mrs. Gwen Ferguson." He then ended the call so quickly. Sabi na nga ba. Hindi pa siya nakakasagot ay namatay na nga ang tawag. Isa sa mga rules sa kaniya ng asawa ay bawal siyang makipag-usap sa cell phone kapag hawak niya ang manibela. Ayon dito ay hindi mawala sa isipan nito ang kuwento noon ni Dale. May isang beses kasi noong pulis pa siya'y kamuntikan nang sumabog ang sasakyang minamaneho niya nang sumalpok iyon sa center island ng highway. She's chasing a criminal that time. Bumaliktad ang sasakyan niya at kung hindi pa siya nakaalis doon kaagad, malamang ay kasama siyang nayupi nang banggain ng isang malaking truck na nakasunod dito ang sasakyan. Hindi niya iyon ikinuwento kay Zack noong magnobyo pa lamang sila but he managed to know it nang isinama nito ang kapatid minsang bumili ireregalong kotse sa kaniya. When Gwen reached their meeting place, mabilis niyang ipinark sa vacant space ang kotse. She quicky unbuckle her seat belt then hurriedly entered the resto-bar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

Dangerous Spy

read
299.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.8K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook