Chapter Nine.

687 Words
Inis na tinignan ko si Claire na walang pakiilam kung my mabulabog sya sa nakakatakot nyang boses. Kanina pa kasi sya kanta ng kanta bukod sa nakakatakot ang boses nya hindi ko pa naiintindahan kong ano ang mga lyrics . Allien din ata ang babaeng to. "Blackpink and your area... Blackpink and your area... Been a bad girl, i kow i am and i'm so hot, i need a fan. I don't want a boy, I need a man. Click clack badda ding badda boom djsjshdlsh---Ano ba flame ang bastos nito bakit mo ba tinatakpan bibig ko ha?" Inis na sabi nya. "Kumakanta ka ba? Akala ko kasi nag oorasyon ka syaka ano ba yang kinakanta mo kunti lang ang naiintindihan ko kapag english but the rest wala na. Para kang nag oorasyon, Allien ka ata eh" "Hu-whaatt? Sa ganda at sexy'ng kong ito, Ako allien? Nako Flame malabo na ata paningin mo syaka hindi ako nag oorasyon kumakanta ako ng korean songs . at kanta yun ng favorite group kong BLACKPINK" "Walang nagtatanong" Pamimilosopo ko sa kanya. "Syaka tigil'tigilan mo ang pagkanta mo ng korean korean na yan. Wala ka sa korea nasa pilipinas ka kaya ang kantahin mo ang mga tagalog. Mahalin mo ang wika mo" "Like .. Ako'y isang pinoy sa pusot'diwa.. Ganung kanta?" Natatawang sabi nya. "Oo ganun nga" Sabi ko . Natatawa syang hinampas ako sa braso but this time hinayaan ko na sya . Mukhang nasa lahi na nya ang pagiging sadista kapag natutuwa . But what if straight'in ko kaya mukha nito? tulog to sigurado. "ANJAN NA ANG BLOODKING'S" Sigaw ng kaklase namin . Kasabay ng pagtahimik ng buong klase ang pagpasok ng bloodking's . Napatingin ako sa king nila katulad ng una kong kita sa kanya wala parin emotion ang mukha nya . Siniko ako ni Claire . "Ano?" "Yung sinabi ko iwasan mo ang blood king's delikado sila" Seryoso nyang sabi. "Bakit nilalapitan ko ba sila? Diba hindi naman, Syaka bakit ba winawarningan mo ako sa anim na yan kahit sila pa ang nakakatakot sa buong mundo. Hindi ako matatakot sa kanila kaya sila ng muscle ko" Nakangiti kong sabi at tinaas pa ang braso ko . Bumuntong'hininga sya . "I'm serious here Flame" Sabi nya . "Okay fine seryoso na. Bakit sino ba yan sila dito?" Nakasimangot na sabi ko. "Sila?" Sabi nya sabay tingin sa anim . Pero ang mata ko nakafucos lang sa iisang tao na nakakuha ng atensyon ko sa simula palang . Si Yelo. "Sila ang kilalang kinakatakutan dito sa school at sa labas ng school kilala silang mga gangster's. Mahilig makipag away ang dami na nilang nakakaaway at maraming gusto silang patayin wala silang awa. Pati mga babae sinasaktan nila kilala silang walang mga puso at lalong lalo na ang king nila na si Zoreen Hans" Napatingin ako sa kanya. "Zoreen Hans?" Tanong ko sa kanya. "Yup" Sabi nya na my kasama pang pagtango. "Ituturo ko sila okay? Ayun si Nike Lim, katabi naman nya si John Lim, magkapatid sila. Panganay si Nike. Katabi naman ni John . Si Dennis Tan, katabi nya si Jerald Diaz, Tapos ayun si James Hyung and last si Zoreen Hans. Ang leader ng Blood king's, King ang tawag ng groupo sa kanya" Tinitigan ko si yelo. Gwapo talaga sya kaso kung ano ang ikini'gwapo nya kabaligtaran naman ng ugali nya. Naramdaman nya siguro na my nakatingin sa kanya kaya lumingon sya sa dereksyon ko agad akong umiwas ng tingin sa kanya at tumingin kay Claire. "Ganyan ba talaga ang ugali nya? Masyadong cold" Tumango sya . "Ganyan na talaga sya. Sayang mga gwapo sana, Kung gaano kaamo ang mga mukha nila malahalimaw naman sila makipag away at magalit. Nako lalo na pag si Zoreen ang magalit? Magtago kana mata mo lang ang walang latay sa kanya. Pero kahit ganun mababait naman sila kung mapapasok mo lang ang pader na harang na nilagay nila" "Akala ko ba masasama sila?" Nagtatakang sabi ko. Ngumiti sya sakin "Hindi lahat ng nakikita mo sa kanila ay ganun na talaga, Hindi lahat ng nakikita ng mga mata natin ay totoo" Makahulugan na sabi nya . Tumango nalang ako sa sinabi nya at hindi na umimik . ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD