Chapter Eight.

618 Words
Pumasok ako sa classroom walang pinagbago magulo at my sira sira parin na upuan . Araw araw pinapalitan ng bago ang mga upuan namin pero araw araw din nasisira . Umupo ako sa upuan ko . Lumapit ang isa kong kaklase na lalaki tinaasan ko sya ng kilay . "Ahm Flame my tanong ako, Okay lang ba?" Sabi nya. "Nagtatanong ka na tanga" Pamimilosopo ko sabay irap hindi ko sya tinignan sa labas lang ako ng bintana nakatingin . "Ano kasi.. Kailan ka ulit makikipag away?" Tumingin ako sa kanya . Anong klaseng tanong yun? Nang b'bwesit lang ata to eh. "Bakit ako makikipag away anong tingin mo sakin trouble'maker" Inis kong sabi . "Bakit hindi ba?" Tinignan ko sya ng masama kinuha ko ang ballpen sa bulsa ng palda ko. "Kung tusukin ko kaya yang dila mo para hindi kana makapagsalita gusto mo? Gigil mo si ako eh." Sabi ko sabay akto na parang tutusukin sya. Takot na umatras sya pero napaluhod din sya ng my sumipa galing sa likod nya. "Hello" Nakangiting sabi ni Claire sakin. Oo. Sya ang sumipa sa lalaki kong kaklase matapang din pala ang babae na ito . Tinignan sya ng masama ng kaklase namin pero pinanglakihan nya lang ito ng mata. "Bakit papalag ka ha? subukan mo ipapabugbug kita dito kay Flame, Gusto mo matulad kay Patricia?" Okay binabawi ko na ang sinabing kong MATAPANG SYA. "Ang bilis mo naman nakarating?" Nagtatakang sabi ko sa kanya . Nagkibit'balikat sya bago nagsalita . "Hindi na ako nakapunta sa pinuntahan ko. Nag promise kasi syang papasok sya dahil kung hindi malalagot sya kay daddy" Sabi nya. Tumingin naman ako sa kaklase namin nakatingin parin samin . "Oh bakit nanjan kapa?" Sabi ko . "Anong hinihintay mo pasko? Nako. malayo pa yun dadaan mona ang araw ng patay" Dagdag na sabi ni Claire. Tinignan ko sya pero kinindatan lang nya ako . "Bakit ba tinatanong mo kung kailan ulit ako makikipag away?" Tanong ko sa kanya. "Pupusta kami sayo pero ngayon malaki na ang mga pusta namin syaka malaki na ang balato mo" Sabi nya na parang nang co'convince sakin. "Baliw pala tong lalaki na to eh. Hoy shokoy! Anong tingin mo sa bestfriend ko MANOK na pag pupustahan nyo? Syaka anong balato? Anong tingin nyo sa kanya WALANG PERA. Sa iba nalang kayo" Sabat ulit ni Claire. Tinignan ko sya "Kailan pa kita naging bestfriend? Tanong ko sa kanya. "HAHA wag kang basag trip" Sabi nya sabay hampas sakin sa braso. Ayy. Makahampas close kami. Close kami. Kinuha ko ang isang sapatos ko na my kataasan ang takong . "Makahampas ka sakin akala mo close tayo ah. Eh, Kung ihampas ko sayo tong sapatos ko" Sabi ko at hinarap sa kanya ang my takong. "HAHA Kalma . Alam kong HOT AKO pero wag ka naman madala sa ka'hot'an ko. Grrrrrr" Sabi nya at umarte pa na parang tigre na nangdadakmal medyo labas pa ang mapuputi at pantay pantay nyang ngipin . Takas ata sa mental itong babae na ito. Mas gusto ko pang mag isa kesa magkaroon nga ako ng kaibigan . Takas naman sa mental. "Hindi pwede sa iba sya lang ang kilala namin magaling makipag away bukod sa blood king's" Sabat naman ng kaklase namin . "Hoy ikaw lumayas ka nga dito sa harap namin" Inis kong sabi. "Pero flame---" "LAYAS" Sigaw ko sa kanya . Natakot naman sya at nagmamadaling umalis . "The bad girl is ON . The bad girl is OFF. The bad girl is ON . The bad girl is OFF." Rinig kong sabi ni Claire na ginagaya pa ang tono ng boses nila Eya at Micheal V. sa lip'sync battle . Umiling iling ako . "Doon ka nga ayaw kitang katabi baliw ka" Sabi ko sabay tulak sa kanya ng mahina. "Ayaw.. Dito na ako uupo" Sabi nya ng natatawa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD