"Baba na" Sabi ni darna na nakasimangot . Sumilip ako sa bintana malayo layo pa to sa school ah.
Sinabi nya kasi sakin kanina na hindi nya ako mismo ihahatid sa school dahil ayaw nyang my makakita sa kanya na magkasama kami. Ayaw nya malaman na MAGKAPATID KAMI.
Nakasimangot na lumingon ako sa kanya .
"Malayo pa to ah" Angal ko tumingin sya sakin na nakataas na kilay .
"Wah. Ako pake , Lalabas ka o hihilain ko pa yang buhok mo palabas" Banta nya. Inis na lumabas ako sa kotse nya .
Sisipain ko sana ang kotse nya ng humarurot na ito .
"f**k YOU DARNA" Sigaw ko sa kanya .
Lumingon lingon ako . Tss. Malayo layo pa to sa school eh . Hinipan ko ang bangs ko sa sobrang inis ko .
Nagsimula na akong maglakad ng mapansin ko ang maliit na eskinita. Yun ang nakita ko kahapon ng sunduin ako ni daddy, Dahil nabuhay na naman ang pagiging curiosity ko binilisan ko ang paglalakad papunta sa eskinita .
Nang makarating ako sumilip ako sa loob sobrang dilim kahit my araw na ang dilim dilim parin sa loob . Papasok na sana ako sa loob ng my marinig akong boses .
"What are you doing here?" Lumingon ako nakita kong nakatayo si Claire sa labas ng sasakyan nya .
Tinaasan ko sya ng kilay . "Ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Wag mong sagutin ang tanong ko Flame ng isa mo pang tanong" Sabi nya.
"Wala. Titignan ko lang kung ano ang nasa loob nito" Sabi ko sabay turo sa eskinita .
My nakita akong dumaan na expression sa mukha nya pero hindi ko kaagad nabasa iyon dahil parang kidlat lang itong dumaan sa mga mata nya .
"Alam mo ba kung anong meron dito wala kasi akong nakikitang pumupunta or tumatambay manlang malapit dito" Tanong ko ulit sa kanya . Umiling sya.
"No. Hindi ko alam kung ano ang meron jan . Actually hindi ko napapansin yan since pumasok ako dito sa school. Ngayon ko lang napansin ng makita kita dito"
Liar..
Alam kong nagsisinungaling sya malakas ang pakiramdam kong my alam sya sa eskinita na ito pero ayaw nya lang talagang sabihin sakin. Bakit ba napakamisteryosa ng babae na ito sakin.
"Mala'late na tayo tara na sabay kana lang sakin" Sabi nya sabay pasok sa loob ng sasakyan nya. Hindi na ako umangal sa alok nya kasi talagang malayo layo pa ang school dito. Huling sulyap ang binigay ko sa eskinita bago sumakay sa kotse nya.
Babalikan kita. Bulong ko sa isip ko at pumasok na sa loob ng sasakyan tumabi ako kay Claire. Nakangiti sya sakin kaya ngumiti ako sa kanya ng alanganin .
Naiilang ako sa babae na ito last conversation kasi namin hindi naging maganda. Tapos ngayon kung makipag usap at ngumiti sakin akala mo close kami .
"So Flame how's your life?" Tanong nya sakin . Kahit nagtataka sinagot ko parin ang tanong nya . "Amp. okay lang" Mas lalong lumawak ang ngiti nya .
"I'm glad . Si ashlea ba kapatid mo? You know kasi pareho kayong Collins" Tanong nya ulit . Umiling ako .
"No. Nagkataon lang siguro na magka'apelyido lang kami"
Tumingin sya sakin ng matagal bago sya tumango nakarating na kami sa school at bumaba .
"Flame mauna kana my pupuntahan lang ako saglet" Paalam nya.
Tumango lang ako at nagsimula ng maglakad .
"Flame" Tawag nya sakin lumingon ako sa kanya at binigyan sya ng *bakit LOOK*
"Wag ka na ulit pupunta doon sa eskinita, Masyadong delikado doon para pumunta ka" Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya .
Naiwan akong nagtataka sa sinabi nya. Akala ko ba hindi nya alam kung anong meron doon sa eskinita? Bakit ngayon pinagbabawalan nya akong pumunta doon at sinabi nya pang delikado ang lugar na yun .
Una winarningan nya ako sa blood king's . Ngayon naman pinagbabawalan nya akong pumunta sa eskinita .
Claire Lopez sino ka ba talaga? napakamisteryosa mo .
***