COLEEN'S POV
"Woii, chill ka nga kang d'yan." Saway sa'kin ni Tricia.
Nasa supermarket kami ngayon dahil may pina-pabiling ingredients sa amin sa manong Ricky na gagamitin niya sa pag gawa ng tinapay. At simula ng maka alis kami at hanggang sa makarating na kami dito ay abot langit pa rin ang kaba ko.
Ngayon kasi ilalabas ang resulta ng entrance exam, para sa scholarship ng isang unibersidad. At hindi ko alam kung papasa ba ako, dahil hindi naman ako ganon ka talino.
"Sa tingin mo, papasa kaya ako?" Maya-mayang tanong ko habang nag tutulak ng cart.
Agad namang lumingon sa'kin si Tricia habang naniningkit ang kanyang mga mata.
"Ang nega mo, QL. Dapat ay positive ka lang palag. Kaya nga isinama kita dito para hindi mo masyadong maisip ng bongga ang resulta ng exam." Asik niya.
Bumuntong hininga ako at sinubukang ibaling sa iba ang atensyon ko, pero agad akong nadismaya dahil kahit anong pilit ko ay hindi talaga kaya. Babalik at babalik talaga sa magiging resulta ng scholarship.
"Mag tiwala ka lang sa sarili mo, ibinigay mo ang best mo kaya ang dapat mo nalang gawin sa ngayon ay mag relax at mag hintay." Aniya at kinindatan ako.
Napa ngiti nalang din ako at tahimik nalang na sumusunod sa kanya, hanggang sa makuha na namin lahat ng pinapabili sa amin ay agad na kaming pumunta sa cashier para mag bayad.
"Di'ba, Yan yung lalaki na pumunta sa bakeshop noong nakaraan buwan?" Biglang bulong sa'kin ni Tricia na siyang ikina gulat ko.
Kunot noo kong sinundan ng tingin ang itinuturo nito at ilang segundo nga lang ay natagpuan ng mga mata ko ang walang hiyang si karlos. Naka akbay ito sa isang maputi at matangkad na babae.
"Tsk... Kahit kailan talaga walang pinipiling lugar." Asik ko.
Hindi ko inaasahan ang biglang pag lingon nito sa gawi ko, dahilan para mag tama ang tingin naming dalawa. Agad na lumitaw ang Isang nakaka-inis na ngiti sa labi niya kaya't agad akong nag iwas ng tingin at nag panggap na hindi ko siya nakita..
"Tara na." Anunsyo sa'kin ni Tricia.
Tumango naman ako at agad na umikot sa bandang harap para kunin ang mga echo bag na nag lalaman ng pinamili namin.
"Coleen."
Napa tsk ulit ako ng marinig ko ang pangit na boses nito. Hindi ko iyon napansin ay dire-diretsyo lang sa pag lalakad.
"Hey, Hindi mo talaga ako papansinin?"
Agad akong huminto sa pag lalakad ng iharang niya ang katawan niya sa dinadaanan ko. Bumuntong hininga ako at tiningnan siya mula paa hanggang ulo.
"Pwede bang wag muna ngayon, nag mamadali ako. Tumabi ka!" Bulyaw ko.
Nakangiti niya akong nginusuan, bagay na mas lalong nagpa dagdag sa inis ko sa kanya. Ano bang trip ng lalaking ito at palagi akong binu-bw*set.
"Tumabi ka! Wala akong panahong makipag lokohan sayo." Muling asik ko at sinubukan siyang lagpasan.
Ngunit mabilis niyang hinarangan muli ang dadaanan ko. At doon na ako napapikit ng mariin at pinigilan ang sarili kong ihampas sa kanya itong dala-dala kong echo bag.
"Gusto mo bang halikan kita para lang makipag usap ka sa'kin?" Biglang usal niya at bahagyang inilapit sa akin ang kanyang mukha, dahilan para umatras ako.
Biglang nalukot ang mukha ko at gusto kong masuka sa sinasabi niya.
"Huwag kang mag imagine, naka inom lang ako noon kaya hinayaan kitang halikan ako. At hindi na iyon mauulit dahil kung mahahalikan mo ulit ako aba'y ang swerte mo naman. Sino ka ba sa tingin mo?" Naka taas kilay kong banat sa kanya.
Diretsyo lang akong nakatingin sa mukha niya at inaabangan ang magiging reaksyon niya, pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong nakita doon. KUNDI ISANG NGISI LANG NA PUNO NG KUMPYANSA SA SARILI.
Mayabang.....
Nang hindi na siya nag salita pa ay doon ko na siya tuluyang nilagpasan at patakbong sinundan si Tricia na nag hihintay sa labas ng pintuan nitong supermarket.
"Anong eksena yun?" Salubong niya sa'kin..
Umiling lang ako at sinenyasan siyang sumakay ma lang sa tricycle na nasa harapan namin para maka alis na kami.
FAST FORWARD...
Nang makarating kami sa bakeshop ay agad na sumalubong sa'kin ang seryosong mukha ni manang Ester. Nag taka naman ako ng bigla nitong inabot sa'kin ang isang maliit na envelope.
Ang kaninang kaba na nawala ay muling bumalik ng mabasa ako ang nakasulat sa labas ng envelope. Pangalan iyon ng unibersidad kung saan ako ng apply para sa scholarship.
"Buksan mo na." Pag singit ni Tricia ng mapansin niyang naka titig lamang ako doon.
Kagat-kagat ko ang labi ko at sunod-sunod na napa lunok habang binubuksan ang maliit na envelope. Maging ang mga tingin sa'kin nina Manang ester ay nararamdaman ko.
Agad kong ibinuklat ang isang papel na nasa loob nito, pero bago ko ito tuluyang basahin ay muli kong ipinikit ang mga mata ko ng ilang segundo.
Muli akong nag pakawala ng isang malalim na pag hinga at unti-unting iminulat ang mga mata ko.
You passed....
Hindi ako kaagad maka galaw ng mabasa ako iyon sa papel na hawak ko. At nag simulang mangilid ang mga luha sa magkabilang mata ko.
"Pasado ba?" Puno ng pag aalalang tanong ni manong Ricky.
Agad akong nag angat ng tingin sa kanya at sunod-sunod na tumango. Nang makita nito ang isinagot ko at bigla itong tumakbo papalapit sa'kin at binuhat ako.
"Sabi ko sayo e. Pasado yan." Masayang aniya at dahan-dahan akong ibinaba.
Kasunod nito ay ang pag lapit sa'kin ni Manang ester at mahigpit akong niyakap, habang si tricia naman ay nag thumbs up lang sa'kin.
"Masaya ako para sayo, ibalita mo ito kaagad sa mama mo. Tiyak akong masisiyahan siya ng husto." Bulong nito sa'kin.
THIRD PERSON'S POV
MASAYANG bumaba si Coleen sa tricycle na kanyang sinasakyan ng marating niya ang kanilang bahay. Abot langit ang ngiti nito at halos hindi na makapag hintay na ibalita sa kanyang ina ang nangyari sa araw niya.
Hawak-hawak niya ang certification na nakuha niya sa pag apply niya ng scholarship, maging siya ay hindi lubos na maka paliwanag pumasa siya sa exam. Sa sobrang excited niya ay mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Ma.... Pasado ak---
Agad na, nabitin sa ere ang sinasabi niya ng bumungad sa harapan niya ang kanyang Ina na ngayo'y dug*an.
"MA!" Malakas na sigaw ng dalaga at tumakbo papalapit sa kanyang ina.
Agad niyang hinawakan ang mukha nitong halos hindi na makilala dahil sa dami ng dug*ng naroon. Maging ang damit nito ay punit-punit at magulo ang kanyang buhok.
Ilang sandali lang ay nakarinig si Coleen ng mga yapak sa kanyang likuran, at nang lumingon siya doon ay nakita niya ang Kapatid niyang nakatingin lang din sa kanila at bakas ang pagka gulat sa mga kaya nito.
"DALHIN NATIN SI MAMA SA OSPITAL!" Walang kasing lakas na sigaw ng dalaga.
Agad na tumakbo papalapit sa kanya ang kuya niya at binuhat ang kanilang ina palabas ng bahay at sumakay sa isang taxi patungo sa malapit na ospital sa lugar nila.
Kasama ni Coleen ang Kapatid niya at pareho silang nasa labas ng operating room at hinihintay ang pag labas ng doktor.
Makalipas ang mahigit isa at kalahating oras ay bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas mula doon ang doktor na umasikaso sa kanilang ina.
"K-kumusta po ang m-mama ko?" Nanginginig na boses na tanong ng dalaga.
Nagpa lipat-lipat ng tingin sa dalawang magka kapatid ang lalaking doktor.
"Sa ngayon ay ligtas na siya, pero hindi ko masasabi kung makaka lakad pa ba siya ulit." Mahinang saad ng doktor.
Agad na natigilan ang dalaga, hindi niya alam kung paano mag re-react sa sinabi ng doktor sa kanila.
"Matindi ang natanong injuries ng inyong ina, lalong-lalo na sa hita nito patungo sa kanyang tuhod. Basag ang mga buto niya doon, labis na pambubugbog ang ginawa sa kanya." Dugtong ng doktor.
Hanggang sa mawala ang doktor sa kanilang harapan ay hindi pa din gumagalaw ang dalaga sa kanyang kinatatayuan. Tulala ito at paulit-ulit na ipino-proseso sa isipan niya ang sinabi ng doktor.
"Labis na pambubugbog ang ginawa sa kanya."
"Hindi ko masasabi, kung makaka lakad pa ba siya ulit."
"Coleen." Boses ng kapatid niya.
Hindi sumagot ang dalaga at nakakuyom lang ang kamao nito at mariing kina-kagat ang kanyang labi. Hanggang sa may malasahan na siyang d*go doon ay hindi pa rin siya tumigil.
"Kumalma ka, Coleen." Muling asik ng kanyang kapatid at sa puntong iyon ay naka hawak na ito sa balikat niya.
"PAANO AKO KAKALMA?! " Kumawala ang napaka lakas na sigaw sa bibig nito
Nang lingunin ni Coleen ang kuya niya ay nakatingin lang ito sa kanya, DIRETSYO SA MGA MATA NIYA.
"KAKALMA LANG AKO KAPAT NAP*TAY KO NA ANG HAY*P NA YON!" Muling sigaw nito.
Kahit hindi nito banggitin kung sino ang tinutukoy niya ay alam na iyon ng kanyang kapatid. Walang ibang gagawa ng ganito kundi ang kanilang AMA.
"Ipapakulong natin siya, hindi mo pwedeng gawin ang iniisip mo dahil kahit balikatarin pa man ang mundo. AMA PARIN NATIN SI--
"HINDI KO SIYA KAILANMAN KINILALANG AMA! WALANG AMA NA GAGAWA NG GANITO SA INA NG MGA ANAK NIYA! ALAM MO YUN!"
"Pap*tayin ko siya..."
TO BE CONTINUE