THIRD PERSON'S POV
Malaki ang bawat hakbang na ginagawa ng dalagang si Coleen patungo sa bahay ng kabet ng kanyang ama. Malakas ang kutob niya na nandoon ito kaya pinuntahan niya ito para kumprontahin.
Nang marating niya ang pintuan ng bahay na tinitirhan ng babae ay malakas niya iyong itinulak. At agad na bumungad sa kanyang harapan ng babae ng kanyang ama. At mas lalo lamang tumindi ang galit na nararamdaman niya, maging ang katawan niya ay nanginginig ng husto at hindi mapakali.
"Ang kapal naman ng mukha mong pumasok sa pamamahay ko ng walang pahintulot." Asik nito sa kanya at mabilis na tumayo sa kanyang pagkaka-upo.
Tiningnan ito ng dalaga gamit ang kanyang blangkong ekspresyon.
"Nasaan ang walang kwenta kong tatay?" Walang ganang tanong ng dalaga sa babae.
Bakas ang pagka gulat sa mukha ng kirida dahil sa tono ng kanyang pananalita. Halata doon na hindi niya inaasahang marinig ang ganong salita sa mismong bibig ng dalaga.
"Hindi ka ba tinuruan ng nanay mong galangin ang mag nakaka tanda sayo?" Naka taas kilay nitong tanong sa dalaga.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Coleen sa tanong na iyon.
"Dapat bang galangin ang mga katulad mong pumapatol sa may Asawa?" Sarkastikong banat ng dalaga.
Agad na nalukot ang mukha ng kirida at malakas na sinampal ang dalaga. Bahagyang tumabinge ng kanyang ulo sa lakas niyon, pero parang wala lang iyon kay Coleen at agad ding ibinalik ang tingin sa babae.
"Kaya kayo iniwan ng tatay mo dahil sa ugali niyo. Mga walang kwento! Alam mo bang pwedeng-pwede kitang p*tayin dito sa mismong pamamahay ko? Dahil trespassing ka!" Singhal nito sa kanya.
Nang marinig ng dalaga iyon ay tuluyan ng nawala ang pasensyang kanina niya pa kinakapitan. Isang-isang nawala ang natitirang emosyon sa kanyang sistema at napalitan iyon ng matinding GALIT.
Kusang umangat ang kanyang balikat at malakas na hinila ang buhok ng babae. At kinaladkad niya ito patungo sa mismong pintuan ng kanyang bahay at Wala sa sariling hinampas ang babae sa mismong pintuan. At nag dulot iyon ng malakas na ingay.
"Insultuhin mo pa ang nanay ko ng Isang beses at tinitiyak ko sayong pupunitin ko ang bibig mo hanggang sa mismong tenga mo." Mariing saad ng dalaga.
Nag angat ng tingin sa kanya ang babae. "P*NYETA KA! IPAPARATING KO ITO SA TATAY MO!" Pananakot nito sa kanya.
Bumuntong hininga lamang ang dalaga at unti-unting lumuhod para ilapit ang bibig niya sa tenga ng babae pagkatapos ay bumulong.
"Wala akong pakialam, mabuti na din ang ganon dahil ayaw kong mag pagod para hanapin siya." Bulong ni Coleen, pagkatapos ay agad na tumayo ay nilisan ang Lugar.
Nakakuyom pa rin ang parehong kamao nito at hindi man lang niyon nagawang bawasan ang galit niya kahit isang pursyento lang. Dire-diretsyo lang itong nag lakad pabalik sa ospital kung nasaan ng kanyang ina.
"Saan ka galing?!" Bungad sa kanya ng kapatid niyang si Ryan.
Hindi sinagot ni Coleen ang tanong nito at akmang lalagpasan, pero mabilis na nahawakan ng kuya niya ang kanyang balikat dahilan para matigilan siya.
"Alam kong pinuntahan mo ang babae ni papa. Sa tingin mo ba ay magkakaroon ng magandang resulta ang ginawa mo?! Mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon, QL!" Galit nitong sermon sa kanya.
Hindi nag salita ang dalaga at inalis lang ang kamay nitong naka hawak sa kanyang balikat at walang Buhay na pumasok sa loob ng kwarto ng kanyang ina.
Muling naging emosyonal ang dalaga nang makita nito ang ayos ng kanyang ina. May iba't-ibang tuning naka lagay sa katawan nito, ang mukha at magkabilang hita nito ay nababalutan ng benda.
Hindi malaman ng dalaga kung anong gagawin niya. kung tatayo ba siya o uupo sa tabi ng kanyang ina, o umalis nalang sa ospital at huntingin ang kanyang ama.
"N-nakipag hiwalay kana kase sa kanya noon ma. Bakit ka pa nakipag balikan?" Mahinang asik nito habang sapo ang kanyang mukha.
Pabagsak siyang naupo sa sahig at isinandal ang kanyang likuran sa mismong pintuan, at patuloy na pinag mamasdan ang kawawa niyang ina na ngayon ay hindi niya matukoy kung kailan magigising.
Nag simulang mangilid ang mga luha ng dalaga at mahigpit na niyakap ang kanyang sarili. Sa sobrang higpit nito ay nararamdaman na niya ang pag baon ng kuko niya sa kanyang balat. Pinag dikit niya ang kanyang tuhod at doon ay ipinatong ang kanyang noo at tahimik na humihikbi.
Samut'saring problema nagsi pasukan sa isipan niya, kung paano babayaran ang ospital, kung paano pa siya makakapag trabaho. Gayong nasa ganitong sitwasyon ang kanyang ina. Matinding pagka BIGO at pagka dismaya, dahil sa t'wing may magandang nangyayari sa buhay niya ay susunod din kaagad ang matinding problema. Katulad na lamang nang nangyari ngayon at hindi niya inaasahan na ganito ka tindi ang sakunang nag hihintay sa kanya.
KINABUKASAN, nag paalam ang dalagang uuwi muna sa bahay nila dahil kukuha siya ng gamit para sa nanay niya. Pumayad naman ang kanyang Kapatid kaya't agad din siyang umalis sa ospital at walang ka buhay-buhay na umuwi sa kanilang bahay.
Eksaktong pagka bukas niya ng pintuan ay may biglang humatak sa kanya papasok sa loob at malakas siyang itinapon sa sala, napa igik ang dalaga ng tumama ang kanyang likuran sa matulis na bahagi ng lamesa.
"P*t*ngina kang bata ka! WALA KANG KARAPATANG IPAHIYA AKO."
Galit na sigaw ng kanyang ama. Naka pikit pa din ang parehong mata ng dalaga at ang kaliwang kamay niya ay pilit na inaabot ang parte ng kanyang likod na humahapdi.
Ilang saglit lang ay narinig niya ang mga yabag ng kanyang ama papalapit sa kanya, umangat ang kanyang katawan ng hilahin nito ang kanyang buhok at pagkatapos ay sunod-sunod siyang sinampal.
Sa unang pagtama ng palad nito sa kanyang pisnge ay nakaka ramdam pa siya ng hapdi, pero kalaunan ay namanhid na ang kanyang mukha at siyang pakialam sa pananakit sa kanya ng kaniyang ama.
"WALA! KANG! KWENTA! WALA KANG! UTANG! NA LOOB!" Panunumbat nito sa kanya.
Hindi nag tagal ay huminto ang kanyang ama sa pananampal sa kanya at pabato siyang binitawan. Naka tutok lamang sa sahig ang tingin ng dalaga at nang punasan niya ang gilid ng kanyang labi ay doon niya lamang napag tanto na dumud*go na pala iyon.
Idinura ng dalaga ng ibang d*gong namumuo sa loob ng kanyang bibig. At ganun nalang ang pag silay ng isang multong ngiti sa labi niya habang pinag mamasdan ito. Hindi inaasahan ni Coleen ang biglang pag lapit sa kanyang ama at pinag sisipa ang kanyang mukha at tyan. Mabilis niyang iginalaw ang kanyang braso at itinakip niya iyon sa kanyang mukha bilang pang dipensa.
Ramdam ng dalaga ang galit ng kanyang ama, dahil bakas sa bawat sipa nito ang pang gigigil na saktan siya. Nang huminto ang kanyang ama ay bigla iyong sumigaw ng malakas.
"Sa susunod na may gawin ka pang mag papahiya sa'kin ay hindi lang yan ang aabutin mo! Kung binigyan lang kasi ako ng mama ng pera at kung hindi na siya nanlaban pa ay hindi iyon mangyayari sa kanya." Walang kaluluwang saad ng kanyang ama.
At ang mas matindi pa doon ay tumatawa ito habang binibitawan ang mga salitang iyon sa mismong harapan ng dalaga. She clenched her teeth in anger and tried to move, but the intense pain from her father's abuse made it difficult. At bigla, muli itong humarap sa kanya at tinadyakan siya, dahilan para muli siyang bumagsak sa sahig.
Her father glanced at her briefly, and when he seemed satisfied, he quickly turned his back on her. Agad na sumalubong dito ang kanyang kabet at magka akbay na lumabas sa kanilang bakuran. Pinanood ni coleen ang dalawa hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. In her extreme frustration, Coleen let out a powerful scream, thinking that by doing so, her father would finally feel her anger.
Galit na galit ang dalaga sa puntong kaya na niyang p*tayin ang kung sino mang manggugulo sa kanya sa mga oras na ito. She's cursing for his father's de*th, together with his mistress. She's cursing everyone who made her life miserable.
She cursed everyone who treat their wives and children's the way her father treated her.
At sa araw na iyon nag simula ang pag babago sa buhay ng dalaga, she become silent, calm and uneasy to talk. Sa mismong araw na iyon nag simulang maging mahirap na siya intindihin at hindi mo mababasa kung anong gagawin niya.
Too much hatred towards her father, changed her a lot.
TO BE CONTINUE