"Ms. Vargas I want you to be the new manager in this branch" Gulat kong tingin sa boss ko. Sabay nito ang palakpak at congratulate ng mga kasamahan ko sa trabaho. "Maaga tayong magc-close ngayon at mag cecelebrate mamaya" sabi ng boss ko. "Isabel congrats, ano inom naman tayo mamaya stress na stress na 'ko eh" Ngisi ni sakin ni Mara ang pinaka close ko dito sa trabaho. "Sige pag maaga tayo matapos mamaya sa pag celebration ni boss" ngiti ko sakanya. Nakatulala ako sa may kusina tila ba eto na yung hinihintay ko na maging stable yung trabaho ko na mapakita sa mga kamag anak kong kaya ko talaga buhayin sarili ko. Pero bakit ganon hindi ako masaya parang may kulang na hindi ko maipaliwanag. "Ma'am may naghahanap sayo sa dining area" sabi ng isang katrabaho ko.
Pa lingon lingon ako at hinanap kung sino ang tinutukoy niyang naghahanap sakin. Marami rami kasing tao ngayon kasi weekends madaming reservations. "Pssst! Dito harap ka sa likod mo" gulat kong tinignan ang nasa likod ko. Ngayon palang ako nakakita ng pagkagwapo gwapong lalaki. Matipuno, matikas, matangkad, mapupungay ang mata. "Ayy hello po. Ikaw ba yung nag hahanap sakin? May problema po ba sa pagka-in nyo" Utal utal kong sabi sakanya. Tinignan niya ako ng may halong pagtataka. "Mukha ba akong magrereklamo sa pagkain niyo? Eh hindi pa nga ako nakaka order" Malumay niyang sagot.
Pag tingin ko sa mesa nya tubig lang ang naroon. Tumawag na ako ng waiter at ipinakuha ang order nya. "Kung anong pinaka mahal sa menu yun yung oorderin ko, at ikaw Isay maupo ka dito at mag-usap tayo!" Aniya parang galit na nagmamando na maupo ako. "Pero sir may trabaho po kasi ako. Tsaka teka! Bat alam mo palayaw ko? Ni walang katrabaho ko nakakaalam ng palayaw ko" daing ko sakanya. Ngumisi siya at tinignan nya ako ng malalim "Sorry love naeexcite lang akong makita ka" At pagkatapos niyang sinabi yon bumagsak ang katawan ko at nawalan ako ng malay.
"Ano? okay lang ba siya? Gigising ba si ma'am ngayon? Sabi pa naman ni Isabel na mag iinom kami mamaya" sabi ng kaibigan kong si Mara. Pag mulat ng mata ko natagpuan ko nalang ang sarili kong nakahiga sa hospital. "San na yung lalaking kausap ko?" Tanong ko kay Mara. Dali dali naman akong tinignan at tinanong ng doctor kung okay na yung pakiramdam ko. "Ma'am sinong lalaki po? Nabangga ka sa glass door natin at nahimatay ka nalang bigla" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako nabangga sa glass door ng restaurant. "Sabi ni boss nextweek na daw tayo mag celebrate kasi nga baka napano kana. Pero ma'am tuloy naman tayo sa inom diba?" Ngiti niya.
Habang pauwi pinipilit kong matulog sa taxi na sinasakyan ko para makita si Ace. Gusto ko siyang tanungin anong nangyari at bakit siya napunta sa mundo ko. Bakit iba yung mukha niya sa panaginip ko at dito sa totoong buhay ko. Nung pagkabanggit niya ng love kanina halos hindi ako makahinga dahil sa hindi ako makapaniwala, na andito na siya ang lalaking mahal ko. "Ma'am eto na po yung record ng cctv sa restaurant kanina" sabay bigay sakin ng cellphone ni Mara. Nakita ko nalang sarili kong sinadyang binangga ang glass door namin sa resto. Pero bakit? Dahil ba ayaw kami pagtagpuin ni tadhana? Dahil ba hindi talaga kami puwede magkasama?