I wish I could change my fate so that I'm never gonna be lonely again cause its sucks knowing that no one cares for you.
Palagi nalang ganito. Sa tuwing malungkot ako umuulan, parang pinapaala sakin lahat ng sakit ng tadhana. Lahat ng gusto kong kalimutan at ibaon nalang sana sa limot lahat. Bakit ba kasi sa lahat ng tao sa mundo sa akin pa napunta lahat ng problema ng mga tao.
Pauwi na ako galing trabaho, at heto ako basang sisiw na sumisiksik sa loob ng jeep. "Manong bayad ho" kasabay non ay ang pag baba ko. Pag dating ko sa kanto dali dali akong naglakad para makauwi agad. "Kapagod naman 'tong buhay na 'to" bulong ko nung nakahiga na 'ko.
"Hoy Isay gumising ka nga at malalate kana" Sigaw nang best friend kong si Ara. "Bakit anong oras na ba at bakit ka na naman andito sa bahay ko?" Tugon ko sa kanya. "Bes ano kaba magkatabi lang naman tayo ng bahay tsaka halika na dito at kumain kana". Dali dali akong bumaba at tinignan ang relo. Nakita kong pinagluto niya ako ng agahan at pinag timpla ng kape.
"Bes magdala ka ng payong at mukhang uulan na naman mamaya" Talaga, ayoko na namang maging basang sisiw mamaya pag uwi baka magkasakit pa 'ko at hindi makapagtrabaho.
"Tao po? Andyan po ba si Ms. Isabel?" Napatigil kami sa pagkain at nagkatitigan ng best friend ko at nagkatawanan, dahil baka shoppie delivery na naman ito. Pag labas ko ng bahay ay gulat kong tinignan ang dala ni kuya rider na mga bulaklak at may isang maliit na paper bag. "Kuya baka maling Isabel po kayo na napuntahan" sabi ko. "Ay ma'am patingin nalang ho ako kung tama ba yung address niyo dito." Tama naman yung nakalagay pero sino ba namang magpapadala sakin neto?
Kinuha ko nalang at dinala ko sa loob.
"Huy ano yan? Sayo ba yan? Baka na fake booking ka ha!" Sabay hampas sakin ni Ara. "Hindi ah. Bayad na daw sabi ni kuya" Hinanap ko kung may resibo o may card. Para naman malaman ko kung kanino galing 'to. "Pahinga ka muna sa bahay niyo love. Bukas kana pumasok sa trabaho. I love you!" -Ace. Bumagsak sa sahig ang bulaklak na aking bitbit, at tila ba meron akong naalala. Pero hindi hindi siya totoo. Pag tingin ko sa paper bag ay may laman na gamot sa lagnat at vitamins. Para bang alam na alam nyang na basa ako ng ulan kagabie at nagkasinat nung madaling araw.
"Gurl haba ng hair ha? Kanino daw galing?" Tanong ni Ara. "Ace daw sabi eh". Isang Ace lang naman ang kilala ko at imposibleng siya 'to. "Bes pasabi kay auntie magpapamasahe ako para kasing lalagnatin ako" Sabi ko kay Ara. "Sige uwi na muna ko at sabihan ko si mama". Pagkatapos ko kumain hindi maalis sa tingin ko ang mga bulaklak. Ito kasi ang bulaklak na binibigay ni papa kay mama dati. Ininom ko ang gamot at hinintay ko sa auntie para magpamasahe.
"Hindi mo ba nagustuhan? Bat parang ang lungkot mo love?' Ace. Maluha luha ko siyang tinignan at niyakap siya. "Anong nangyari? Nababaliw na 'ba ko?" bulong ko sa kanya. "Posible pala yun love. Akala ko talaga hindi eh. Sobrang naawa kasi ako sayo kagabi kaya bago ako natulog ulit nagpabook ako ng bulakak at gamot sa address mo mismo" sagot nya. "Hindi ba sabi mo wala yung address ko dito? Pano yun?" pagtakaka ko. "Hindi ko din naman love baka pwede talaga" aniya. "Thankyou pala sa flowers at gamot love nawala naman na yung sinat ko eh" sabay halik sa pisnge nya.
"Isay gising na at ako'y tapos na." sigaw ni auntie na syang nakapag pagising sa 'kin. Dali dali akong bumangon at kumuha ng bayad sa bag ko at nagpasalamat kay auntie. "Ganon kaba talaga matulog? Para kang nagsasalita ng kung anu-ano". Oo siguro ganon ako matulog hindi ko alam. Ako lang naman mag-isa dito sa bahay na inuupahan ko. Wala na kasi yung mama at papa ko. Nawala sila nung mag 18 ako, tapos lahat ng kamag anak ko walang tumanggap sakin kasi malaki na daw ako, kaya ko na daw buhayin sarili ko.