Ivy's POV Hindi nga ako nagkamali sa narinig kong boses. Si Anika nga ang babaeng bumisita kay Giovan. Akala ko pa naman ay malinaw na ang lahat sa kanila. Na hindi na niya guguluhin si Giovan matapos ang kasunduan nila pero mali pala ako. Narito lang ako sa banyo. Nagtataka nga ako kung bakit nagtatago pa rin ako rito gayong may karapatan naman akong marinig ang pinag-uusapan nila. Unti-unti akong sumilip sa pintuan. Dahan-dahan pa ang aking pagkilos dahil ayokong makagawa ako kahit na konting ingay. "Anika, I told you. Ayoko ng makisali sa problema mo. I have my own life!" iyon agad ang narinig ko mula kay Giovan. Napanganga naman ako at napatakip sa aking bibig ng lumuhod si Anika sa harapan ni Giovan habang tumutulo ang luha. Napapikit ako. "Please... Papatayin ako ng mga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


