Ivy's POV "Bakit minadali mo naman yata ang kasal natin?" nagtatakang tanong ko pa rin. Lumipas na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makapaniwala. "It's not like that. I want you to be assured na ikaw lang ang mahal ko at gusto kong makasama habang buhay." Pareho kaming nakahiga. Nakaunan ako sa braso niya. Nakatitig ako sa mukha niya habang siya ay nakatingin sa kisame at tila ba may malalim pa rin na iniisip. Napabuntong hininga ako. "Nung umalis ka kahapon ay sinundan kita. I saw you with Anika and her family. Narinig ko ang naging pag-uusap nyo." tila ba ay bigla akong nalungkot ng maalala ko yun na naging dahilan pa ng pagpunta ko sa club. Gusto ko lang naman makalimot. Gusto kong maaliw. Ayoko na kasi ulit makaramdam ng sakit. Nasa part ako ng buhay ko na kung sino na lang an

