Ivy's POV Nang magising ako, pakiramdam ko ay pinupukpok ang ulo ko. Gustuhin ko man na imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa dahil tamad na tamad pa rin akong bumangon. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng munting hagikhik sa paligid. "Teka? Minumulto ba ako?" sa isip-isip ko. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga mumunting boses na nauulinigan ko. Na para bang may kasama ako rito sa kwarto dahil pakiramdam ko ay may nagchichismisan sa paligid ko. Nang pilitin kong imulat ang aking mga mata ay nasilaw pa ako sa ilaw. "Bakit kasi bukas ang lahat ng ilaw rito?" sambit ko pa. Tinanggal ko na ang kumot sa katawan ko at basta na lang akong tumayo habang naghihikab pa ako. "Susmaryosep!" bigla kong narinig kaya biglang nawala ang antok ko. At napatakip na lang ako sa katawan k

