Giovan's POV "Manang Emma, where's Ivy?" tanong ko agad pagkarating na pagkarating ko. "Naku, Giovan... Nag-aalala na nga ako sa batang yun. Nakatulog na nga lang si Ivion na hinahanap siya. Dis oras na ng gabi ay hindi pa siya umuuwi." nag aalala na ring saad ni Manang Emma sa akin. Nagmamadali akong umuwi dahil nga pinauwi ko lang siya na mag-isa kanina. I know it's unfair to her. Biglaan ang pagdating ng mga magulang ni Anika kaya naman hindi ko napaghandaan ang araw kanina. Alam kong lahat kayo ay nagtataka pero kinailangan ko lang magpanggap bilang nobyo ni Anika. At pagbalik ng mga magulang niya sa ibang bansa ay doon lang niya ipagtatapat ang lahat. Nabuntis si Anika ng dati niyang nobyo. Nakipaghiwalay siya dahil nalaman niyang niloloko lang pala siya nito. Kanina ay tinap

