Ivy's POV "Hindi mo ba nagustuhan ang surpresa ko?" rinig kong boses ni Giovan mula sa likuran ko. Naririto ako sa aplya. Nakaupo ako sa buhanginan at nakatitig sa papalubog na araw. Mas pinili kong mapag-isa pagkatapos ng kasiyahang naganap kanina. "Ofcourse not... Syempre masaya ako." tipid akong ngumiti ng lumingon ako sa kanya pero saglit lang yun dahil ibinalik ko rin kaagad ang mga mata ko sa kulay kahel na kalangitan. "So, why are you look so sad? Mag-isa ka lang rito. Ayaw mo ba akong kasama?" Umupo rin siya sa tabi ko kaya ngayon ay magkatabi na kami at parehong nakatingin sa kalangitan. "Hindi naman sa ayaw kitang kasama. May mga bagay lang talaga na gumugulo sa isipan ko." napatungo akong bigla. "Like what?" maagap niyang tanong. Napabuntong hininga naman ako at n

