Ivy's POV Nang magising ako ay wala na si Giovan sa tabi ko. Lumabas ako ng kwarto, bumaba ng hagdan at doon ko nakitang nakaupo si Giovan sa sofa katabi ng center table. May hawak siyang mga papeles na tila ba sinusuri isa-isa. Akala ko ba bakasyon? Pero bakit nagdala siya ng trabaho niya rito? Nang maramdaman nya ang presensya ko ay agad siyang tumayo at agad niya akong sinalubong saka ako iginiya papalapit sa kinauupuan niya kanina. Pinaupo niya ako at iniabot sa akin ang papeles na hawak-hawak niya kanina. "Here! This is all yours now. I mean, again." sabi niya. Inabot ko sa kamay niya ang papeles. Nagtataka pa akong napatingin sa kanya. "Ano 'to?" medyo nakakunot ang noong tanong ko. "Read it." aniya habang mababakas ang ngiti sa kanyang labi. Sinunod ko naman ang sinabi ni

