Giovan's POV Tulog na siya ng makarating kami sa Bolinao kaya binuhat ko na lang siya at inihiga sa kama. Hinubad ko na rin ang sandals na suot niya at inilagay ko sa shoerack. May sarili akong bahay-bakasyunan rito. May caretaker ako pero pinauwi ko muna sa kanila dahil sabi ko ay mag-i-stay kami rito ng ilang araw. Sa isang araw ko pa pinapasunod si Ivion kasabay ng aking gagawing surpresa kay Ivy. Sa pagkakataong ito ay gusto ko na siyang maging masaya. Naging tanga ako ng bigla ko siyang iwan ng walang paalam. Inaamin ko na nasaktan ako sa nalaman ko noon pero alam kong nagawa niya lang yun dahil sa utos ng hangal ng Bradley na yun. At alam ko rin na bago pa man yun ay totoong pagmamahal na ang ipinadama niya sa akin noon. Pina-imbestigahan ko na rin ang pinagtrabahuhan niya

