Ivy's POV "Cancel all my appointments tomorrow." Tahimik ako sa table ko ng bigla niyang ayusin ang lahat ng folders sa table niya. "But how can I cancel this?" secretary ako pero hindi ko pa rin kabisado ang lahat ng iniuutos niya. "Okay, I'll do it." saad niya kaya nagkibit balikat na lang ako. Siya na mismo ang nagpunta sa table ko at pinakialaman ang computer ko roon. "Done! Let's go!" hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako palabas ng opisina. Mabuti na lang at naabot pa ng isa kong kamay ang shoulder bag ko. Kundi, naiwan ko rin iyon. Pinagtitinginan kami ng mga empleyado ngunit wala naman siyang pakialam. Siya nga walang pakialam, ako pa kaya? Tss! Nilampasan namin ang mga empleyado. Napakasuplado niya! Hindi man lang marunong magpaalam at bumati! Akala ko ay lalaka

