Chapter 2: Finding!

2132 Words
Giovan POV Nang magising ako ay wala na ang babaeng nakaniig ko kagabi. She leave me no trace but the red stain left on the bed. In fact, I was the first man she offered her femininity to. I can't remember what she looked like because all I know is how she made me happy. I remember her vital statistics. But I didn't remember her face. Fuck! She is so damn sexy! The only thing I remember about her is her black snake tattoos below on her navel. I she a part of something? A gang or what? Hindi ako makapagtrabaho ng maayos sa opisina ko dahil hindi siya mawala-wala sa isipan ko. Nagmamadali akong tumayo mula sa swivel chair ko at kinuha ko ang coat ko saka ko isinuot. "Jazz! Cancel all my appointments today!" utos ko sa secretary ko. "But sir you have a meeting with Mr. Cheng today! Napakahirap pong kunin nang schedule niya-" Pinutol ko na ang sasabihin niya. "Then kunin mo ulit! Do you understand?" Pasigaw na utos ko. Napayuko ito pagkakasabi ko noon. "Okay, Sir Simon." I can feel the disappointment in her voice pero wala akong pakialam dahil sekretarya ko lang siya at ako ang Boss niya. Kaya ako ang dapat na masusunod. "Okay Good. I really need to go now." Iniwan ko ang sekretarya ko habang nakatayo at hindi na rin naman ito nagsalita. Yumuko na lang at pinanood ang pag-alis ko. Kailangan kong bumalik sa bar na iyon kung saan ko siya nakita kahapon. I need to see her immediately! Para bang mababaliw ako kung hindi ko siya matatagpuan ngayon. I use my private elevator para mabilis akong makababa. Pagkarating ko sa ground floor ay pumunta ako kaagad sa parking lot. Pinindot ko ang susi ng kotse ko para mabilis na maunlock ang pintuan niyon. Sumakay ako at pagkatapos ay agad kong pinaharurot ang aking sasakyan papunta sa lugar na hindi mawala sa isipan ko. That meeting with Mr. Cheng is the last meeting ko sana for today para makumpleto ang isa sa mga assets ko sa isang kumpanya pero makakapaghintay pa naman iyon. Mr Cheng is the only way para makuha ko ang ilan sa mga shares ng pinagtatrabahuhan niyang malaking kumpanya. Kapalit ng malaking halaga ay agad ko siyang napapayag sa gusto ko. "Napakalaki talaga ng nagagawa ng pera," sabay taas ng isang sulok ng labi ko. Pagdating ko sa tapat ng SG Club ay mabilis kong ipinark ang aking sasakyan at agad na pumasok sa loob. Wala pang masyadong tao ng makarating ako dahil almost five o'clock pa lang ayon sa pambisig kong relo. Nakita ko agad si Dante.Nagpupunas-punas ito sa ibabaw ng counter bar kung saan siya nakapwesto kahapon. Inaayos ang bawat hilera ng alak sa kung saan dapat ito nakalagay at by level din iyon. Nang mapansin niya akong papasok ay agad niya akong kinawayan. And I do the same thing to him. Umupo ako sa isa sa mataas na upuan na para sa mga customer at pinagsiklop ko ang aking mga palad habang nakapatong sa ibabaw ng bar counter. "Bakit parang ang aga mo yata ngayon, Sir Giovan?" bungad na tanong niya. Well, napaaga talaga ako ngayon dahil kadalasan ay 10 or 12 ako ng gabi pumupunta dito para magpainit ng katawan. Lalo na kapag badtrip ako sa aking mga tauhan o kaya naman ay sa opisina. "Hmm. May kailangan lang akong hanapin. And I think matutulungan mo ako?" I ask him surely. "Basta kaya ko Sir, Hindi kita tatanggihan dyan," he said. I smiled secretly. "Thank you, Dante. Kaya sa'yo ako, eh," sabay tapik ko sa balikat niya dahil medyo nakayuko din siya sa may pwesto ko. Luminga linga ako sa paligid. Nagbabaka sakaling makikita ko agad siya kung dito man siya nagtatrabaho pero wala akong makitang kagaya niya. I think she's different from my eyes at sigurado ako kahit hindi ko natatandaan ang hitsura niya ay makikilala ko kaagad siya. Numero uno na ay ang kanyang mapula at manipis labi dahil iyon lang ang kita ko nung nakamaskara siya. Her eyes was so expressive. Makapal ang pilik mata at may pagka-singkit. "Is she here?" I asked to Dante "Sino po, Sir?" he asked me too. "The girl who served me a drink last night?" I asked again with a confusing tone. "Ah... Siya po ba? Sa totoo lang po, Sir Giovan. Kagabi ko lang din siya nakita dito. Sa tingin ko po ay sumideline lang po siya kagabi, extra work, ganun po. Hindi ko na po kasi siya nakita nung pabalikin ako ng Boss ko kanina." Pagkukwento niya. Napakunot naman ang noo ko. "Sideline? You mean hindi talaga siya dito nagtatrabaho?" Naguguluhang tanong ko. "Opo, Sir Giovan." Tipid na sagot nito sa akin. Is he telling me the truth? Fvck! I had a bad feeling with this. Nagsasabi kaya siya ng totoo sa akin. Napabuntong hininga ako. I'm so frustrated right now. "But in case of? May naiwan ba siyang record? Name, Address? or contact number?" I'm so desperate right kaya sana isa man sa mga nabanggit ko ay meron sila. "Wait, Sir. I will check the log book," he said. Napahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng kaunting pag-asa. Pero, bakit parang nabuklat na yata niya ang lahat ng pahina sa log book nila ay wala pa rin siyang nakikita? "Ano? Meron ba?" Excited na tanong ko. Parang gusto kong agawin na lang sa kanya ang log book at ako na lang mag-isa ang hahanap niyon. Pero anong hahanapin ko? Ni pangalan nga niya ay hindi ko alam. "I'm sorry, Sir. Pero wala pong naligaw na ibang pangalan dito. Kilala ko po kasi ang lahat ng pangalan na nakapirma sa log book na ito," Paliwanag pa niya. "Sigurado ka ba?" I asked him again surely. "Yes po, Sir Giovan," siguradong sigurado siya sa sagot niya. Bagsak balikat akong napabalik ng upo sa mga upuan na nakahilera sa bar counter. How can I find her? At paanong walang kahit na anong record ang babae na yun? Paano siya nakapagtrabaho dito kung hindi pala siya empleyado dito? Nakakatatlong shot na ako ng alak na paborito ko nang may dumating na isang grupo. May lalake at may babae. Masayang nagtatawanan ang mga ito ng umupo sa isang mahabang sofa. Pero may isang babae ang nakaagaw ng atensyon ko. The way she walk. The way she talk. The way she smile. Oh God! Naghahallucinate na yata ako dahil bawat babaeng makikita kong lalapit sa akin, ang iniisip ko na kaagad ay siya na ang nakaniig ko kagabi. Umupo siya malapit sa tabi ko at umorder ng lady's drink. "s*x on the beach, please!" Sabay kumindat ito sa waiter. I mean fvck! Kinindatan nito si Dante! Pakiramdam ko ay nagseselos na agad ako kahit hindi pa naman ako sigurado kung siya nga ang babaeng hinahanap ko. "Right away, Ma'am!" Ani Dante at nagtimpla na kaagad ng alak. Nagpakitang gilas pa talaga, kinindatan lang ng isa. "Your s*x on the beach is ready, Ma'am!" Ibinigay ni Dante ang inorder nitong inumin. Agad naman nitong inabot, ngumiti ng matamis at nagpasalamat kay Dante. Tumingin naman ako kay Dante na halatang kinikilig. Tss! Kalalaking tao, kinikilig! Sa isip-isip ko. Nakatingin lang ako sa babae habang hinahalo ng straw niya ang inumin na inorder niya. Maya maya ay hinawakan na niya ng maayos ang straw at dahan-dahang sinipsip ang alak gamit ang straw. Nakatingin ako sa lalamunan niya habang nilalagok niya ang alak. Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok kaya naman umorder ulit ako kay Dante ng isang Jose Cuervo special. Inisang lagok ko lang ulit iyon. Hindi ko mapigilan ang sulyapan ang babaeng katabi ko at titigan pero parang wala lang ang presensya ko sa kanya. Wala lang ba talaga o sinasadya niyang hindi ako pansinin dahil obvious na obvious sa akin na nagpapapansin ako sa kanya. Kung sa ibang babae malamang ay inaya na ako kung saan pero siya, dedma? Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Napakaganda niya. Ang medyo singkit niyang mga mata at natural na makapal malantik niyang pilikmata. Matangos ang maliit ngunit pointed na ilong. Makinis at mamula-mulang pisngi ganun din ang manipis at sa tingin ko'y napakalambot na labi. Like, I can't stop looking at her. Para bang gustong-gusto ko na kaagad siyang halikan at angkinin ngayon pa lang. Napatingin naman ako sa grupo na kasama niyang pumasok kanina lang. May kanya-kanya itong mga partners. Siya lang siguro ang wala kaya humiwalay siya sa mga ito. Well, pwede naman akong maging partner niya ngayong gabi kung gugustuhin niya. I smirked. I start a conversation with her. "Hi!" I said. Tumingin ito sa gawi ko. Simpleng ngiti lang ang isinagot niya sa akin. "May I know your name?" Agaw ko ulit sa atensyon niya. Hindi ako pupunta dito kung wala akong mapapala. Ngayon ay humarap na siya sa akin ng tuluyan at tumingin ng diretso sa aking mga mata. "You really wanna know me, huh!" she said as she raised her one eyebrows. Pinakatitigan ko ang kanyang mga mata at inalala ang mga mata ng babaeng kasama ko kagabi. The one last night has a fierce eyes. But the girl in front on me has a dark awra. But their lips are same. Sa isip ko pa lang ay gustong gusto ko nang sipsipin ang mga labi niyang bahagya pang nakaawang pero naka-taas ang kabilang sulok ng labi niya. "Yeah, I really wanna know you..." Pero hindi na niya ako pinansin at ibinalik na ang atensyon sa ladies drink na iniinom niya. Matapos nitong maubos ang kanyang inumin ay tumayo na ito ng tawagin siya ng isa sa mga kasama nya. "Jane! Come here!" "Oh! Reaaly? Her name is Jane," sabi ng nagdiriwang kong isipan. Pero bago ito umalis ay iniabot niya ang isang kamay niya sa akin. "My name is Ivy Jane. But you can call me Jane." Nakangiti nitong pakilala. Tila ba natulala pa ako sa mukha niya pero ng makabawi ako ay agad kong inabot ang kamay niya with my two hands. "I must prefer, Ivy." Masuyo kong hinalikan ang kamay niya. "Well, It's up to you, My dear." She said in a seductive tone. *** Ivy's POV Pagkapasok ko sa club ay humiwalay agad ako sa mga kagrupo ko ng makita ko ang tunay kong target. He is here. As usual nakasuot ulit ako ng fitted black Jeans with white sando na pinatungan ng black leather jacket. This is my everyday outfit. Dala ko ang aking Ducati para mas mabilis akong makakauwi mamaya. Sinadya kong umupo sa one seat apart mula sa kanya ng sa ganun ay hindi masyadong halata na lumapit talaga ako sa pwesto kung nasaan siya. Sa totoo lang ay medyo masakit pa ang nasa pagitan ng mga hita ko pero kaya ko naman tiisin dahil hindi naman ako mahinang babae. I want to teased him. At mukha namang epektibo ang ginagawa ko dahil masyado na siyang nagpapapansin sa akin. In my peripheral vision ay madalas siyang tumitig sa akin habang ako ay patay malisya lang. "Ganyan nga, Giovan!" Mahulog ka sa patibong ko. Sa totoo lang ay hindi pa masyadong maayos ang paglakad ko dahil sa nangyari samen kagabi but I can manage naman. Hindi ko inaasahan na magiging ganun lang kadali ang pagsuko ko sa bataan ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa kagagahan na ginawa ko. Wala sa plano ko ang ibigay ang p********e* ko sa kanya pero para akong nahipnotismo ng isang demonyo na lahat ng i-u-utos niya ay susundin ko. I really hate him! Really do! Masyado lang akong nadala ng paghihiganting binabalak ko. Pagkatapos kong ibigay ang pangalan ko sa kanya ay tumayo na ako at lumapit na sa grupo ko. Wala rin akong balak magtagal. Gusto ko siyang mas lalong masabik sa akin. Gusto kong mas lumalim ang kagustuhan niya na makilala pa ako. Alam kong may hinala na siya na ako ang babaeng nakasama niya kagabi. But I want to gave him my information little by little. Pagkatapos kong magpaalam sa grupo ko ay lumabas na ako sa club. Pasakay na ako sa Ducati ko ng may tumawag sa pangalan ko. "Ivy!" Yeah... I know it's him. Hindi ko pinansin ang tawag niya at inistart ko agad ang motorsiklo ko. Binomba ko ito ng dalawang beses bago tuluyang pinaharurot. Wala akong panahon na makipag-chikahan sa kanya ngayon. Maybe some other day kapag talagang handang-handa na ako. Pagkauwi ko sa bahay ay naligo lang ako para maibsan ang malagkit at mainit na pakiramdam ng katawan ko. Nagbihis ako ng pantulog saka nahiga. Kailangan ko ng magpahinga para bukas ay maging ready ako sa susunod na gagawin ko. Ipinikit ko ang aking mga mata ko pero muling sumagi sa isip ko kung paano niya ako angkinin ng gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD