Chapter 3: Pagtatagpong Muli

1762 Words
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ini-off ko iyon saka bumangon na ako at dumiretso sa banyo para makapaghilamos at toothbrush. This is my morning routine and after that bumaba ako sa kusina at nagluto ng aking makakain. I cooked bacon, ham, and hotdog. Naghiwa ako ng kamatis at lettuce na binili ko pa kahapon. Saka kumuha ako ng tinapay at mayonaise. Ginawa kong sandwich. Itinaas ko ang ang paa ko. Pumantay ang tuhod ko sa balikat ko at kumagat ako ng malaki sa sandwich na ginawa ko. "Hmm Yummy!" I murmur. Palaging ganito lang ang kinakain ko sa umaga. Hindi ko na inaabala ang sarili kong magluto pa ng masustansyang pagkain dahil ako lang naman mag-isa ang tao dito sa bahay. Pagkatapos kong kumain ng almusal ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. I need to get ready. Ilang minuto pa akong nakatayo at nakatitig sa salamin sa banyo. Pinag-i-isipan ko na mabuti ang aking gagawin para mamaya and after a minute of staring at the mirror ay dumiretso ako sa bathtub para ibabad ang aking sariling katawan. Sandaling pumikit para magmuni-muni. "Ano bang dapat unang gawin para makuha ang tiwala ng isang tao?" Sa isip isip ko habang nakapikit ako. "Buwis buhay?" Handa ba akong ibuwis ang buhay ko? Unti-unti akong nagpadulas sa bathtub at inilubog ang buong katawan ko sa tubig. Sandali kong pinigil ang hininga ko saka umahon na ulit. Pagkatapos kong linisin ang buong katawan ko ay tumayo na ako, inabot ko ang tuwalya at ibinalot sa aking hubad na katawan. Lumabas sa banyo saka nagpahid ng lotion sa katawan at pinatuyo ang buhok gamit ang aking blower. Sa klase ng trabaho ko ay kailangan laging mabilis ang kilos ko. Hindi pwede ang babagal-bagal. I put a light make up on my beautiful face. I wear my dress that I usually wear everyday. Halos iisa lang ang hitsura ng mga damit ko. Para na nga akong emo kung matawag dahil halos puro itim lang ang kulay ng mga isinusuot ko. Yung mga sando at spaghetti strap lang ang naiiba dahil ipinapanloob ko iyon palagi sa black leather jacket ko. Isinuot ko ang black boots ko and the "Tada!" ready na ang outfit ko. Nagmukha tuloy akong cowgirl sa probinsya, kulang na lang ay malaking cow hat. Dahil umaga ngayon at mainit ang sikat ng araw sa balat ay kotse na lang muna ang gagamitin ko. Ngayong araw ay sisimulan ko ng gawin ang unang plano ko. NAKATANAW ako sa mataas at malaking building ng GVS corporation. Bahagyang nakapikit ang mga mga ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. "Ayan na siya!" Gilalas ko. Nang makita kong palabas na siya ng building niya kasama ang sekretarya niya ay pasimple akong naglakad papalapit sa kanya at nagkunwaring busy at may hinahanal sa loob ng bag ko. "Oopps! Sorry," kunwari ay hindi ko siya nakita ng mabunggo ko siya "Ivy?" gulat niyang tanong. "Oh! Mr. Giovan? Look I'm so sorry, I-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na niya ang pagsasalita ko. "No, It's okay. In fact we're same busy at hindi tinitingnan ang dinadaanan kaya nagkabungguan tayo," Siya pa itong hindi magkaintindihan sa pagpapaliwanag kaya ngumiti ako ng bahagya sa kanya. "Hmm... Sir? Mala-late na po kayo sa meeting nyo." Her secretary said. "Ow, you must be late, so, I'd better go? Nice seeing you again, Mr. Giovan," paalam ko sana pero pinigilan niya kaagad ako. "W-wait!" huminto ako at itinago ang mapaglarong ngisi sa aking labi. I know, he can't resist my charm. "Jazz, cancel all my appointments today and resume it tomorrow. Okay?" "P-pero Sir!" angal pa ng sekretarya niya. "No buts. Okay?" Ma-awtoridad na sabi niya. Tila hindi naman magkaintindihan ang kanyang sekretarya kaya agad itong sumagot sa kanya. "O-okay, Sir." Napakamot nalang sa ulo ang sekretarya niya saka umalis at sa tingin ko ay babalik na sa loob ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kung ako ang sekretarya nito, mag-re-resign nalang ako. Ang hirap kaya kumuha ng appointment sa ibang tao tapos icacancel lang ng mokong niyang amo. Well, pabor din naman sa akin ito. Kaya bahala na silang dalawa diyan. Pagka-alis ng sekretarya niya ay ako naman ang binalingan niya. "Would you mind eating lunch with me? My treat!" Aya pa niya. Napatingin naman ako sa pambisig kong relo. "Lunch? 10 am palang, ah?" I chuckled. He cleared his throat before he speak. "Hmm... What I mean is... early lunch? O kaya naman meryenda. If you want?" Patanong pa iyon at talagang naninigurado kung sasama ba ako o hindi. Nagkibit balikat ako. "Okay." Simpleng sagot ko. Nakita ko naman ang ngiting tagumpay niya pagkatapos ay ipinagbukas na agad ako ng pintuan ng kotse at nang masiguradong maayos na ang pwesto ko ay umikot na siya sa kabilang bahagi ng sasakyan, sumakay na at pinaandar na ang kotse. Wala naman akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Habang nasa byahe ako ay kung anu-ano ang itinatanong niya sa akin. Para tuloy akong nag aapply ng trabaho dahil panay ang interview niya. Like, kung ilan taon na ako, kung saan ako nagtatrabaho at kung saan ako nakatira and etc. And Last na itinanong niya ay ang mga magulang ko bago huminto ang kotse niya sa tapat ng isang Italian Restaurant. Well, iba ang last name na ginagamit ko kaya hindi niya malalaman na ako ang nag iisang anak ng ninakawan niya ng kumpanya. I really, really want to know kung bakit niya ginawa ang ganung bagay. Pero hindi pa sa ngayon. Pagpasok pa lang namin sa restaurant ay may lumapit na kaagad sa amin na isang babae. Nakauniform ng pang waitress at posturang postura. "A table for two," Giovan said. Tumango naman agad ang babaeng waitress. "Okay, Sir. This way," pinasunod niya kami sa kanya at dinala kami sa bakanteng table. Ipinaghila pa niya ako ng upuan bago ako maayos na pinaupo. "Thank you," I mouthed." Binigyan kami ng waitress ng tig-isang menu. I ordered pasta and he ordered fetuccini. Hindi pa man dumarating ang order namin ay naramdaman kong nagvi-vibrate na yung phone ko. Hindi ko muna iyon pinansin dahil nakita kong pabalik na ang waiter dala ang inorder namin. Nagsimula na kaming kumain. "So, how's the food?" he asked. "It's delicious." tipid kong sagot. "Great! You like it here." Sunddenly, my phone's beeping again. Pasimple kong binuksan ang text message sa phone ko. I rolled my eyes nung mabasa ko ang nilalaman ng mensahe. "We're here, babe" Sabi ni Raymond sa text. Malandi talaga tong mokong na 'to. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili. Alam kong buwis buhay ito pero kailangan ko itong gawin para tuluyang makuha ang tiwala niya. I just give my go signal. Pumikit ako at niyakap si Giovan. Kasabay ng putok ng baril. Tinamaan ako sa braso. "The f**k!" sigaw niya. Nagkakagulo ang mga tao. The security searching the area. But my people was too smart. Nakaalis na sila in just one click na walang nakakahalata sa kanila. "Don't move!" utos ko sa kanya. Nang binalak nyang buhatin ako. Tinitiis ko ang sakit, knowing na ako naman ang may pakana ng lahat ng ito. "No! I'll take you to the Hospital," tumayo agad siya at bubuhatin na sana ako. "No! I can take care of myself!" Pagmamatigas ko. Pero ng makita ko ang tama ko sa braso ay medyo malalim pala iyon ay panay ang tulo ng dugo. f**k you! Raymond! Ang sabi ko daplis lang! Pero bakit sapul na sapul ako? Balak ba niya akong patayin ng tuluyan? Pinunit ni Giovan ang polo niya at itinali sa braso ko. Walang sabi-sabi ay binuhat na niya ako at nagmamadaling isinakay sa kotse niya. Bantay sarado ng dalawang body guard niya at ilan pang mga gwardya ay maayos na nakaalis kami sa restaurant na iyon. Hindi ko napansin na bodyguard niya pala ang nakasunod sa likuran ng sasakyan namin kanina. But my plan was successful. Mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan. "Hold on! okay?" Hindi naman ako makasagot dahil napapangiwi ako sa sakit. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng dugo. Mapapatay talaga kita, Raymond! Dinala niya ako sa pinakamalapit na Hospital. Inasikaso naman agad ako ng mga nurse at Doctor na naroroon. Nilapatan agad ng first aid at pampatigil ng pagdurugo. Malakas ako, nuh? Marami na akong pinagdaanan na ganito. Hindi na ito bago sa akin. Tinurukan na nila ako ng anesthesia para hindi ko maramdaman ang pagtahi nila sa balat ng braso ko dahil medyo malalim ang tinamo kong sugat. After those stitches ay pinahiga na nila ako dahil aantukin daw ako. Epekto daw yun ng anesthesia pero maya-maya din daw ay magigising na rin ako. NANG magising ako ay nasa tabi ko pa rin si Giovan. "Hey! How are you feeling?" he asked hurriedly ng makita niya na gising na ako. "I'm okay now," ngumiti pa ako ng bahagya para itago ang sakit sa braso ko. Ayoko ng may nag aalala sa akin. I don't like symphaty, either. "Good for you. I'm sorry. I know I-It's my fault!" sisi niya sa kanyang sarili. Itinaas ko ang mga kamay ko at hinawakan ang mukha niya. "Don't worry. I will be okay. You know what? I can be one of your bodyguards. I feel like, I wanted to protect you all the time." Napanganga naman siya sa sinabi ko. Ang cheesy ko ba? Well that was also part of my plan too. Ayokong mapahiya kay Bradly, nuh! "Okay! Be with my sides all the time. Starting tommorow. You okay with that?" seryosong sabi niya. "Yeah. I like the Idea." As in ganun lang kadali yun? Tipid akong ngumiti. Mapait na ngiti. "Thank you for saving me. I mean, for saving my life... Pero pano mo pala ganun kadaling nakita yung assasin?" He asked me out of curiousity. Napakagat ako sa aking ibabang labi. "I saw a red lazer. Maybe you're to busy talking to me kaya hindi mo iyon napansin," alibi ko. "I'm sorry, nadamay ka pa. Pati tuloy ikaw nalagay sa peligro ang buhay. Mabuti na lang at sa braso ka lang tinamaan. Kung mas malala pa dun, baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko. I've been so guilty bacause I brought you there-" "No worries! Can't you see? I'm okay now." I chukled. "Yah, I can see that," pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa lips ko. Kita ko ang malalim na paglunok niya kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. How does it feel being near to your enemy? Ivy Jane? Well, not really good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD