Nang makalabas ako sa Hospital ay naisipan ko munang dumaan sa hideout namin. Gusto pa sana ni Giovan na ihatid ako pero nagmatigas ako at hindi ako pumayag sa gusto niya. Nagdahilan na lang ako na susunduin ako ng driver ko, Which is, si Raymond lang naman. Ang malandi kong kaibigan.
"Is he really your driver?" tanong pa niya sa akin habang nakakunot ang noo ng makita si Raymond na naghihintay sa lobby. Nagtataka siguro siya kung paano ko naging driver si Raymond. Paano? Hindi naman kasi mukhang driver si Raymond. Gwapo na macho pa!
"Hmm yeah! On call driver ko siya. Hmm, you know, in case of emergency like this." Kibit balikat ko. Tumayo si Raymond para sana alalayan ako. Pinanlakihan ko naman siya ng mata para ipaintindi na doon na lang ako hintayin da parking lot. Agad naman siyang sumunod.
Hindi ako iniwan ni Giovan hanggang sa maihatid ako sa kotse ni Raymond.
"Okay. Bye. See you tomorrow," paalam pa ni Giovan. Naalala ko tuloy yung kotse ko na nasa ground floor ng company nila. Di bale, ipapakuha ko na lang iyon sa isa sa mga tauhan namin. Sumakay na ako sa unahan katabi ni Raymond at kumaway kay Giovan. Kita ko sa side mirror na nakatayo lang siya habang nakatanaw sa papalayo naming sasakyan.
"Very protective, huh!" natatawang sambit ni Raymond.
I glared at him. "f**k you! Alam mo bang muntik mo na akong mapatay dahil sa ginawa mo? Sinabi kong daplis lang, pero ano itong ginawa mo? Halos putulin mo na ang braso ko!" gigil na sabi ko habang siya ay natatawang pasulyap-sulyap lang sa akin habang nagmamaneho.
"Hey easy... Kung mild lang yan ay baka magtaka siya. Kaya medyo nilaliman ko ng... Konting konti lang naman. Look oh! Buhay ka pa naman babe, kaya wag ka na magalit."
"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan!" inis na sabi ko. Bwisit na 'to. Inuubos yata talaga ang pasensya ko. Humalukipkip ako at sumimangot na lang sa buong duration ng byahe. Although ramdam ko ang pagkirot ng sugat ko dahil hindi pa rin ito tuluyang naghihilom.
"Hindi ba kumikirot ang sugat mo?" he asked.
"Medyo nga e," sabay himas ko sa nakabenda kong braso. "Gago ka kasi! Tsk! Ayan tuloy! May ilang araw pa siguro ito bago tuluyang gumaling," maktol ko.
Pansin kong hindi na siya nagsalita at nanahimik na. Ganito talaga kami pag mag-kasama. Para kaming mga aso at pusa kung magbangayan.
"So, how was the plan? Is it good?" sumeryoso na siya.
"Hmm, yeah... I think so, pumayag kasi siya kaagad na maging body guard ako."
"Really? Ganun mo lang kadaling nakuha ang tiwala niya? Na kahit buhay niya ipagkakatiwala niya sayo?" mahabang komento niya.
"Well... Not sure pa sa tiwala. It's because of my charm, I guess kaya ganun na lang siya kabilis na pumayag." pagmamayabang ko naman kay Raymond.
Natatawa namang pailing iling na lang siya sa akin. "Well, that's my Ivy!"
I rolled my eyes. "Tsk! I'm not yours!"
Natigil lang ang bangayan namin ng makarating na kami sa hideout namin. Inalalayan niya ako pababa hanggang sa makarating kami sa opisina ni Bradly.
"Hey man," sumaludo si Raymond kay Bradly. Tinanguan lang siya ni Brandly at sa akin na itinuon ang atensyon.
"Kamusta, Ivy? Okay na ba yang braso mo?" Tanong niya sa pagkatapos sulyapan si Raymond.
"Okay naman. Malayo sa bituka." sabay irap ko kay Raymond. Natatawa naman si Bradly na umupo sa swivel chair at nagtingin-tingin sa computer niya.
"Ikaw, Raymond? Kamusta naman ang pinapagawa ko sa 'yo?" baling nito kay Raymond.
"A-ako?" turo sa sarili niya.
"Malamang ikaw! Alangan namang ako? Sino pa ba ang Raymond dito? Bukod sa ating dalawa? Tsk! Idiot!" sabad ko.
Mabuti na lang at hindi masyadong mahigpit itong si Bradly. Palagi kasing absent minded itong si Raymond sa lahat ng ipinapagawa sa kanya.
"Don't worry, Boss... palagi lang akong nasa likod ni Ivy!"
"Duhh! Kaya ko mag-isa nuh? Gawin mo na ipinapagawa sa 'yo ni Brandly. Hindi na kita kailangan."
"Wow naman! Matapos mo akong pakinabangan? Bigla bigla mo nalang ako bibitiwan? Ouch!" Umakting pa na nasasaktan habang nakahawak sa tapat ng dibdib niya.
"Wow ha! f**k you!" sabay taas ko ng middle finger ko.
Natatawa na lang si Bradly sa aming dalawa.
Napansin ko namang nagmamadali si Bradly ng may nag pop-up sa notifications niya at agad na tiningnan iyon.
"Hey, tama na bangayan. Ivy, Raymond. Come here, may ipapakita ako sa inyo." Nagkatinginan naman kami ni Raymond at sabay na lumapit sa kinaroroonan ni Bradly. Pagdating sa trabaho namin ay nagiging seryoso kami. Professionalism is a must!
BAGO ako umuwi sa bahay ay dumaan na lang muna ako sa restaurant para magpatake-out ng pagkain dahil sa kalayan kong ito ay hindi na ako makakapagluto. Saglit lang ako naghintay ay dumating na rin ang inorder ko. Nagbigay ako ng bayad sa waiter, kasama na ang di kalakihang tip kaya naman lubos na nagpasalamat sa akin ang babaeng waiter.
Paglabas ko ay nag-abang ako ng taxi at nang may tumigil sa harapan ko ay agad akong sumakay. Sinabi ko kay Manong ang address ko at pinaandar na niya kaagad ang taxi. Napansin ko naman na pasulyap-sulyap sa akin ang driver mula sa salamin sa tapat niya kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit manong? May problema ba?" pansin kong nag iwas ng tingin sa akin si Manong driver. Natakot yata sa masama kong tingin.
"Pasensya ka na Miss, ha, pero mukhang dumudugo yata iyang parte ng may bendang braso mo," naiilang na sabi ni Manong.
Agad akong napatingin sa braso ko at kinapa iyon. "s**t!" nasambit ko. Paghipo ko sa braso ko ay may dugo ngang naiwan pag-angat ko ng kamay ko.
"Shocks naman! Bakit ngayon pa?" Hawak ko ang braso ko. "Manong pakibilisan ho. Pakihatid na ho agad ako sa address na ibinigay ko."
"S-sige ho, Miss!" mukhang mas kinakabahan pa yata si Manong driver kesa sa'kin ah!
Habang nasa byahe ay hawak-hawak ko lang ang braso ko. Akala ko pa naman okay na ito. Bakit kaya bigla nalang itong dumugo. Aissh!
"Nandito na ho tayo, Miss." pabatid ni Manong.
Inihinto ni Manong driver ang taxi niya sa mismong tapat ng gate ng bahay. Magaling si manong ha! Saktong-sakto lang ang pagkakaparada niya.
Umikot pa si Manong driver para buksan ang pintuan sa tapat ko. Inalalayan pa niya ako sa may tapat ng gate ng bahay ko.
"Sige ho, Miss. Mag-iingat ho kayo." paalam nito. At nagmamadali ng umalis. Natakot ba siya sa'kin?
"Teka! Manong!" Habol ko ng paandarin na niya ang taxi niya pero mukhang hindi na ako narinig dahil mabilis na naglaho iyon sa paningin ko.
"Hays! Ano ba yan si Manong! Di ko pa nabibigay yung bayad ko. Umalis na kaagd!" maktol ko. Kinuha ko ang maliit na remote muka sa shoulder bag ko gamit ang braso kong may sugat habang ang isa ay nananatiling nakahawak sa sugat kong dumudugo. Pinindot ko para automatic na bumukas ang malaking gate ko. Pagkapasok ko ay binilang ko agad ang kotse ko at ang big bike ko. Well... Kumpleto pa naman sila. Kulang nga pala ng isa. Ipinakuha ko pa kasi kay Raymond yung nasa basement ng company nina Giovan.
Agad akong pumasok sa bahay. Kinuha ko ang first aid kit ko sa cabinet saka umupo sa sofa tapat ng aking malaking TV malapit sa dining area. Uminom agad ako ng gamot para mabawasan ang sakit saka ko tinanggal ang benda ng aking sugat. Napangiwi ako ng makita ko ang sugat ko. Napwersa ko yata ang braso ko kaya nagdugo pero hindi naman ganun kalala. Naglagay ako ng bulak sa betadine at ikinuskos sa sugat ko. Napasigaw pa ako ng buhusan ko iyon ng alcohol para iwas infection at mabilis matuyo ang sugat ko.
I remember my first encounter kasama si Bradly nang i-raid ng mga pulis ang isa sa mga factory niya ng shabu. Para lang mailigtas ko siya, nagpahabol ako sa mga pulis para maagaw ko ang atensyon nila at makatakas si Bradly dala-dala ang bilyon-bilyong halaga ng shabu! Daplis din ang tama ko nun sa may balikat naman ngunit halos panawan ako ng buhay ng bigla nila iyong bubusan ng alcohol para matanggal daw ang pulbura at bala ng baril. Hanggang sa tumagal na. Unti-unti na akong nasanay sa lahat ng sakit na naranasan ko. Parang unti-unti ay naging manhid na ako. Pati na ang puso ko.
Nang malinis na ang sugat ko ay binalutan ko ulit ng pangbenda. Okay na ko. Kailangan kong maging matatag in order to survive. Wala na akong ibang kamag-anak o kakilala na pwedeng magmalasakit sa akin kundi si Bradly lang kaya naman gagawin ko ang lahat ng makakaya ko for him to satisfied him sa lahat ng ipinag-uutos niya sa akin.
KINABUKASAN ay maaga akong umalis ng bahay para pumunta sa GVS Company. Nagsuot ako ng usual na suot ko dahil wala pa naman akong uniform. Hindi ko alam kung paano mag apply ng trabaho. Pero sa tingin ko ay iinterview-hin ako ni Giovan ngayon. Hindi ko alam kung paaning interview ang gagawin niya. Kung susubukan ba niya ako kung magaling ako. Syempre! Magaling ako! Wala naman akong hindi alam na gawin. Being his lady bodyguard is super easy for me. Gusto pa nga niya akong gawing secretary pero sabi ko paf-iisipan ko muna.
Pagpasok ko palang sa loob ay pinagtitinginan na ako ng mga empleyado. Siguro ay dahil sa suot kong parang isang sanggano. Bakit? May problema ba sa suot ko? Nakafitted black leggings ako. Naka white red sando ang leather black jacket partner with a black boots na hanggang tuhod. Nakashades ako ng itim at taas noo naglalakad papunta sa opisina ni Giovan.
Nang makita ako ng secretary ni Giovan ay agad itong tumayo. Oh! I remember... Her name is Jazz!
"Hello po, Ma'am! May appointment po ba kayo, busy po kasi si Sir Giovan. May kausap pa pong kliyente sa loob." mukhang hindi niya ako nakilala.
"No problem. I can wait naman." ngumiti ako sa kanya. Well, hindi nga niya ako natatandaan, siguro ay dahil nakashades ako. Malaki kasi at halos sakupin na ang maliit na mukha ko.
"Okay po, Ma'am. Pwede po kayong maupo doon habang naghihintay," sabay turo niya sa bench sa may gilid ng desk niya.
"Okay! Thank you!" may manners pa rin naman ako nuh! Ayoko siyang tarayan dahil alam ko naman na kawawa siya sa boss niya. Lalo na kahapon na ipinagpaliban ang lahat ng schedules niya ng dahil sa akin.
Maya't maya ako tumitingin sa orasan ko. Infairness ha! Nakakainip ang maghintay, sa totoo lang! Halos trenta minutos na akong nakaupo dito ah! Baka mamaya nyan tubuan na ako ng ugat dito. Hay naku! Kung busy siya! Bahala siya dyan! May ibang araw pa naman.
Sabay ng pagtayo ko ay ang pagbukas ng opisina ni Giovan. At oo nga, tama nga ang sekretarya niya. May ka-meeting nga siya. Isang maganda at sexing babae na animoy model ng porn star dahil halos kita na ang kaluluwa nito. Nang mapatingin sa akin si Giovan ay agad akong nag-iwas ng tingin. My god, Ivy? What's your problem ba ha? Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na humalik malapit sa labi niya ang babae. Baka dyowa niya! Tsk! Eh ano naman sa 'yo Ivy, ha?!
Pagkatapos magpaalam ng haliparot na babae ay agad akong pinuntahan ni Giovan. "Ivy? Oh god! Kanina ka pa ba dito?" nag-aalalang tanong niya.
"30 minutes. I guess?" sabay tingin sa pambisig kong relo.
"What?" bulalas niya. Talaga lang ha? Hindi talaga siya makapaniwala? Tsk!
Hinila niya ang kamay ko kaya naman napangiwi ako. Nakalimutan na ba nyang masakit pa yun? Nagpatianod ako dumiretso kami sa desk ng secretary niya.
"Jazz! Bakit hindi mo sinabing may bisita ako?" iritableng tanong niya sa sekretarya niya.
"P-po? Kasi po, Sir. Sabi mo po, huwag ko po kayong istorbohin eh," sagot ng sekretarya niya. Ayun naman pala, mukhang gumawa ng milagro agang-aga. Pumagitna naman ako para magmukha akong mabait sa paningin nila.
"Naku! Giovan. Okay lang. Ayos lang ako. Saka ako din ang nagsabi na makakapaghintay ako." ngingiti ngiting sabi ko. Paiyak na kasi si Jazz eh! Mukha na kasing monster itong si Giovan, eh siya naman pala ang may sabing huwag siyang istorbohin! Tsk! Pathetic!
"S-Sorry po, Sir. H-hindi na po mauulit." Nauutal na sambit ni Jazz. Halata ang takot sa boses dahil sa amo niyang animoy leon na handang manlapa!
"Hey... Tara na nga sa office mo, tinatakot mo naman masyado iyang sekretarya mo." natatawang sabi ko para pagaanin ang paligid.
He really, really pissed off right now.
Ganun ba talaga ako kaimportante sa kanya?