"Kamusta ang sugat mo?" Paunang tanong niya ng makapasok na kami sa opisina niya. Mabuti na lang talaga at hindi niya tinanggal si Jazz, kundi kargo de konsensya ko pa.
"Okay naman. Makirot lang sa gabi, lalo na kapag malamig ang panahon." Hays kung alam mo lang kung gaano ako nagdusa dito kagabi. Halos mamilipit na ako sa sakit. Buong magdamag yata may kagad-kagat akong tela.
"Yeah, I know. That's why, ayaw pa kita pauwiin kahapon." he sound so very worried about me. About me? Or is it about the scar? Tss!
"Which is hindi naman pwede." mabilis na awat ko pa sa mga sasabihin pa niya. Ayoko sana ng ganitong treatment pero kailangan. Bakit kasi ito pa ang ipinagawa sa akin na trabaho ni Bradly.
"Okay, proceed to our topic," bigla naman yatang naging seryoso 'tong mokong na to. "In order you to protect me and to become my lady bodyguard, you need to be with me 24 hours, 7 days a week. You need to stay by my side 24/7. That's my conditions. Is it okay with you?" he asked. Aba! Nagtanong pa talaga siya kung okay sa akin, e mukhang nakapagdesisyon naman na siya! Aba! At my kondisyones pa talaga siya? 24/7? The f**k! Paano naman ang personal na buhay ko nito? Tss!
I cleared my throat before I answer his question, pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko kahit wala naman talaga.
"Hmm... pwede bang sa gabi, uuwi ako sa bahay ko?" Sana pwede... sana... sana...
"No. Hindi mo ba narinig ang sinabi kong 24/7? Take it or leave it." Sabi ng baritonong boses niya. s**t! Obligado na naman ako!
Hays! no choice ka, Ivy! Okay! okay! Para naman ito sa boss ko at sa akin na rin.
"O-okay. Kailangan ko rin kasi itong job na ito. Para maprotektahan na rin kita, kahit itaya ko ang buhay ko ay gagawin ko." parang gusto kong masuka sa mga sinasabi ko ngayon.
"Really? Parang sa kalagayan mong yan ay ako pa yata ang poprotekta sa 'yo." natatawang sabi niya. Yabang naman neto!
"Ngayon lang to nuh? Isa pa dahil din naman to sa 'yo kaya ako nagkaganito!" Tss! Nang-asar pa talaga siya huh! Pektusan ko kaya 'to ng isa?
Napag-usapan din namin na sa bahay niya ako titira. Hindi na rin ako nakatanggi sa lahat ng kondisyones niya dahil ako rin naman ang may kailangan sa kanya. Maligalig masyado 'tong amo ko ngayon. Kawawa naman yung bahay ko, matetengga. Hays. Di bale gagawa pa rin ako ng paraan para makauwi paminsan-minsan. Pero teka? Pano pala ako pupunta sa hideout namin kung palagi ko siyang kasama? Ano ba naman 'to? Isipin ko na naman kung paano ako lulusot. Tss! Mukhang tatanda ako ng maaga sa misyong ito!
Dumaan ang lunch, meryenda at hapunan ay nanatili lang ako sa sofa niya habang nagpapahinga. Pinapadalhan lang niya ako ng pagkain sa isa sa mga tauhan niya. Ganito ba ang trabaho ng isang lady bodyguard sa tingin niya? Para kasing yaya ang datingan ko nito na may alagang baby damulag.
Alas sais na pero wala pa rin yatang balak na umuwi ng isang ito. Napaka workaholic din pala. Akala ko easy go lucky lang kasi madali lang naman siyang nakakakuha ng shares na hindi niya pinaghihirapan
Habang hinihintay ko siyang tumayo sa kinauupuan niya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na suriin ang kabuuan niya. Gwapo pala talaga siya sa malapitan. He has a perfect jawline. Matangos ang ilong, Makapal ang kilay at pilikmata. Mapula ang labi. Hindi siya manipis at hindi rin makapal sakto lang para sa kagwapuhan niya.
Hindi ko namalayan na nakasalumbaba na pala ako at para na akong nag-da-day dreaming ng mapatingin siya sa akin. Shocks! Sunod sunod tuloy ang pagkurap ng mga mata ko.
"Why? May dumi ba ako sa mukha?"
"W-wala naman. Hindi naman kasi ikaw ang tinititigan ko, yun oh!" tinuro ng bibig ko ang salamin na bintana sa opisina niya. Alibi ko na lang ang kabilang mataas na building. Ang ganda din kasi ng design.
"Talaga ba?" Nakita ko pa ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Aba't! Hindi ko naman sinasadyang mapatitig sa kanya ah! Naboring lang talaga ko sa paghihintay!
"O-oo." sige lang, Ivy! Panindigan mo yang katwiran mo.
"Okay," sabay sarado niya sa laptop at tumayo na. Kinuha ang coat niya at lumapit na sa akin. Nailang tuloy akong bigla.
"Let's go." aya niya.
Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Nagpaalam pa ako kay Jazz bago kami tuluyang umalis. Sabay na kaming naglakad papuntang elevator. Nang makapasok na kami ay ramdam ko ang pagkamanhid ng pwetan ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong pake kahit boss ko na siya bgayon.
"Alam mo bang ngalay na ngalay ang pwet ko sa kakaupo dun sa sofa mo? Nakakainip pa lang maging bodyguard mo," kunwari ay reklamo ko.
"Talaga ba? Mukhang masyado ka ngang nag enjoy sa magandang view kanina. Hayaan mo, next time di kana maiinip. Lilibangin na kita sa opisina ko. We do some activity, you know hmm?" Kibit balikat nkya kasabay ng mapaglarong ngisi niya.
Ano daw? Ang slow ko yata at di ko agad nagets? Anong ibig sabihin niya sa "We do some activities?" May ganun ba sa opisina niya? Kayo ba alam nyo kung ano yun? Paki explain nga sa'kin!
Nasa private elevator kami na siya lang ang bukod tanging pwedeng sumakay. Well, presidente kasi siya ng sarili niyang kumpanya kaya siguro may sarili rin siyang elevator. Yayamanin din 'tong isang ito, eh!
Pagdating namin sa ground floor ay agad siyang lumabas. Ang bilis niyang maglakad, isama pa ang mahahaba niyang binti dahil matangkad siya. Halos patakbo tuloy ang ginagawa ko para lang makasunod sa kanya. Inilabas niya ang susi ng kotse niya at may pinindot doon. Tumunog naman iyon kaya nakita kong nasa may unahan ko lang pala ang sasakyan niya. Isa iyong sports car na kulay pula. Well, hindi na bago sa akin ang ganitong uri ng sasakyan.
Pinindot niya ulit ang bagay na nasa kamay niya kaya bumukas ang pintuan ng sasakyan. "Get in!" utos agad niya.
Sumunod naman ako sa utos niya. Sumakay ako sa kotse niya pagkatapos ay umikot na rin siya at sumakay na rin sa driver's seat. May pinindot ulit siya at unti-unti nang sumara ang magkabilang pintuan ng sports car niya. Hi-tech diba?
"Are you ready?" he asked.
"Ready for what?" Takang tanong ko. Aba! Mamaya, ready sa kung saan ang itinatanong niya, mahirap na! Iba na ang may alam!
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Oh My god! Ang bilis ng t***k ng puso ko. "T-teka? anong gagawin mo?" Sunod kong narinig ay ang pag tunog ng "click" ikinabit lang pala niya ang seatbelt ko. Akala ko kung ano na! Pero hindi pa doon nagtatapos dahil lumapit pa siya ng bahagya sa tenga ko at may ibinulong.
"Ready to be with me. 24/7." sabi niya. Kinilabutan ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagtama ng hininga niya sa tenga ko. Pakiramdam ko lahat ng balahibo sa katawan ko ay nagsitayuan na. Except sa baba, syempre! Hmm? Green!
"O-ofcourse! B-bodyguard mo ko kaya kailangan palaging handa ako." I stuttered. Teka nga! Bakit ba ako nauutal? Diba dapat masanay na akong palagi ko siyang kasama? Why am I so nervous right now!
"Okay, good!" halos panawan ako ng hininga ng bigla niyang paandarin ang sasakyan niya. Wala ba siyang pakialam sa mga sasakyan sa paligid niya? Do I under estimated him? Am I? Like sanay naman na ako sa ganito pero bakit pagdating sa kanya, kinakabahan ako? Hays! Kalma ka lang Ivy! Hayaan mo yang gagong yan sa gusto niyang gawin. Wag mong ipakita sa kanya na natatakot ka or kinakabahan ka, Okay?
Teka! Bakit parang alam ko ang lugar na to? Papunta ito sa bahay ko ah!
"Teka? Dito ba ang daan papunta sa bahay mo?" agaw pansin ko sa kanya.
"Hmm, Oo. Why? You look so tense! May problema ka ba?" worried na tanong niya.
"Hmm.. Wala naman. May naalala lang ako." tipid na sagot ko. Nakahinga ako ng maluwag ng lampasan niya ang bahay ko. Kung ganun? Sa kanya itong kabilang bahay? Ang white house?! Bulalas ko sa isipan ko. Nasagot ang tanong ko ng huminto kami sa tapat ng gate niya at biglang bumukas iyon. Puti din iyon na automatic din. Pagkapasok ng gate ay sinalubong agad kami ng dalawang naka-unipormeng gwardya.
Bumukas ang pintuan sa mismong katapat niya saka siya umikot sa kinaroronan ko at binuksan ang pintuan doon pagkatapos ay inalalayan ako.
"Good Evening po, Sir Giovan and Madame," bati sa amin ng dalawang gwardya. Bumati rin ako sa kanila at ngumiti ng bahagya. Si Giovan naman ay ibinigay sa susi sa isang gwardya para sila na ang magpasok ng sasakyan sa loob ng parking lot. Naglakad kami papasok sa bahay nya este sa mala mansion niyang tagahan. Pagpasok namin ay may mga nakahilerang katulong na nag aabang yata sa pagdating ni Giovan. Nakauniporme sila ng puti na pinatungan ng kulay blue na apron.
"Maganda gabi po, señorito." sabi ng isang mayordoma yata nila.
"Ipaghanda nyo kami ng makakain, ngayon din!" maawtoridad na utos niya.
"Masusunod po señorito." Pumalakpak ang babaeng sa tingin ko ay nasa 50's na. At agad na nagsikilos ang mga katulong. Hindi ko alam na ganito na pala talaga siya kayaman at ka-elegante.
Naupo na kami sa hapag-kainan at nagsimula ng maghain ng pagkain ang mga katulong niya.
Halos mapanganga ako sa dami ng pagkain na inihahayin nila. Daig pa nila ang may okasyon sa dami ng inihanda nila. Mauubos ba namin lahat ito? Hindi kaya masayang lang ang matitira?
"Let's eat!" utos rin niya. Napakahilig mag utos ng lalakeng ito. Tss!
Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. It was steak and rice. Nilagyan niya rin ako ng vegetable salad sa platito. Iniabot niya iyon sa akin saka ipinagsalin ako ng juice ng maid niya.
"Thank you," I mouthed. Yumuko naman ang katulong sa akin pagkatapos ay umalis na.
"By the way, ang gagawin natin first thing in the morning ay pupunta tayo sa mall para ipagshopping ka. Bibili tayo ng mga damit na susuotin mo habang magkasama tayo. We buy more dresses dahil ikaw na palagi ang isasama ko sa mga big events na dadaluhan ko."
"Bodyguard mo ako, bakit ako magsusuot ng dress?" shocks! I hate dresses. Mas gusto ko yung ganitong get up ko.
"Sino bang masusunod sa 'ting dalawa?"
"I-ikaw, syempre!"
"Yun naman pala. Bakit puro reklamo ka pa?" Hays! Kainis! Sungit nito. Bakit bigla na lang siyang nagsusungit sa akin ngayon? Sinisindak niya ba ako para sumunod ako sa lahat ng ipag-uutos niya?
Napasulyap naman ako sa pagdating ng isang tauhan niya na may dala-dalawang tatlong paper bag. Inilapag iyon sa tabi ng upuan ko.
"For now, yan na lang muna. Magpalit ka mamaya ng pantulog mo. Ang init kasi tingnan ng suot mo." Bigla naman akong napatingin sa suot ko. Anong mainit dito? Astig nga eh! Gusto ko pa sanang magreklamo pero itinikom ko na lang ang bibig mo. Wala rin naman akong magagawa sa kanya dahil puro siya ang nasusunod.
Oh! Bat parang tumitiklop ka na ngayon, Ivy?
Ngayon lang naman to. Kapag successful na ang plano ko. Sa akin naman ang huling halakhak.
Nang matapos na kaming kumain ay tumayo na kaming dalawa mula sa hapag kainan. Umakyat kami sa pangalawang palapag ng hagdan gamit ang elevator sa loob ng bahay niya. Tingnan mo! Pati sariling bahay may elevator? Tamad siguro itong maglakad Tsk!
Itinuro niya sa akin ang kwarto ko. Katabi nito ang ay library niya at opisina daw niya sa loob ng bahay. Pero hindi niya sinabi sa akin kung saan nakapwesto ang kwarto niya. Hindi ko naman na tinanong pa, baka isipin pa nito interesado ako sa kwarto niya.
Binuksan niya ang pinto ng kwartong ibinigay niya sa akin. Gamit ang susing hawak-hawak niya. Kung ganun may access siya sa magiging kwarto ko? So, anytime pwede siyang makapasok dito? Kailangan ko palang magdoble ingat. Para hindi niya ako mahuli. Kailangan maging aware ako. Mahirap na baka mahuli pa niya ako pag may kausap akong kahina-hinala sa cellphone ko.
Nakabantay siya sa pintuan ng pumasok ako. Nasa magkakrus sa tapat ng dibdib ang braso niya at binabantayan ang mga kilos ko.
"Babantayan mo lang ba ako buong gabi?"
"Depende, kung gusto mo." humalakhak pa nga ang gago.
"No! Magbibihis na ako kaya pwede mo na akong iwan dito. Bukas na tayo ng umaga magkita." ako naman ang nag-utos sa kanya.
"Okay. Sigurado ka bang yan ang gusto mo?" pangungulit pa niya.
"Oo, Kaya chupi!" sabay tulak ko sa kanya paalis sa pwesto ng pintuan ay agad na isinarado iyon. Kilala niya kaya na ako ang nakasama niya sa club ng gabing iyon? Sana naman ay hindi. Wag muna sa ngayon.
Naligo muna ako. Himala at kumpleto rin ang gamit pampaligo at gamit sa katawan ng isang babae. Mukhang sanay na sanay na ah. Tss.
Nagbalot ako ng tuwalya at pinatuyo ang buhok. Binuksan ko ang laman ng paper bag. Isa iyong manipis na nighties na may kasamang lingerie. Kulay pula pa talaga ha. May undies na rin. Nahiya naman ako bigla dahil sukat na sukat sa akin ang lahat ng binili niya. Memorize niya ang vital statistics ko?
Kung ganun...
No! no! Nakamaskara ako nun kaya imposible ang iniisip ko. Nagkataon lang yan. Sexy ka kasi!