Chapter 6: Something's Fishy

2118 Words
Alas siete palang ay nakaready na ako. This is my first day being his bodyguard. Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan kaya binuksan ko iyon kaagad. "Goodmorning po, Ma'am Ivy. Bumaba na daw po kayo sabi ni Sir Giovan at kakain na daw po kayo ng almusal." magalang na sabi ng maid sa akin. "Sige ho, Manang... Susunod na ho ako." tugon ko. Pagkasabi ko nun ay umalis na ang maid na medyo may katandaan na rin. Akalain mo yun? Mas nauna pa yung boss mong mag-ready kesa sayo? Morning person rin pala siya. Sabagay, ganun yata talaga kapag mga businessman. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Nakita ko siyang nakaupo na sa hapag kainan, us usual, super dami na naman ng foods na hinanda nila. Ganito yata talaga kapag sobrang yaman, parang araw-araw may handaan. Kami kasi nun kahit mayaman simple lang ang pagkain sa mesa, saka yung tama lang at kaya naming ubusin. "Maupo ka na at kumain pagkatapos ay pupunta na tayo sa mall para ipamili ka ng lahat ng kailangan mo." he said. "Okay, Boss!" tipid na sagot ko. Umupo na ako at naglagay na ng kaunting pagkain sa plato. Nakaready na rin siya dahil naka office outfit na siya. Gwapo niyang tingnan sa suot niyang blue na tuxedo, parang laging aattend nang party kung iisipin mo. Nauna siyang kumain pero mas nauna pa akong makatapos sa kanya. Nang tatayo na ako ay bigla pa siyang nagsalita. "You don't like the food? Pansin ko, konti lang ang kinain mo." Hindi naman sa hindi ko nagustuhan ang pagkain. Kung tutuusin ay masarap silang lahat. Hindi ko lang talaga feel na kumain ng marami dito sa pamamahay niya. Dahil kung hindi lang sa trabaho ko ay hindi ko gugustuhin na tumira dito. "No. I-I mean, hindi lang talaga ako mahilig kumain ng marami sa umaga. Kadalasan kasi sa bahay ang kinakain ko lang sa umaga ay tuna sandwich and coffee." alibi ko. Dahil ang totoo nyan ay para akong isang construction worker kumain kapag ako lang mag isa. Mabibigat kasi ang trabaho na pinapagawa sa akin ni Bradly kaya need kong magpalakas ng katawan lalo na at sasabak sa giyera. "Hmm, Okay. Hayaan mo bukas ganun na lang ang pagkain na ipahahanda ko kay Manang." aniya. Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya. Uminom muna ako ng tubig saka kinuha ko ang table cloth at ipinunas na ng bahagya sa bibig ko. Ganun din naman ang ginawa niya. Dala ang attachecase niya ay sumunod na ako sa kanya palabas. Dumiretso kami sa kotse niya. Binuksan niya ang pintuan at pinasakay na ako. Pagkasarado ng pintuan ay umikot siya sa kabila at sumakay na rin. At automatikong bumukas ang gate niya. Iba na ang guard na duty sa gate niya. Panggabi siguro yung duty kahapon kaya sa umaga ay ibang gwardya naman. Napabuntong hininga ako. Panibagong araw kasama si Giovan. Panibagong pagtitiis na naman. Gaya ng sabi niya ay dumiretso kasi sa mall. Naalala kong weekend nga pala ngayon. Wala siguro siyang pasok sa opisina niya. Dumiretso kami sa isang boutique at hitsura pa lang ng boutique ay mukhang mamahalin ang mga damit dito. May lumabas na isang babae at sinalubong si Giovan. Humalik pa ito sa pisngi. "Oh? Jowa o close lang talaga sila? But nevermind! Wala akong pakialam kahit maglaplapan pa sila sa harapan ko. "Naligaw ka yata?" bulalas na tanong ng babae sabay tingin sa akin. "Hindi, Steph. Ikaw talaga ang sadya ko." sagot naman ni Giovan. Sige lang, maglandian pa kayo sa harap ko. Kumapit pa ang babae sa braso ni Giovan kaya umikot ang eyeballs ko. "Talaga ba?" Maarteng tanong ng babas. Duh? Haler! Andito ako oh! Isali nyo kaya ako sa usapan nyo! Hinila ako ni Giovan papalapit sa kanya. Narinig yata ang sinabi ko sa isipan ko. "I need you to assist her. She is my lady bodyguard. But I need you to take care of her sa mga damit na pipiliin niya. Pick her some good dress at ipasukat mo sa kanya lahat." ani Giovan sa babae. "Uh. Okay." dismayadong sabi ng babae. Bumitaw sa braso ni Giovan at iginiya ako na sumunod sa kanya. "Come with me." aniya. Dinala niya ako sa napakaraming damit na pambabae. Infairness ha. Hindi na masama. Hindi ako nadismaya sa taste niya. Ang gaganda ng design ng mga damit niya kaya lang di ko type ang masyadong girly thing. Minsan lang ako nakakapagsuot ng masyadong pambabae kapag pinagpapanggap ako ni Bradly o kaya naman ay gagamitin niya ako sa isang event. What more kung araw-araw ganito? Baka hindi na ako magmukhang bodyguard nyan? "You can choose anything you want at pumunta ka sa fitting room. After mo isukat ay ipakita mo kay Giovan. Is it clear with you?" halata ang pagkadisgusto niya sa akin sa tono pa lang ng pananalita niya. Tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Tsk! "Okay." Tipid na tugon ko saka ako tumalikod sa kanya at kinuha ang napili kong damit. Hays! Pwede naman sigurong hindi ko na isukat ito eh. Di bale, isa lang naman ang sabi niya eh. I pick the black one. Long dress siya, Simple lang ang design niya. Patali sa leeg, medyo labas at medyo malalim ang neckline niya na sa tingin ko ay makikita na ang cleavage ko. Pumasok ako fitting room dala ang damit na kinuha ko saka ko isinukat iyon. Nagpaikot-ikot pa ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili bago lumabas. Nakita ko si Giovan na nakaupo at naghihintay. May binabasa siyang women's magazine. Babae kasi ang featured sa unahan kaya yun ang hula ko. Napaangat siya ng tingin ng maagaw ko ang presensya niya. "What do you think?" Tanong ko sa kanya. Hindi kasi siya nagsasalita. Basta lang nakatingin sa akin. He cleared his throat. "Hmmm, yeah... maganda... Napakaganda." sabi lang niya na parang lutang. Hindi ko alam kung sa damit ba siya nagagandahan o sa akin kasi naman sa mukha ko siya nakatingin habang nagsasabi ng maganda. "So, okay na 'to?" paninigurado ko pa. Tumango naman siya na parang bangag. Ewan ko dito naka shabu yata! Tinawag niya si Steph. Lumapit naman ito kaagad. "Yes dear? So, Okay na ba siya?" "Yes. Bilhin ko na lahat ang isang hilera ng dress na iyon." sabay turo sa pinagkuhanan ko kanina. Omg! Ang dami nun! Masusuot ko ba yun lahat? "O-okay..." tugon na lang ni Steph. Tinawag nito ang mga assistant niya at ipinaayos agad ang lahat ng iyon. Ipinalagay sa kahon, ang iba naman ay sa paperbag. Nang ok na ang lahat ay ipinasok na sa likuran ng sasakyan niya ang lahat ng iyon. Kaya pala kotse ang dinala niya eh. Kakaiba pala itong magshopping, binibili na lahat. I'm sure tuwang tuwa ang bruhang yun. Halatang may gusto kay Giovan yung Steph. At ako naman ay hindi niya gusto. Sus! Akala mo naman aagawan ko. Kanyang kanya na! Isaksak niya pa sa baga niya. Nang makasakay kami sa sasakyan niya ay hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Uuwi na muna siguro kami sa bahay niya upang iuwi ang mga pinamili niyang sangkaterbang damit. "Uuwi na ba tayo?" paninigurado ko. "Nope. Daan muna tayo saglit sa office ko may kukunin lang ako." aniya. "Okay." Pagpasok namin sa office niya ay pinaupo lang niya ako sa sofa. Saka dumiretso sa drawer niya at parang may hinahanap. Nang hindi niya mahanap ay kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa at may tinawagan. "Hellow Jazz, Nakita mo ba yung invitation sa akin ni Mr. Cheng? Hindi ko kasi nadala kahapon. Oo, yun nga. Okay-okay. Yes. Nakita ko na." nakalagay ang cp niya sa tenga niya habang ipit-ipit gamit ang balikat niya. "Thank you, Jazz." pahabol pa niya. "Let's go." aya niya ng makita na niya ang invitation card. Buti naman. Uuwi na siguro kami ngayon. Walang tao sa kumpanya kaya tahimik at walang matang nakatingin sa amin. May ilan na mga guard na bantay at may iba naman na naglilinis pero hindi naman nila kami sinusulyapan. Sumakay ulit kami sa sasakyan niya. Dumiretso kami sa isang restaurant na nakabukod sa mall at kumain ng lunch. I feel a little bit tired dahil sa kakalakad kaya naman bumawi ako sa pagkain. Hindi ko na kayang magpanggap na konting kain lang dapat. Pansin ko ang paninitig niya habang kumakain ako. "Bakit?" tanong ko habang nginunguya ang pizza na kinagat ko. Medyo puno pa nga ang bibig ko eh. "Wala." natatawang sambit niya. "Ayaw mo bang kumain?" tanong ko habang panay ang subo at panay ang nguya ko. Spag at Pizza inorder ko eh. "Feeling ko, busog na ako. Ang sarap mo kasi pagmasadan habang kumakain eh," puna pa niya. "Sus! Alam kong maganda ako pero hindi ka mabubusog na kakatingin sa akin, kaya sige na, kumain ka na. Hindi ko kayang ubusin itong ibang inorder mo," utos ko. Wala akong pake kung siya ang boss. Basta kapag gusto ko uutusan ko siya. "As you said." aniya at sinabayan na niya akong kumain. Masunurin naman pala. Pero iba talaga kumain ang mayayaman na katulad niya. Sobrang hinhin eh. Samantalang ako, mukhang patay gutom. Bakit? Dapat ba mag inarte pa ako sa harap niya? No way! Bahala siya dyan! After naming kumain ay nagpaalam ako sa kanya saglit na magbabanyo. Pumayag naman siya at sinabing hihintayin niya ako sa dining table namin. Need ko magtoothbrush and magretouch na rin. Nakasanayan ko na ito. Ang magdala ng toothbrush kapag umaalis ako ng bahay. Pagbalik ko ay nandun pa rin siya at naghihintay. "Tara na." aya niya. Buong akala ko ay sa bahay niya ang diretso namin pero sa tingin ko ay nagkakamali ako. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang salon. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko pagkapasok namin sa loob, pero imbis na sagutin ang tanong ko ay may tinawag siyang isang member ng l***q. "Gucci, I need you to take good care of her. Okay? May big event kaming pupuntahan mamayang hapon. And make sure na siya ang pinakamaganda sa event na pupuntahan namin." habilin niya sa akin sa isang binabae. "Sure. Sure. Kelan ba ko napahiya sa 'yo." may mapaglarong ngiti ang bakla sa kanya. "Good." sabi pa ni Giovan sabay tapik sa balikat nung kausap niya. "So, pano? Maiwan na muna kita dito?" tanong pa niya. "May magagawa pa ba ako?" sarkastikong sagot ko naman. Natatawa siyang nagpaalam na lang sa akin. Lumapit na sa akin ang baklang nagngangalang Ruby. Hinawakan ako sa balikat at pinaikot ikot. "Mukhang hindi naman ako mahihirapan na pagandahin ka, dahil maganda ka na talaga." komento ng bakla sa akin. Sasabihin ko sanang "I know" pero hindi ko na binigkas bagkus ay nagpasalamat na lang ako. "Thanks!" Pinaupo niya ako sa isang mataas na upuan at nagsimulang ayusin ang buhok ko. Nilagyan niya ng kulay iyon. Gosh! I hate this! Nilalagyan niya ng kulay ang buhok ko. Halos antukin na ako sa tagal ng proseso ng pag-aayos niya sa akin. Kinulayan niya ng blonde ang buhok ko. Nagmukha tuloy akong foreigner sa paningin ko. Pagkatapos niya sa buhok ko ay pinagpahinga niya lang ako saglit. Sunod ay inayusan na niya ang mukha ko. Nilagyan niya ng make-up na halos hindi ko na makilala ang sarili ko. "Charan! Tapos na!" satisfied na sabi pa niya. Natutuwa sa ginawa niya. Maging ako ay napanganga din. Inayusan niya ako na parang messy bun. I mean sosyal na messy bun dahil may mga nakalagay na animoy diamante sa buhok ko. May nakalaylay na konting buhok sa gilid ng mukha ko. Eleganteng-elegante ang dating. "Come here, isuot mo ito." binuksan niya ang nasa kahon. Oh my! Yun ang damit na isinukat ko kanina ah! "Don't worry, pinalaundry na yan ng Boyfriend mo kaya malinis na daw yan sabi niya." Ruby said. "Sabi niya? Ibig sabihin narito na siya?" Bulalas ko. Bakit parang naexcite ako? No! Hmm. Nangako lang siya na babalikan niya ako dito kaya ganun ang naging reaksyon ko. Isinuot ko na ang damit. Syempre, ingat na ingat na magulo ang buhok at matanggal ang make up ko. Mabuti na lang at patali sa leeg ang napili ko. Napatingin ako sa kabuuan ko sa isang malaking salamin. Napangiti ng palihim. Well... Not bad for me. "You're so beautiful as I expected." sabi ng isang baritonong boses sa likuran ko. I saw him at the mirror na nasa unahan ko. He was standing behind my back. "I know." kumpyansang sagot ko. "Let's go. Tayo na lang ang kulang sa putahe na inihanda nila." Putahi? Cannibal ba siya? Balak ba niya akong ipaluto sa pupuntaha namin? Something's fishy huh. Ano na naman kayang binabalak ng isang Giovan? May bago na naman siguro tong nadekwat na shares sa kumpanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD