Habang binabasa ko ang resulta ng DNA test ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil napamahal na rin at napalapit sa akin si Cassy. At the same time napatiim bagang ako dahil sa panloloko sa akin ni Ashley. Bakit ba hindi ko ito naisip noon? Dahil sa kagustuhan ko na malaman kung nasaan si Ivy ay kinagat ko ang pain sa akin ni Ashley. Ipinatong ko sa table ang papel at pagod na napasandal sa aking swivel chair. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na kaagad ako kahit kakarating ko pa lang dito sa opisina. Napahilot ako sa aking sintido. Sumasakit ang ulo ko sa isipin na ginago ako. Nagpasya akong hindi muna ipaalam kay Ashley na alam ko na ang totoo. Gusto ko munang alamin kung sino ang totoong tatay ni Cassy. Bakit ako pa ang napili niya? It's

