"Lalong lumalala ang kalagayan niya at lalong bumababa ang platelets niya." sabi ng Doctor sa akin. Ibang Doctor ito dahil wala ang Doctor na nag-aasikaso at gumagamot kay Cassy. Ni hindi ko alam kung tunay na doctor nga ba yun dahil hindi ko na ulit nakita dito sa Hospital. Itatanong ko sana sa Head Department pero hindi ko naman alam kung ano ang pangalan. "Anong kailangan gawin Doc. Jimenez?" nag-aalalang tanong ko. "As much as possible ay hayaan natin siyang magpahinga. Huwag natin siyang hayaan na ma-stress dahil nakakapagpahina iyon sa kanyang immune system. Kailangan niyang magpalakas ng kanyang katawan upang malabanan niya ang kanyang sakit. Panatilihin din natin na palagi siyang kalmado." advise niya sa akin. Tama. Kaya siya nawalan ng malay ay mukhang natatakot siya kanina.

