Naalimpungatan ako sa katok na naririnig ko mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Kinapa ko ang cp ko at tiningnan ang oras. Bahagyang nakapikit ang mga mata ko dahil sa liwanag ng nanggagaling sa cellphone ko. Teka? Alas kwatro y media pa lang ah! Sino naman kaya 'to? Patamad akong tumayo mula sa higaan ko at dala ng matinding antok ay natapilok pa ako. Bwisit talaga! Tumayo ako at agad na lumapit sa pinto dahil naging sunod-sunod na ang pagkatok nito. "Sandali!" Iritableng sigaw ko pa. Ayaw tumigil e! Wala akong pakialam kung sino man ang kumakatok pag ganitong antok na antok pa ako. Alas sais pa dapat ang gising ko pero heto! Inantala ng kung sinumang poncio pilato! Padabog na kinabig ko ang seradora ng pintuan. Naghihikap pa ako pagkabukas ko ngunit agad ko rin naitikom ng tu

